ASHLEE'S POVFrom: +639****4046Meet me at Bean's Café at 3. I'll wait you there babe. See you😘Replied: Coming."Sino 'yan?"Mabilis ko tuloy napatay ang cellphone ko at nilingon ang demunyong bigla-bigla na lang nagsasalita sa likod ko. Suot ang kaniyang sando at boxer na pinantulog niya pa kagabi, nakapamaywang siya sa likod ko habang hawak-hawak ang isang mug ng kape. Nakakunot ang noo niya habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa cellphone kong nakapatay na."Tiburcio...""K-Kanina ka pa ba d'yan?" Nauutal na tanong ko.&nbs
"Ano!?" Gulat na singhal ni Makky. "Bobo ka ba? May asawa ka na, Ashlee bakit ka pa nakipag-relasiyon doon sa babaeng iniwan ka noon?""Alam kong sasabihin mo 'yan. Pero chill ka lang, magku-kwento naman ako e." Nakangiting sabi ko, kailangan kong pagaanin muna ang sitwasyon, lalo na't nagsisimula nang mag-init ang ulo ni Kriselda sa akin."Dapat lang, Ashlee. Siguraduhin mo na valid 'yang reason mo sa pakikipag-relasyon ulit do'n sa babaeng iyon, kundi... nakuuuu!" Uminom siya tubig bago muling bumaling sa akin. "Mag-kwento ka na dali!""Ganito kasi 'yon..."Sinimulan ko ikwento ang nangyari nung araw na umamin sa akin si Cuenco, pati na rin ang pag-amin ni Kheene sa akin noon sa kotse ay sinabi ko na rin kay Makky. Ang mga pagpaparamdam niya at pang-babakod kuno ay kinuwento ko na din. Nang matapos nasundan naman iyon
KHEENE'S POVNAGHIHIKAB pa ako habang pababa sa hagdan nang maabutan ko si Tiburcio na nag-susuot na ng kaniyang sapatos. Napatingin tuloy ako sa orasan na malapit sa akin at nagtaka nang makita kung anong oras pa lang.8:36 am*Ang aga naman ata ng lakwatsa nito?*Mabilis akong bumaba ng hagdan nang makitang papaalis na si Tiburcio. Nilapitan ko agad siya at tinanong... kahit wala pa akong mumog-mumog."Saan ka na naman pupunta? Ang aga pa ah?"Mukhang nagulat pa siya sa presenya ko dahil bahagya pa siyang napatalon sa kinatatayuan niya. Nang lingunin njya ako ay masama na agad ang tingin niya sa akin."Pake mo naman?" Pabalang niyang tanong din na ikinabigla ko.Ano daw
ASHLEE'S POVTULAD ng napag-usapan, hindi ako umalis kinabukasan. Hindi rin naman nagparamdam si Sophie kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko lalo na't nandito ang asungot."Bakit ganiyan ka makatingin sa'kin? Ang sama ng tingin mo ah? Inaano ba kita?" Isip-batang tanong niya habang nanlalaki pa ang mga mata at butas ng kaniyang ilong. Napailing na lang ako at humalukipkip sa sofa.Ang siraulo kasi, tinotoo ang sinabi niyang hindi siya papasok sa opisina para lang makasama ako ngayon buong araw. Tss. As if naman na may mapapala siya sa akin dito. Baka nga mag-rambulan lang kami dito buong mag-hapon. Tulad na lang ng nangyayari sa amin ngayon.&nb
KHEENE'S POV MAAGA akong pinatawag sa kompanya dahil sa biglaang board meeting. Wala akong kaide-ideya kung bakit nila ako pinapatawag, wala rin naman nabanggit sa akin si Secretary Anj sa kung ano ang dahilan ng mga ito. Tuloy ngayon ay clueless akong nakaharap sa buong board members at naghihintay ng sasabihin nila. "What now, Mr. Cuenco?" tanong ni Mr. Orencio, ang owner ng Orencio Real Estates at isa sa mga supplier namin. Ano ba kasi ang gusto nilang sabihin ko? "It seems like hindi pa alam ni Mr. CEO ang nangyayari ngayon sa kompanya nila, tama ba?" tanong naman ni Mrs. Hilario. Bakas sa mukha nila ang inis at pagka-dismaya sa hindi ko malaman na dahilan. At mukhang mas lalo pang nadadagdagan iyon dahil wala akong maisagot sa k
"Tutulong ako sa paghahanap ng file, dad. Magpapatulong ako sa secretary ko—""Don't!" Sabay na pigil nila ni Mr. Vasquez sa akin. Nagtataka ko silang tinignan."Mas mabuti kung mag-isa kang kumilos sa bagay na ito, Kheene.." Dad said."Why?" Takang tanong ko."Hindi maganda ang pakiramdam namin sa secretary mo, Kheene. I know, matagal mo na siyang kasama sa trabaho. But now.."Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, ngunit sumang-ayon pa rin ako sa kanilang kagustuhan. Pero naguguluhan pa rin talaga ako.."By the way, how's your marriage life?" Pag-iiba ng topic ni dad.Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Kumusta nga ba ang marriage life ko? "Ahm. It's good." Sagot ko na parang tumikhim lang ng pagkain.
KHEENE'S POV HINDI na mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni dad tungkol kay Secretary Anj. Magmula rin no'n ay medyo nag-iingat ako kapag nasa paligid siya, pinapakiramdaman ko din at ino-obserbahan ang bawat kilos niya. Kung noon ay hindi ko binubuksan ang salamin sa pwesto niya, ngayon ay palagi na iyon bukas para mapagmasdan ang ginagawa niya sa kaniyang lamesa. Sinasara ko na lang ulit kapag nakikita kong papasok siya sa opisina ko. "I'll leave the office as soon as I finish this papers," sabi ko kay mama na kausap ko ngayon sa telepono dito sa opisina ko. Mayroon kaming family dinner ngayon kasama ang parents ni Tiburcio. Ito ang unang beses na mangyayari ang ganitong dinner mula nang ikasal kami, siguro'y dahil parehong busin
Ilang minuto nang makarating ako sa restaurant kung saan nagpa-reserve sila mama, tanaw ko na agad mula sa labas ang mga magulang namin ni Tiburcio. Tanging kami na lang pala dalawa ang hinihintay nila. Inatake ako bigla nang kaba dahil panigurado ay hahanapin nila sa akin si Tiburcio. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko kapag nagkataon dahil maski ako ay hindi rin alam kung nasaan iyon. Hintayin ko na lang kaya dito si Tiburcio tapos sabay na kaming pumasok sa loob? Ang kaso hindi ko naman alam kung anong oras pa darating ang isang iyon. Muli kong hinugot ang cellphone ko para sana tawagan ulit si Tiburcio at tanungin kung nakaalis na siya. ang kaso... biglang lumingon sa gawi ko si dad at sinenyasan akong pumasok na. Medyo natuliro pa ako kung tatawagan ko pa ba yung isa o papasok na lang sa loob, ngunit sa huli ay sinunod ko na lang si dad. Hindi