Share

Chapter 9

        It was past 7:00 when he received a call from Zanjoe. Halos kararating lang niya galing sa pagsundo sa kanyang Ate Ynah sa SDGH.  

        "What's up Zan?" tanong agad niya sa kaibigan.

        "Dude, I need your help. Nasiraan ang sasakyan ko. Kailangan kong sunduin si Ashley sa BISU. Kanina ko pa siya hindi macontact. Kinakabahan na ako Dude." Mahabang paliwanag ni Zanjoe sa pangyayari. Bakas sa boses nito ang matinding pag - aalala.

        "Tatawagan ko si Kuya Roldan nang matignan ang sasakyan mo. Nasan ka ba ngayon dude?" Agad niyang tanong sa kaibigan.  

        "Nandito ako sa San Pascual dude. Please pakibilisan lang. Baka kung ano na nangyari kay Ashley." May urgency sa tinig nito kaya hindi niya maiwasang hindi mag - alala sa mga kaibigan.

        "Okay. Huwag ka nang mag panic. I'll be there soon."  Agad siyang nagpaalam sa mga magulang upang puntahan ang mga kaibigan. Pinayagan naman siya nang maipaalam niya ang nangyari. He felt this is an emergency. Mabilis siyang nagpaatras ng sasakyan upang makalabas ng bakuran. Ngunit sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang paparating na si Fritzene. 

        Isang malakas na kalabog sa bandang likuran ng kanyang sasakyan kasunod ng nasaktang tinig ni Fritzene ang kanyang narinig.

        "Ouch!" 

          'Damn' Malakas ang kabog ng dibdib na bumaba siya ng sasakyan. Mabilis ang kilos na dinaluhan niya ang dalagang tumilapon mula sa bisikleta nito. Nang akmang hawakan niya ang braso ng dalaga ay napakagat ito sa labi sa sakit na naramdaman. May sugat pala ito roon marahil ay napatama kung saan. 

        "Okay ka lang ba? I'm sorry. Hindi kasi kita napansin. Zanjoe and Ashley needs my help kaya nagmamadali ako." hingi niya ng paumanhin sa dalaga.

        "Mukha ba akong okay?" mataray na sagot nito.

        "Anong nangyari?" bakas ang pag - aalala sa mukha ng kanyang mga magulang nang makita si Fritzene. Narinig marahil ng mga ito ang ingay nila ni Fritzene.

        "Mom, hindi ko po sinasadya. Hindi ko po siya napansin."

         "Siya sige na.. kami na lang ng ate Ynah mo ang bahala kay Fritzene. Puntahan mo na sina Zanjoe at Ashley." anang kanyang ama.

        "Pero Dad.." atubiling sabi niya.

        "Sige na.. Doc Martheena is in the house. Kayang kaya na niya ito." pangungumbinsi pa ng kanyang ina.

        Walang nagawa kundi ang sumunod na lang sa mga magulang si Zeus bago muling sinulyapan si Fritzene. Nakangiwi ito habang pinipilit na maglakad. 

        Saan ba kasi ito nakatingin at hindi napansin ang pag - atras niya? Bakit ba kasi hindi niya napansin ang pagdating nito? 

        Mabilis niyang iwinaksi ang nasa isipan. Habang daan ay tinawagan niya si Kuya Roldan upang samahan siya papunta sa kinaroroonan ni Zanjoe. Nang makarating sa kinaroroonan ng binata ay agad niyang ibinigay rito ang susi ng kanyang sasakyan upang mapuntahan nito agad si Ashley.

        "Thanks bro!" 

         Ngumisi lang siya sa binata. "You owe me one." 

         Mabilis na pinasibad ni Zanjoe ang kanyang sasakyan habang naiwan sila ni Kuya Roldan upang gawin ang nasirang sasakyan nito.  Wala pang 30 minutes ay agad na nakita at naayos ni Kuya Roldan ang sira ng sasakyan ngunit pakiramdam niya'y napakatagal ng 30 minuto sapagkat nais na niyang umuwi upang malaman ang kalagayan ni Fritzene.

*******************

        Nakahinga nang maluwag si Zeus nang madatnang nagamot na ng kanyang ate Ynah si Fritzene. Nagkaroon ito ng ilang galos at medyo hirap maglakad dahil ng fracture. Pero ang sabi ng kanyang ate Ynah hindi na nito kailangan ng surgical treatment. Nilagyan na ito ng kanyang kapatid ng plaster casts to hold the bone in position until it has healed. 

        "Oh, Zeus, ihatid mo na sa kanila si Fritzene nang makapahinga na siya. Magdahan - dahan sa pagdadrive ha." bilin ng kanyang ama. 

        "Opo, Dad." 

        Tahimik na inalalayan niya si Fritzene upang maisakay sa kotse. Mabilis na ikinawit niya ang kamay sa beywang ng dalaga at hinawakan ang kabilang kamay nito. Pero nang sandaling hindi sinasadyang mahaplos niya ang balat ni Fritzene, he felt a certain warmth that instantly coiled in his stomach. Bagaman hindi siya komportable sa ayos nila ni Fritzene, hindi niya maiwasang matawa sa isip sa panay na pag - irap nito sa kanya. He finds it cute sa tuwing umiirap ito sa kanya. 

        Nasanay na rin siya sa mga gawi nito. Suplada, mataray at.. maganda. Yes, she is indeed beautiful. Kaya hindi nakapagtatakang maraming nanliligaw sa dalaga. But he shooed them away. 

        Now, he knew why. He's in love with his Enemy No. 1. Kailan? Hindi niya alam. 

        Wala silang kibuan ni Fritzene sa loob ng ilang minuto hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga Tengco. 

        Itinigil niya sa harapan ng gate ng mga ito ang sasakyan. Ilang sandali bago niya nagawang basagin ang katahimikan. 

        'Well, this is new. Not the old Zeus.'

         "I'm sorry Fritz. I didn't mean to hurt you. Nagmamadali lang tlaga ako kanina." aniya sa dalaga habang ginagap ang kamay nito. Tinapunan ng tingin ni Fritzene ang magkakadaop nilang mga palad. Bago muling ibinaling ang tingin sa kanyang mga mata. Wari'y hinahanap ang kanyang sincerity sa bawat katagang kanyang sinasabi. 

        Narinig niya ang mahinang pagbuntunghininga nito. Bago hinila ang kamay na hawak niya. " Okay. Apology accepted. But next time try to be extra careful."

        Napangiting tumango - tango siya sa dalaga. He felt relieved. 

        Nang tangkaing buksan ni Fritzene ang pintuan ng sasakyan ay maagap niya itong pinigilan.

        "Wait!" malakas na sabi. "Let me carry you hanggang sa loob ng bahay."

        Umiling - iling si Fritzene. "No. Hindi na, kaya ko na itong mag - isa."

        "No. I insist Fritzene. Hindi mo pa kaya." madiing wika niya kaya wala nang nagawa si Fritzene nang mabilis siyang lumabas mula sa drivers seat at umikot sa side nito. Mabilis niyang pinangko ang dalaga patungo sa kabahayan. 

        'There. She perfectly fits in his arm where she really belong.'

        

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status