Share

Chapter Four

“By the way, my name is Fiper del Roje,” anito habang nakatingin sa kanya habang kumakain.

Hindi talaga alam ni Phoebe ang nangyari sa nakalipas na mga sandali, the next thing she knew nasa loob na siya ng Love & Potions. Iyon ang shop na pinasukan nila nang basta na lang siya hatakin nito kanina.

Sumalubong sa kanya ang mga nakahilerang estante na may mga nakalagat na naggagandahang accessories. Some are made of crystals and gems. Iyong sa tingin naman niya ay gawa ng silver at reak gold ay nakadisplay sa isang glass table malapit sa counter.

She felt comfortable in the place, so comfortable na wala siyang maramdamang pagkaasiwa sa lugar. The place was bright, and the design are quite paano nga ba niyang pwedeng i-describe? Magical? It was a feeling na parang pumasok sa ibang mundo. Seeing how beautiful every single display on the place ang masasabi lang siguro niyang peculiar, ay ang mismong si Fiper.

She could even be compared with Magi, sa unang pagkikita pa lang nila ay magaan na ang loob niya dito. Despite his ‘kidnapping’ tendencies. She is really dun to be around.

 “I’m Phoebe Santillan,” pagpapakilala niya saka sumubo ng pagkain.

Nasa loob sila ng pantry ng shop, sa tingin din niya ay mag-isa lang nitong pinapatakbo ang lugar seeing wala siyang makitang sales lady maliban ditto.

“Baliktad `ata ang sequence ng pagkakakilala natin,” natatawang sabi nito.

Nagkibit-balikat lang siya, masyadong mabilis ang mga nangyari huli na rin nang ma-realize kung anong ginawa nito.  

“So, anong iniisip mo kaya muntik ka nang tumama sa poste?” she asks with curiosity.

Kung sa ibang pagkakataon lang `to, she will probably thought he as annoying or rather nosy pero hindi ito ang kasalukuyang naramramdaman niya.

“I was just thinking about something.” Hindi na niya pinalawig pa ang sarili isa pa parang may nangsasabi sa kanya na hindi naman ito magtatanong nang hindi naman dapat.

“Bakit ka naman napadpad dito?”

“For work,” sagot niya, saka nagpatuloy lang sa pagkain.

Mukhang napansin naman nito na ayaw na niyang masyadong magsalita, kaya hinayaan na lang siyang kumain ng tahimik. Sandaling nagpaalam ito sa kanya na may kukunin ito kaya tumango lang bilang pagtugon.

Napahugot siy ang hangin, naparami ata siya ng kain. Kung nakita lang siguro siya ng Magi ngayon baka pumalakpak na ito sa tuwa hindi kasi siya masyadong marami kung kumain but this food really tasted good mamaya nga itatanong niya kung saan ito bumili.

“Here,” may inabot sa kanyang bracelet si Fiper. It have a dream catcher design in the center Hindi siya mahilig sa accessories, pero hindi niya maiwasang magustuhan ang design `non. Pero hindi niya makaramdamng pagkaasiwa, lalo na at ito ang unang beses na nagkakilala silang dalawa.

“How much is this?” tanong niya, as mabuting bilhin na lang niya `yon isa pa gusto talaga niya ang disenyo `non.  

“Ano ka ba? Just consider it as a little gift from a new friend.”

Nagtatakang tinignan niya ito. “What do you mean?”

“Nahihirapan kang mmakatulog sa gabi hindi ba? Nanlalalim kasi ang eyebags mo,” turo nito sa mukha niya.  

Wala sa sariling napahawak siya sa ilalim ng mga mata niya saka napangiwi. Sino bang  hindi makakapansin na `yon? Kahit siya kapag nakaharap sa salamin ay iyon din ang unang nakita nang maghugas siya ng mukha kaninang umaga.

Her finger tap the bracelet. “It will gave you a good night sleep, I assure you,” saka kinuha nito ang kamay niya bago pa siya makapag-protesta ay nililis na nito ang longsleeve niya. “Dreamcatcher are there to get rid of the bad dreams. It’s legit `no, lalo na kung ako ang mismong gumawa.”

Pigil ang hiningang inantay niyang dumating ang pangitain sa isip niya, pero nakahinga siya nang maluwag nang wala naman siyang makita na kung ano hanggang sa maikabit nito ang bracelet sa palapulsuhan niya.

Usually sa mga ganitong action madalas na ipinipiksi niya ang kamay pero dito ay hindi naman niya magawa.

“There bagay sa`yo,” nakangiting sabi nito saka tinignan siya. “Suotin mo palagi `yan ha? I’m sure magiging maayos na ang tulog mo ngayon.”

          Napatango na lang siya bago ito may naalala. “Can I have you number? Minsan kasi, I’m quite bored dito sa shop wala akong maistorbo.”

          Kinuha niya ang cellphone sa bag saka ibinigay dito, hindi niya masyadong masabayan ang pacing ng usapan nila sahil sa bilis na tumalon. But she doesn’t feel a bit irritated ang totoo nga niyang hindi niya maiwasang makaramdam ng amusement dito.

          “There pinasok ko na `yung number ko if you have email add sabihan mo ko ha? I’ll add you on my social apps.”

          Tumango lang siya bago sila sabay na napatingin nang makarinig sila ng chime sa may pinto ng shop at may mga college student na pumasok.

          “Welcome!” nakangiting bati ni Fiper sa mga bagong dating.

          “Mauna na ko.” imporma niya medyo lagpas alas-dos na rin at mag-rush hour na mahirap na makakuha ng Grab kapag nagkataon.

          “Okay! I’ll text you!” sabi nito saka nilapitan ang mga customers nitong tumitingin sa mga gawa nito.

          Tinanguhan lang niya ito bilang pagsang-ayon saka lumabas hanggang sa paglabas niya ay simpleng nakasunod lang sa kanya ang tingin ni Fiper with a mysterious glint ni her eyes.

NAGPATIHULOG sa kama si Phoebe pagkauwi sa bahay, as usual ay katahimikan na naman ang sumalubong sa kanya pero sanay na naman siya doon kaya iyon nga dumiretso na siyang magpahinga sa kwarto.

Inililis niya nag suot na longsleeve saka napatingin sa palapulsuhan niya somehow the white and blue dream catcher really looks good on her pale skin.

Nakatitig siya sa sentro ng dream catcher na kulay blue it was really beautiful.

Hindi niya masyadong nakita ag mga prices ng mga binebenta nito pero kung afford ng mga college students ang mga binebenta nito sigurado siyang hindi iyon kamahalan.

Naisip niya na dalawin ito sa susunod na punta niya sa gallery ni Mia. She should treat her a little dahil sa regalo nito sa kanya. Fiper seems nice pero masyado itong mapagtiwala hidni kaya may mangyari ditong masama kung sa ibang tao nito ginawa ang kawang gawa nito na magpakain sa kanya?

          But then meeting her felt blessing kasi kahit papaano ay nawala sa isip niya ang lalaki at ang boses nitong parang hindi na naialis pa sa isipan niya.

Pero pakiramdam talaga niya she will see him again sa pagkakataon na `yon siguradong maku-kumpirma niya kung tama nga ba ang hinala niya o hindi.

But then kung makumpirma nga niya anong gagawin niya? Bahala na saka na niya isiipin ang mga `yon kapag nandyan na. sa ngayon ay hahayaan muna niya siguro ang sarili na makapagpahinga ng maayos.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Maria Aira Fujita
kulang na lang author ang pangalan ni magi is prue para kompleto na ang the charmed original...
goodnovel comment avatar
Sh Aii Cie
Mukhang maganda tong story mo author 😊
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status