Share

Feeling afraid

Ayla's point of view.

Gustong gusto ko nang hilahin ang oras para makauwi na kami agad ni Vladimir. Hindi ko na kasi matagalan pa na maupo at kumain sa iisang lamesa na kasama si John. Hindi ako komportable.

Kung saan-saan na napupunta ang kanilang usapan kaya naman agad akong tumayo para magpaalam.

"Excuse me, pupunta lang ako sa powder room." paalam ko sa kanila.

Agad naman akong hinawakan ni Vladimir sa kamay upang pigilan. "Samahan na kita." akmang tatayo na sana siya ngunit pinigilan siya ni John.

"Vlad, pati ba naman sa cr sasamahan mo pa, baka magkasawaan kayo n'yan." wika nito na parang nang iinis.

"Masakit kasi 'yung paa niya," sagot ni Vladimir sa kaniyang pinsan.

"Kaya ko na,"

Tumingin siya sa akin na parang hindi naniniwala. "Are you sure?"

"Yes, babe." hinaplos ko siya sa pisngi at ginawaran ng isang matamis na ngiti. "Just a minute." paalam ko bago tuluyang tumalikod.

Dali-dali akong pumunta ng powder room para maghilamos.

"Ano bang gusto niyang ipahiwatig?" it's John,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status