Share

Chapter 3

The last encounter is a bit awkward. He made me feel like I was the same woman he has met years ago. He thinks he hypnotized me by his aura, but I’m not. Nadala lamang ako ng alak na iniinom ko noon kaya h*****k ako sa kaniya pabalik. Totoo naman takaga iyon, wala na siyang epekto sa akin. Nakalipas na ang maraming taon kaya tiyak ako na wala na talaga ni katiting.

"So, what's the plan?" Rebecca asks, nakapangalumbaba ito sa harapan ko na animo’y nakikinig, na ang totoo ay may hawak naman na cellphone sa kanang kamay. Nakakatamad makipag usap sa mga taong hindi mahiwalay sa gadgets. Sarap mag walk-out!  But I do not have a choice kundi pagtiyagaan siya dahil siya lamang ang nandito, at wala si Marianne.

"I don't know. I had to get away from him again, or worse he would cause troubles. Better yet not too," I sigh. Natatakot na akong maulit kung ano man iyong nakaraan namin. Hindi naging madali ang pinagdaanan ko noon na ngayon ay labis ko nang kinatatakot.

"Well, anything in mind?" she asked. Give me a head question. She leans herself waiting for me to answer her. Wala rin akong maibigay na siguradong sagot sa kaniya, dahil ako man ay naguguluhan din sa mga nangyayari.

I can't even get a cleared mind right now, since he came again. Nothing I can do more, except one thing, shove him again just like before. Baka mabulag na naman ako. Bandang huli ay ako ulit ang kawawa.

"Haharapin ko siya sa ngayon. Baka sa susunod ay hindi hindi na ako makapag pigil,"Napa buntong hininga na lamang ako ng malalim. Had no idea, that our path would cross again. Naging maayos naman na lahat sa akin, maganda na ang kalagayan ko. Bakit ngayon pa? May dahilan pa ba kung bakit siya andito? Kung meron man ay sana huwag na akong gambalain pang muli.

"Did he...'' hindi niya maituloy ang sasabihin. ''Anyway, did he tell you something?" Rebecca asks. She crosses her arms over her chest, figuring out what happened the last time. Inirapan ko siya. Iba na naman ang nasa isip niya. Ewan ko kung bakit siya ang palagi kong kasama, mas matino naman kausap si Marianne.

"Stop what you are thinking. Nothing. I was just tired of something,’’ I speak. I crawl into my bed and grab the blanket to cover myself. I felt like I was going to collapse for a moment. Still, I close myself not minding who is inside my room. As long as I get away with a conversation, it's fine. 

"Anyway, I have to go," Rebecca says. I didn't respond. I just heard her close the door, even without looking at her. Nagpakawala ako ng malalim na hininga na para bang ang bigat ng aking problema. Sumasakit ang aking ulo sa kakaisip sa puwedeng maging dahilan ng pagbabalik niya. 

She understands what I meant though. Ganoon ang mga kaibigan ko, kapag alam nila na kailangan ko ng space ay hahayaan muna nila ako hanggang sa ako na mismo ang mga kusang mag kuwento.

The cozy nights give me a few undeniable feelings to reminisce about during my college days. People around me were busy minding their business, while I was having fun. Partying everywhere, going out with boys and I do often cut classes. It was hell as I freely enjoyed every single day. I was a party goer. I easily hook random guys, dump them at the next meeting. That was all fun. Kaya ito siguro ang balik sa akin, karma. At least, nag enjoy ako!

It was the happiest moment of my college days. Although, nag aaral naman ako ng mabuti. Iyon nga lang ay hindi talaga maiwasan na mapa barkada. I rarely have friends with girls. But I was thankful to meet Rebecca and Marianne in the detention room. I was drunk when I went inside the campus at hindi ko na alam ang mga nangyari. Sina Rebecca at Marianne, nahuling nag cheating. Mabut na nga lang ay detention ang inabot, hindi expulsion. Iba talaga ang kapit kapag tiyahin ay principal ng department.

Akala ko noong ang boring ilang kasama dahil ang tahimik nila, but little did I know na mas malala pa pala talaga sila sa akin. Maraming beses na kaming bumagsak sa iilang semeter na magkakasama. Para kami mga walang patutunguhan sa buhay dahil kalat sa buong campus ang pangalan namin.

Our friendship gets stronger and stronger as days are left ahead of its semester. Matagal rin kaming hindi nag party dahil sa sumunod na mga buwan. Doon namin napag pasyahan na ayusin ang mga buhay namin. To cut it short, we graduated. Pero kami-kami pa rin ang magkakasama hanggang ngayon.

Nagising na lamang ako na hapon na pala. Hindi ko man lamang namalayaan ang bilis ng takbo ng oras.  Nag madali akong bumangon para mag hanap ng makakain sa kusina, dahil kumakalam na ang sikmura ko.  Pag baba ko ay walang tao sa buong bahay. Tahimik ito unlike before. Nilibot ko ang paligid, walang tao. Saan na naman kaya ang lakad ng mga iyon, hindi man lang nagsasabi.

"Ay kabayo!" Nagulat ako nang may humawak sa balakang ko. Agad kung sinulyapan kung kaninong kamay ito. "Ikaw?! Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko. Pilit ko pa ring kinakalma ang sarili. I couldn’t manage to tall due to a panic attack, that I was trying to avoid. Itong anxiety ko lang talaga ang hindi niya alam. Wala akong balak ipaalam sa kaniya at wala namang dahilan para ipaalam ko sa kaniya ito.

Nakangisi ito na para bang nang aasar lalo. Inirapan ko siya at iniwan doon sa may kusina. Naramdaman kong sumunod siya sa akin dito sa sala. I give him dreadful look but it wasn't effective. Ganoon na talaga yata ka kapal ang mukha niya. 

"Wala bang pakain man lang diyan? I'm hungry," aniya na parang bata. He pouted his lips pero sandali lamang iyon. Ang sarap bigwasan.

"Ang kapal rin ng mukha mo, ano? At talagang dito ka pa kakain. Patay gutom lang?" Inis kong sabi.

"Hey, old hag huwag ka ngang mag reklamo, be thankful at binisita pa kita," aniya ng makaupo. Itinaas niya ang kaniyang dalawang paa at pinatong sa center table na para bang bahay niya ito at siya ang may ari. Hindi man lang nag h***d ng sapatos. Ang tigas ng mukha niya talaga.

"What did you say?!" Bulalas  ko. Bahagya akong lumapit sa puwesto niya. Idinuro ko ang hawak kong flower vase sa mukha niya, dahilan para itaas ang kaniyang dalawang kamay.

"Chill. Look, I'm sorry," Umayos ito ng upo." I just want to see you. You didn't response to my messages. I miss you," Inilapag niya ang flower vase mula sa kamay ko at inilagay ito sa center table. Hawak niya ang magka bilang kamay ko at pinisil pisil ito.

Lumapit ako sa kaniya at isang dangkal na lamang ang pagitan sa amin. "Utot mo!" sabi ko sa kaniya at hinawi ang kamay niya at tinalikuran ito. Rinig ko ang buntong hininga niya.

"Look, I'm serious." sambit niya.

"Are you?!’’ sigaw ko sapat na para matinag siya. ‘’So, kung wala kang ibang gagawin at mang iinis ka lang, will you please leave? Marami pa akong gagawin," Irita kong sabi sa kaniya, Nakakainis na ang sarap ng gising ko at may bubulabog nito. 

‘’Gusto mo bang may gawin ako sa iyo?’’ makahulugang tanong niya. Umangat ang kaniyang pang itaas na labi na mas nag bigay  liwanag sa kaniyang mukha. Ito na ng aba ang kinaiinisan ko, ang makaharap siya.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga katagang iyon, bigla-bigla na lamang lumalabas sa bibig ko. ‘’ Don’t flatter yourself, dear, ’’pang gagaya ko sa kaniya. Naalala ko na naman kung gaano ako na bwesit sa kaniya noong gabing iyon.

 Iniwan ko siya at umakyat na sa taas. Padabog kong isinara ang pintuan at tumakbo sa aking again.  I pour out all the tears that want to drip earlier. Everything  I built in the past years is slowly melting. It wasn't supposed to be, I wouldn't be the same as Sydney Daine as I met him. I was a tremendous fool, longing for love.  Yet, it ends up chaotic. Bahala siya diyan sa baba, maghanap siya ng makakain kung gusto niya. Aba! Ang swerte niya ah kung paghahanda ko pa siya.

Bakit ngayon pa na kung kelan okay na ako ay saka  pa siya nagparamdam at guluhin ang buhay ko. Maayos na ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon. I don't need him anymore but in certain situations, I had a lot of multitude questions running through my mind. I wanted to get out of bed, run after him but my feet don’t want to cooperate.  Marami akong gustong itanong, bagay na hindi ko nagawa noon dahil sa takot.

Nag talukbong na lamang ako gamit ang kumot para hindi ko na siya maisip pa. tuloy-tuloy lamang ang buhos ng mga luha sa aking mga mata na para bang ayaw pa pigil. Isang katok naman ang hindi ko inaasahan. Bihira lamang ay may kumatok sa kwarto ko, dahil kadalasan binubuksan nila ito ng walang pasabi. Nag iba yata ang ihip ng hangin.

I just half-close my eyes to see who gets in. It was Annie, dahan-dahan niyang isinara ang pinto at naramdaman ko naman na naupo siya sa gilid ng higaan.

"Hey, big sis. How are you?" panimula niya. Hinaplos niyang marahan ang aking talampakan dahilan para masipa ko siya."Aray naman! Ang hilig mong manipa!"inis na sabi niya. Ayaw na ayaw ko ang hinahawakan ang talampakan ko. Nakakakiliti iyong parte na iyon.

Hinawi ko ang kumot sa aking mukha at isinandal ang sarili aa headboard."Ano ba kasing ginagawa mo dito. Para kang siraulo, may pa haplos ka pa ng talampakan. Kadiri!"maarte kong sabi.

"Akala mo ang ganda mo." Inirapan niya ako."Pasalamat ka nga at concern ako sa iyo."may halong pag tatampo sa boses.

"Eh di, thank you." I pause for a while. Annie is my close sister. She is very charming and there is she has its sweet, concerned tone of voice na kabaliktaran ko naman."Ano bang ipinunta mo rito?" tanong ko.

"Wala naman. Gusto lang kitang kamustahin. Nag usap ba kayo ni Aaron?" makahulugang tanong niya.

"I wonder kung bakit walang tao sa baba." Irap ko, "Lumabas kana at gusto kong magpahinga."utos ko.

" Ate naman, hanggang kailan ka ba ganiyan? Wala na ba talagang pag papatawad sa puso mo?!" Tinaasan niya ako ng boses na mas lalong nagpapantig sa tainga ko. Hindi na siya ang Annie na kilalang-kilala ko mula pagkabata.

marahil ay maraming paraan at dahilan para mag bago ang isang tao lalo na kung may pinaghuhugutan ito. It hurt me also, where I couldn't bear the pain considering that it touches me. Regardless of how trying hard I was to manipulate this pain inside, caging me 'til I ripped myself from.

"Get out!" Sigaw ko."utang na loob lumabas ka na!" ulit ko sa kaniya. Naramdaman ko ang pagka taranta niya, patakbong tinungo ang pinto na malakas niyang isinara. Naiwan akong tulala at mas lalong bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. 

Isang pihit na nagmula sa doorknob ang nagpabalik sa ain mula sa mga masasakit na alalaa. ''I told you to leave-'' naputol ang sasabihin ko ng makita kong si Mama iyon, may dalang tray ng pagkain.

''Kung pagagalitan mo na naman ako Ma, please lang huwag ngayon. I'm not in the mood to listen  your sermons.'' 

Dahan-dahan niyang inilapag ang tray sa tabi ng kama at naupo sa tabi ko. I can see her concern eyes the way she looks at me. Para bang kaawa-awa ako sa paningin niya sa mga oras na ito. Ayaw ko ng kinaawaan ako dahil lamang sa sitwasyon ko. 

''Hindi anak. I know what you are thinking.'' She pulled me closer to her and gave me a tight hug that a mother could give. Sa ginawa niyang iyon ay bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Bawat patak nito ay pait ang dulot sa akin.  Matatag naman ako e, pero bakit nasasaktan pa rin ako? Do I deserve this pain?

Ang gusto ko lang naman ay ang magkaroon ng tahimik na araw sa bahay ito. Gusto ko lang naman na mapag isa. Pero bakit sa tuwing sumasagi sa isipan ko iyon ay nasasaktan pa rin ako sa mga nangyare.Matagal na panahon na, pero sariwa pa rin ang sakit na idinulot sa akin. Bakit ngayon pa kung kelan unti-unti akong bumabangon mula sa  matagal na panahong lungkot at pait. Bakit ngayon pa nila nagawang magbalik na para bang walang nangyari. 

‘’Tahan na, okay lang iyan anak, walang masama kung ipakikita mo na hindi mo kaya. Kailanman ay hindi nakakabawas ng pagka tao ang pag iyak. Nasasaktan ka dahil pinipigilan mong makaramdam ng sakit ang puso mo na dapat ay noon pa ito naghilom.’’

‘’Ma, akala ko okay na ako. Ang sabi ko sa sarili ko nakapg dumating ang araw na iyon ay matatag na ako at kailanman  ay hindi na muling matitibag.’’

‘’Hindi natin hawak ang panahon anak, pero ngayon? May pagkakataon ka na baguhin ang kasalukuyan, bakit hindi mo simulang buksan ang puso mo na patawarin ang mga taong nakasakit at nakakit sa iyo.’’

Hindi ko mawari kon ano nga ba talaga ang dapat kong gawin ngayon dahil natatalo ang puso ko ng aking isipan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status