Share

CHAPTER 7

“BOSS, may delivery para sa ‘yo.” Ani Eliza nang makapasok siya sa opisina ng amo. Nakita niya ang Boss niya na abala sa harapan ng oven.

Without looking, Wynter asked, “what is it?”

Tinignan ni Eliza ang hawak. “A bouquet.”

Natigilan si Wynter saka tumingin kay Eliza. “Was it from him again? Sinabi ko na sa ‘yo na kapag basta galing kay Dean Peralta, itapon mo na lang. Huwag mo ng ipakita sa akin.”

“Ahmm, Boss, hindi ‘to galing kay Mr. Peralta.” Ani Eliza.

Kumunot ang nuo ni Wynter. “Kanino?”

Tinignan ni Eliza ang note na nakalagay. “Galing kay Mr. Cassiuz Velasquez, Boss.”

Wynter rolled her eyes. “Pakitapon na rin.”

“Oh.” Tumango si Eliza. “Okay, Boss.” Lumabas siya ng opisina ng amo saka lumabas ng café. Itinapon niya ang bouquet sa malaking basurahan na nasa labas ng café.

Nanlaki naman ang mata ni Dan na nakakita. Siya ang inutusan ng Boss niya na magdeliver ng bulaklak kay Ms. Wynter Aguilar pero hindi inaasahan na ipapatapon lang nito. Dan sighed and called his Boss but he was out of reached so he just walked towards the car and left the place. Bumalik siya sa opisina ng Boss niya para ipaalam rito ang nangyari.

Kinuha naman ni Wynter ang cellphone saka tinawagan ang numero na ginamit ni Cassiuz nang magpadala ito ng mensahe sa kaniya.

“Do you miss me that you even call me?” Cassiuz asked with a smile.

Wynter rolled her eyes. “FYI, Mr. Cassiuz Velasquez, I don’t miss you. Tinawagan kita para ipaalam ko sa ‘yo na hindi ako natutuwa sa mga ginagawa mo. Hindi ako interesado. Ito ang una at huling beses na magpadala ka rito ng bulaklak. Anyway, pinatapon ko pala ang pinadala mo. Katulad ng sabi ko, hindi ako interesado.” At pinatay na ni Wynter ang tawag saka blinock ang number na ginamit ni Cassiuz.

Napailing ang dalaga. “Nakakasira ng araw.” Aniya.

Napabuga ng hangin si Wynter.

Napangiti naman si Cassiuz nang patayan siya ng tawag ni Wynter. “That’s why I like her. Kakaiba siya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko.” Aniya. Tinignan ni Cassiuz ang mga bodyguard, “tell our men to guard Wynter from a far, huwag silang lalapit sa kaniya at magpapahalata. I think Wynter is smart and she could easily figure out. She’ll be mad at me if she knew about this.”

Tumango si Jerome. “I’ll tell our men, Boss.”

Tumayo si Cassiuz at aalis na sana ng conference room nang lumabas si Jessica sa gilid ng pintuan. “Who’s Wynter?”

Namulsa si Cassiuz. “I’m not obliged to tell you.” Nilagpasan niya ang babae pero hinawakan ni Jessica ang braso niya.

“Cassiuz…”

Napabuga na lang ng hangin si Cassiuz saka tinanggal ang kamay ng babae na nakahawak sa braso niya saka naglakad paalis.

“You’ve really changed, Cassiuz. Hindi ka naman ganito dati.” Sabi ni Jessica.

Without looking back, Cassiuz speak with cold voice, “I have nothing to do with you.” Then he left. Sumunod naman ang mga bodyguard niya.

Kumuyom ang kamay ni Jessica. “I won’t let you be with anyone else.”

NAG-AAYOS na sina Wynter ng café nang may pumasok.

“Sir, magsasara na po kami…” natigilan si Anne nang makilala kung sino ang pumasok. Tumikhim siya saka tumingin kay Lex.

Lumapit si Lex sa taong pumasok. “Good evening, Sir. Magsasara na po kami.”

Ngumiti si Dean. “No worries, I’m here for Wynter. Is she here?”

Tumango si Lex. “She’s here, Sir. She’s cleaning her office with Eliza.”

“Sige, hihintayin ko na lang siya.”

Umiling si Lex. “Sa tingin ko, Sir, huwag niyo ng hintayin si Boss kasi pagod siya at gusto na niyang magpahinga.” Seryosong sabi ni Lex. Sinenyasan niya si Anne at tumango lang naman si Anne.

Nagpatuloy si Anne sa paglalagay ng mga upuan sa itaas ng lamesa.

Lumabas naman si Dean at hinintay si Wynter.

“Boss, nandito si Sir Dean.” Imporma ni Lex.

“Oh.” Tumango lang si Wynter. “Umalis na ba?”

Umiling si Lex. “Nasa labas siya, Boss. Hinihintay niya kayo.”

Napabuntong hininga na lang si Wynter saka napairap sa hangin. “He’s really a thick-skinned guy.”

Natawa si Eliza at Lex.

“Papaalisin ko ba siya, Boss?” tanong ni Lex.

Umiling si Wynter. “Hayaan niyo na. Ako na ang kakausap sa kaniya mamaya.”

“Sige, Boss.”

Napailing si Wynter.

“Boss, ayaw niyo ba talaga sa kaniya?” tanong ni Eliza habang tinatapos nito ang ginagawa.

“Isa ka pa.” Sabi ni Wynter. “Kung gusto ko siya e di sana hindi na siya nahihirapan. I already told him that he had nothing to expect from me but he won’t listen and he is just persistent. It’s annoying actually.”

“Boss, ‘yan ang tinatawag nilang mahaba ang pasensiya.”

“Pero ako ang nauubusan ng pasensiya sa kaniya.” Inis na sabi ni Wynter.

Napailing na lang si Eliza. Hindi niya alam kung bakit pero napapansin niya sa Boss niya na lumalayo ito sa mga lalaki mas lalo na sa mga nanliligaw rito. Masungit rin ito sa mga lalaki actually.

Nang matapos nila ang trabaho, isinara na nila ang café.

Ibinigay ni Wynter ang susi kay Eliza. “Baka hapon na ako makakapasok bukas. Ikaw na muna ang bahala sa café.”

Sumaludo si Eliza. “Yes, Boss.”

Natawa si Wynter. “Mali ang pag-salute mo.”

Natawa na rin si Eliza.

“Boss, una na kami.” Paalam ni Anne at Lex.

“Sige. Mag-ingat kayong dalawa.”

Sumakay si Lex sa motor nito at umangkas naman si Anne. Kumunot ang nuo ni Wynter at tumingin kay Eliza. Nagkibit lang naman ng balikat si Eliza.

Wynter smiled. I’m not updated.

“Wynter, pauwi ka na ba? Ihahatid na kita.” Sabi ni Dean nang makalapit ito sa kinaroroonan ni Wynter.

“Boss, nandiyan na ang makulit na manliligaw niyo.” Pang-aasar ni Eliza pero mahina ang boses nito sapat lang na silang dalawa ng amo ang nakarinig.

Kinurot ni Wynter ang braso ni Eliza pero hindi malakas. Wynter sighed heavily. Pilit niyang nginitian si Dean. “Pauwi na ako.”

“Hatid na kita.”

Umiling si Wynter. “Hindi na kailangan. We’re not into relationship so you don’t have to drive me home. May pupuntahan pa ako.” Siniko ni Wynter si Eliza.

Eliza looked at Wynter. “Saan, Boss?”

Napabuga ng hangin si Wynter saka pinandilatan si Eliza.

Ngumiti lang si Eliza.

“Well, pwede ko naman kayong ihatid doon.” Pagprisinta ni Dean.

“Hindi na kailangan.” Walang emosyong sabi ni Wynter. “And let me get this straight, Dean. Please, stop coming here. Sinabi ko na sa ‘yo na wala kang aasahan sa akin kaya please, itigil mo na ‘to.”

“Wynter…”

May biglang nagbusina kaya napatingin silang lahat sa umilaw na kotse.

Kumunot ang nuo ni Wynter.

Bumaba ang driver ng kotse. Hindi alam ni Wynter kung matutuwa siya o hindi nang makita kung sino ang bumaba mula sa kotse. What the hell is he doing here?

With hands on his pockets, Cassiuz walked towards Wynter.

Napatitig naman si Wynter sa binata.

“Hi.” Bati ni Cassiuz sa dalaga.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ni Wynter. Though she was dazzled earlier but she doesn’t have time to be dazzle so she composed herself. Kaya naman hindi nautal sa pagtatanong niya rito kanina.

Cassiuz smiled. “Aayain sana kitang mag-dinner kung okay lang.”

Wynter rolled her eyes. “Ikaw na mag-isa. Gusto ko ng magpahinga.”

Natuwa naman si Dean dahil hindi lang siya ang iniindihan ni Wynter.

Cassiuz glanced at the man who were talking to Wynter earlier. Nginisihan niya ito bago tumingin kay Wynter. “Then let me take you home so you could rest.”

Kumuyom ang kamay ni Dean.

Hindi alam ni Wynter kung ano ang sumapi sa kaniya at pumayag siya ng wala ng maraming argumento. “Take me home then. Subukan mo lang na gumawa ng hindi maganda, sapak aabutin mo sa akin.” Banta ni Wynter sa binata at hindi siya nagbibiro dahil sasapakin niya talaga ito kapag may ginawa itong hindi maganda lalo na ngayon at pagod siya.

Cassiuz smiled. “I promise. I’ll take you home.”

“Wynter...” Dean wanted to speak with Wynter but Eliza blocked him. Umiling si Eliza.

“Who’s that man?” Dean asked Eliza. Nakatingin ito sa lalaking kasama ni Wynter. Mukhang mga bodyguard pa nito ang nakatayo sa tabi ng isang van.

Nagkibit ng balikat si Eliza. “My Boss doesn’t like you so you better stop now, Mr. Peralta.” Pagkasabi niya nun ay umalis na siya.

Katulad ng sabi ni Wynter noong una, hindi na pinagbuksan ni Cassiuz ng pinto ang dalaga.

Si Wynter mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse para sa sarili nito.

“Let’s go.” Ani Cassiuz nang maikabit ni Wynter ang seatbelt nito.

Tumango si Wynter and couldn’t stop asking herself. Bakit pumayag ako na ihatid niya sa condo ko? It’s not like we are close.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lot Caguioa
interesting
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status