Share

Chapter 96

Mia's POV

Walang kasing sakit ang ginawa nilang panloloko sa'kin. Akala ko talaga ay ang pagtapon sa sarili nilang anak na ipinaalaga nila sa iba lang ang ginawa nila, pero hindi.

Hindi ko alam na may mas ititindi pa roon. At hindi ko inaasahan na may ibang tao pang nadadamay sa situwasyon namin.

Anak nila si Kassidy. Kahit na sabihin natin na ampon lang siya. Kasama nila ito mula pa pagkabata, pero kahit na gano'n hindi sana nila itinago ang bagay na 'yun mula sa kaniya. Karapatanan niya namang malaman eh. Gayo'n na rin sana sa'kin.

Tiyaka, bakit sa lahat ng panahon ay ngayon pa nila napiling magpakilala? Sa dami at haba ng panahon na kami'y nagkalayo, bakit ngayon pa?

Hindi ko sila maintindihan, lalo na si Ma'am Mirabella. Sinasabi niyang na-miss niya ako, pero hindi naman 'yun ang nakikita ko.

I can't feel it.

Kapag iiyak siya, awa at pangungunsensya ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, ako pa 'yung may kasalanan dahil napaiyak ko siya. Masama na kaya akong anak sa mga panunum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status