Nanginginig, nangangatal ang mga labi ni Celeste ng magtagpo ang kanilang mga mata, at hindi na alam kung ano ang kanyang sasabihin kaya diretso na lang siyang tumalikod mula kay Noah.
"Sandali, kinakausap pa kita." Saad naman ni Noah sabay hawak ng kanyang mga braso.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa matagal mo na akong iniwan." Galit na sambit ni Celeste.
"Gusto lang kitang kumustahin." Ani niya.
"Okay lang ako, at bumalik kana doon baka hinahanap ka na ng iyong kasintahan."
"Nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan ako."
"Umalis kana dito marami pa akong gagawin."
"Bibigwasan ko talaga ang lalaking ito kapag di siya umalis. Tatadyakan ko yang ari niya." Bulong ni Celeste sa sarili niya.
"Sandali lang, gusto ko lang sabihin sayo na hindi ko pinagsisihan na iniwan kita sa altar, kita mo naman ako ngayon isa na akong mayaman na lalaki." Hambog niyang pagkasabi.
"Oo nga naman, habang kami ng anak mo naghihirap at ikaw ay nagpapakasarap! Umalis kana bago pa kita masampal ng very hard!"
"Ano yung sinabi mo? Anak ko? May anak tayo?"
"Wala!"
Naging maputla ang mukha ni Celeste dahil sa sinabi niyang may anak sila at nasa isip niya na baka may gagawin itong si Noah.
"Harapin mo ako, ulitin mo ang sinabi mo kanina!" Nakita ni Celeste na nagsalubong ang dalawang perpektong mga kilay ni Noah. Malakas na rin ang kabog ng kanyang dibdib at anytime parang mahihimatay na siya.
"Ano?!" Galit na tanong niya.
Napaatras si Celeste at di niya na namalayan na nakasandal na pala siya sa pader.
"Kung ayaw mong sabihin ako na ang bahalang umalam ng lahat." Sambit ni Noah habang nang-aasik ang kanyang mga mata at diretsong umalis.
Wala ng ibang nagawa si Celeste kundi ay mapaupo na lang dahil sa kabobohan na sinabi niya. Sinasampal-sampal ang kanyang sarili.
"Baka bawiin niya ang anak ko at ayokong mangyari iyun. Sana lumaki ulo niya kapag babawiin niya man ang anak ko." Bulong ni Celeste.
"Hoy te, anong ginagawa mo diyan?" Biglang tanong ni Jasmine ng makita niya si Celeste sa sahig at nag-eemote.
"Wala, gusto ko lang umupo." Tugon naman ni Celeste.
"Anong wala te, eh para ka ngang binagsakan ng langit at lupa,"
"Wala lang ito Jasmine tsaka bumalik na tayo sa trabaho."
"Okay, sabi mo ehh."
Bumalik na sila sa trabaho at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ni Celeste ang maaaring gawin ni Noah sa kanya. Balisa siya at wala sa sariling gumagawa ng trabaho hanggang sa matapos ang gabi ng event ay lutang pa rin siya.
Pumara si Celeste ng tricycle at wala sa isip na sumakay ang tanging nasa isip niya lang ay ang kanyang anak na nasa probinsya baka tuluyan na nga itong kunin sa kanya ni Noah kapag nalaman niyo ang totoo.
Overthink yarn?
Sinisisi niya ngayon ang kanyang sarili kung bakit niya ba iyun nasabi, naiinis at galit ang kanyang nararamdaman ngayon kung hindi dahil sa kahambugan na sinabi sa kanya ni Noah ay di niya iyun masasabi.
"Saan po tayo." Tanong ni manong driver sa kanya.
"Ihatid mo muna po ako sa plaza gusto kong mag unwind." Sabi niya sa driver.
Unwind pa nga Celeste.
Para siyang binagsakan ng langit at lupa kapag iniisip niya iyon. Hindi pa nga tapos ang problema niya mula sa kanyang ama na may sakit at ito na naman may iniisip na naman siyang problema na posibleng mang mangyari.
Pagkababa ni Celeste sa tricycle ay dumiretso agad siya sa isa sa mga upuan sa plaza. Diretso lamang ang kanyang tingin ng biglang may bumangga sa kanya at diretsong hinablot ang kanyang bag.
Sisigaw na sana siya ng maisip niyang wala palang laman ang bag na iyun. Wala pa siyang sahod, at mas lalong wala ang phone niya doon.
"Sige kuya sa iyo na yan wala namang laman ang bag na iyan." Bulong ni Celeste.
"Kuhanin niyo sa akin ang lahat huwag lang ang anak ko!" Sumigaw siya bigla dahilan upang mapatingin sa kanya ang mga taong nasa plaza.
Sorry ho nag-eemote lang.
"Hi miss are you okay? Here is your bag." Sambit ng isang estranghero kay Celeste.
Nagulat si Celeste dahil sa isipang paano nabawi ng isang estranghero nito ang bag niya. Maganda ang pangagatawan ng isang lalaking ito. Nakasuot siya ng white t-shirt at itim na pantalon na bumagay sa kanyang makisig na katawan. Gwapo ito, matangos ang ilong at may mapupulang labi.
"Hi miss," sambit ng lalaki sabay kaway ng kanyang mga kamay sa mata ni Celeste.
"Ah-eh. Paano mo nabawi ang bag ko?" Biglang tanong niya.
"Nakita ko kasing hinablot ito ng lalaking bumangga sayo kaya nung tumakbo ito ay papunta sa kinaroroonan ko at sinapak ko kaagad. Bakit pala di mo binawi iyan?"
"Wala lang pagod ako para habulin pa ang lalaking iyon tsaka marami akong iniisip ehh."
"Ahh okay, ako nga pala si Raven." Inilahad ng lalaki ang kamay niya para makipagshake hands kay Celeste.
"Ahh ako si Celeste."
Nagkamayan sila at sabay na naglakad.
"Saan ang bahay mo at ihahatid na kita."
Natulala si Celeste sa inasal ni Raven ngayon palang sila magkakilala pero kung umasta ay parang matagal na silang magkakilala.
"Ako ihahatid mo? Baka may gawin siyang masama sa akin kaya no….." bulong ni Celeste sa sarili.
"Ano magpapahatid ka ba?"
"Ha? Ah-ehh wag na lang." Kandautal niyang sambit. "Sige ahh mauna nako sayo." Paalam ni Celeste at tumakbo palayo ni Raven.
Umuwi na si Celeste sa bahay ni Manang Lily. Kay Manang Lily pa rin siya tumira dahil sinabi ng matanda na huwag na lang siya mangupahan dahil mas lalaki pa ang kanyang magagastos kapag umupa pa siya ng apartment. Tinulungan siya ng matanda upang malaki-laki ang mapa padalang pera nito sa probinsiya.
Pagpasok niya sa bahay ay binungad siya ng tanong ni Manang Lily, "Anong nangyari sa mukha mo at saan ka galing bakit ngayon ka lang?"
"Nanakawan po ako sa may plaza pero nasauli na naman po." Tipid na sagot ni Celeste at dumiretso sa kwarto na mabibigat ang mga yapak.
"So okay kana ba? May problema kaba? Bakit parang wala ka sa sarili mo?"
"Ahh wala po ito, napagod lang po siguro. Sige ho matutulog na po ako."
"Hindi ka ba kakain?"
"Wala akong gana ehh. Sige manang Lily goodnight."
"Sige kapag nagutom ka mamaya, ilalagay ko na lang sa lamisa ang iyong makakain tatakpan ko lang ito."
"Sige ho maraming salamat."
Pumasok na si Celeste at di niya napigilan na maluha dahil sa inis niya sa kanyang sarili natulog siya na mabigat ang pakiramdam.
Umaga na at naghahanda na si Manang Lily para sa trabaho at napagtanto niyang hindi pa gumigising si Celeste kaya pinuntahan niya ito sa kanyang kwarto. "Celeste gising na, papasok pa tayo." Tapik ni manang Lily sa balikat ni Celeste. "Manang Lily hindi na muna ako papasok ngayon, masama ho ang pakiramdam ko." "May lagnat ka ba?" Hinawakan ni Manang Lily ang noo ni Celeste at napagtanto niyang hindi naman siya mainit. "Wala ka namang lagnat ahh, bakit ayaw mong pumasok?" Bumangon si Celeste at nagsalita, "Ayoko pong pumasok dahil baka makita ko po ulit siya doon." "Sino?" Tumingin si Celeste kay Manang Lily at huminga ng malalim bago nagsalita, "Ang ama po ng anak ko." "Nagkita kayo? Kailan?" "Kahapon po sa event," Tipid na sagot ni Celeste. "Sino dun?" tanong ni Manang Lily na ngayon ay naging osyoso ang mukha. "Si Noah Garcia ho siya ang ama ng anak ko." Napasinghap si Manang Lily dahil sa gulat at tinakpan niya ang kanyang baba na parang di makapaniwala sa sinabi ni Celest
Napabalikwas ng bangon si Celeste dahil sa lakas na tunog ng kanyang telepono na hudyat na may tumatawag sa kanya. Agad niya itong kinuha at sinagot ang tawag, "Inay ang aga pa po bakit ho kayo napatawag?" "Anak," Umiiyak na sambit ng ina ni Celeste. "Inay, ano pong nangyari," Tugon niya at napatayo dahil sa labis na pag-alala sa ina. "Anak, dumating si Noah rito kanina at kinuha ang anak ninyo," Hikbi ng ina na siyang nakapanghina ni Celeste. "Inay, alam ko na po na ito ang mangyayari, kaya hinanda ko na po ang sarili ko. Kasalanan ko po ang lahat ng ito, kaya huwag kayong mag-alala babawiin ko ang anak ko. Hahanapin ko siya kahit saang lugar pa iyan." Matigas na sambit ni Celeste. "Anak, patawad kung wala akong nagawa sa pagpigil sa kanya, nagkakagulo na kanina at hindi ko na alam anong gagawin ko." "Okay lang po iyon inay, alam niyo ba saang lugar niya dinala ang anak ko?" "Pasensiya na anak pero hindi, sobrang miss na miss ko na ang apo ko. Paano pag hindi niya ibinalik ang
"Name your price at makakauwi kana," sambit ni Noah na para bang gusto siyang lunurin ni Celeste sa sarili niyang swimming pool na nasa tapat lang nila dahil sa galit nito sa kanya. Parang nag echo talaga sa tenga ni Celeste yung nakakagigil na sinabi niya na animo'y mabibili niya ng pera ang anak ni Celeste."Sa tingin mo mabibili mo ang anak ko? Hindi mabibili ng pera ang buhay ng anak ko, kaya mas mabuti pang ibigay mo na siya sa akin!" Inis na sambit ni Celeste habang nagsalubong ang kanyang dalawang kilay."Diba may sakit ang ama mo na hanggang ngayon ay nasa ospital parin? Matutulungan ka gamit ng pera ko," Sambit ni Noah na mas lalong ikinainis ni Celeste.Makakaya kong bayaran ang lahat ng bayarin sa ospital, alam mo kung ano ang hindi ko kaya? Yun ay ang pagnakaw mo sa anak ko, ededemanda kita!""Go, you can do whatever you want? Pero anong magagawa mo? Wala kang pera!" Mahinang boses pero mariin ang pagkakasambit niya kay Celeste.Gustuhin man na umiyak ni Celeste sa harapan
Umiiyak si Celeste habang nilalakbay ang daan tungo sa sakayan ng taxi. Napakasakit sa balat ang sikat ng araw at heto siya sa daan umiiyak at walang pakialam sa mga nakakita sa kanya na umiiyak siya. Habang binabagtas niya ang daan ay may humintong puting sasakyan sa harapan niya. May taong lumabas rito at iniluwa nito ang lalaking nakilala niya sa plaza nitong mga nakaraang araw. "Hi, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Raven sa kanya."Wala to bakit ka naparito at anong kailangan mo sa akin?""Nakita lang kita, nandiyan lang ang bahay namin o," itinuro pa ni Raven ang bahay nila gamit ang nguso niya."Gusto mo bang ihatid na kita sa pupuntahan mo? Promise wala akong masamang gagawin sayo." Pagpapaliwanag niya."Sure ka diyan ha, pero sige na nga ihatid mo na ako sa pinagtatrabahuan kong restaurant baka malate pa ako."Natawa na lang si Raven dahil sa pinapakitang ugali ni Celeste dahil habang umiiyak nito at kaya pa niyang siguraduhin na ligtas siya kay Raven.Pinagbuksan naman ng pinto
Nakatingin ngayon si Celeste sa binigay ni Raven na calling card na ngayo'y nasa kanyang kamay at nag-iisip kung hihingi ba siya ng tulong mula sa lalaki. Pagkatapos nilang kumain ni Jasmine sa Karinderya ay diretso na siyang umuwi. Iniisip niya ngayon ang sinabi sa kanya ni Jasmine na muli siyang mag-aaral para makapagtapos at bawiin ang anak niya mula kay Noah kung magtagumpay siya sa tatahakin niyang landas. Mahirap sa kanya dahil may sakit ang kanyang itay. Hindi naman niya gusto na iasa lahat kay Jasmine dahil sabi nito na tutulong siya sa pagpapaaral sa kanya at sa lahat ng bayarin sa skwelahan at kung ano ano pa. Kaya napaisip siya ngayon kung itutuloy niya ba ang plano niya na iyon dahil sa hirap na rin ng buhay sa syudad ay kakayanin niya pa bang mag-aral sa kabila ng lahat ng paghihirap na dinanas niya ngayon at sa kanyang pamilya. Hawak-hawak ni Celeste ang calling card na may nakalagay na number ni Raven doon. Pabalik-balik siya ng lakad sa sala kung ano ba ang kanyang
Umaga na at naghahanda na si Celeste upang makipagkita siya kay Raven. Ngayon ang araw na magpapatulong siya kay Raven upang makahanap ng eskwelahan na mapapasukan. Lumabas na siya ng bahay at nagpaalam na kay Manang Lily na umalis. Naglalakad-lakad muna siya bago makanap ng masasakyan patungong plaza.Maya-maya pa ay may huminto na sa kanyang harapan na taxi. Agad naman siyang sumakay dito ay naaalala niya na ito pala ang driver na pinipilosopo siya nung nakaraan. "Saan po tayo ma'am?" "Sa plaza kuya," mahinahon niyang pagkasambit."Hindi na po ba kayo nagmamadali?" Tanong ng driver at napagtanto ni Celeste na hindi pa pala ito nakakalimot noong nakaraang araw na pini pilosopo siya nito."Hindi po kuya sige bagalan niyo lang,"Nakinig naman ang driver sa utos niya. Napasampal na lang sa noo si Celeste dahil sa kabobohan nitong driver."Kuya pakibilisan na lang po,""Bakit ma'am?""Basta wala ng maraming tanong!""Galit po kayo?""Hindi kuya!""Bakit kayo sumisigaw?""Ganito yung r
Nang pumasok na sila sa building ay agad silang pumunta sa pinakamain office. Nagtanong naman si Celeste kung bakit dun sila didiretso."Bakit dun?""Para maenroll ka kaagad, marami kasing nakapila doon matatagalan tayo, akong bahala sayo," Tugon ni Raven.Nang nasa pintuan na sila ay agad itong kinatok ni Raven at may sumigaw sa kanila na pumasok sila."Ouy Raven kumusta, bakit ka naparito anong atin?" Tanong ng dean."May gusto sana akong eenroll sir, dahil mahaba ang pila doon at matatagalan kami, pwede bang dito na lang kami di diretso?""Oo naman basta ikaw,""Thank you sir,""Ikaw pa eh di kita mahihindian kase kayo ng pamilya mo ang may pinakamalaking sponsor dito sa paaralan kaya mas lalong naging progressive ito.""Oo nga po ehh,""Tsaka ipahanda mo na rin sa kasama mo yung mga requirements niya ako ng bahala,""Talaga po,""Oo naman, tsaka alam mo ba itong kaibigan mo Miss gumraduate ito ng suma cum laude, hindi lang mayaman at gwapo, matalino pa," Pagmamayabang ng dean kay
"Wag mo akong pinagloloko, kilala ko ang kaibigan ko woy. Isa yung simple at magandang babae di tulad mo, maganda ka naman pero di bagay sayo ang magsuot ng uniporme namin. Kaya kung ako sayo umalis kana po ma'am nakakaabala ka sa ginagawa ko.""Tse, wala ka namang ginagawa diyan Jasmine nagseselpon ka lang naman siguro kachat mo yung jowa mo noh na palagi kang niloloko,""Paano mo nalaman? Hoy kung sino ka man lumayas kana dito at tsaka wala akong pake kung malaman mo man ang lovelife ko," "Ako nga ito Jasmine bakit ba ayaw mong maniwala? Di mona ba kilala ang boses ko?"*Teka nga,". Sambit ni Jasmine habang tinitingnan ng maayos si Celeste at umikot pa siya para masiguradong si Celeste talaga ang nasa harapan niya."Ikaw ba talaga iyan Celeste? Bakit nag mamake up kana di ka naman ganyan dati at mas lalo kang gumanda ha,""Naniniwala kana?""Hindi pa,""Bigyan mo ako ng proof kung ikaw ba talaga iyan,""Anong proof,""Ahh ano halimbawa, yung pinagsamahan natin,""Ahh tinulungan mo