Share

KABANATA 26

EYA

MABIGAT ang loob niya. Nakita niya si Master Ash subalit hindi niya man lang nagawang lapitan ito. Hindi niya talaga maunawaan ang nangyari sa kanya. Nag-aalala rin siya sa kung ano mararamdaman nito. Galit siguro si Master Ash sa kanya dahil hindi niya ito pinansin.

Malakas siyang humiyaw saka sinuntok nang matindi ang sahig. Kasalukuyan nasa loob na siya ng silid niya, kasama ang wala pa rin malay na lalaki. Ang dinig niya ay kauri rin niya ito. Kauri? Ano nga ba ang tawag sa kanya? Anong klaseng nilalang nga ba siya?

Ilan sandali pa ay bahagya gumalaw na ang lalaki. Umungol ito at napabalikwas ng upo. Hinipo nito ang batok saka matalim na tumingin sa kanya.

"Nagkita tayong muli, mahal kong kapatid."

Nahindik siya. Nakatitig lang siya sa lalaki. Kinakausap ba siya nito gamit ang isip? Naririnig niya ang isip nito?

"Sino ka? Ano ang ibig mo sabihin?" tanong niya rin sa isip.

Hindi niya alam

NIKKYOCTAVIANO

Hello, Ako si Nikky. Salamat sa patuloy na pagbabasa at suporta.

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
Wow bongga my other side story pa ...
goodnovel comment avatar
Emily Asuncion
xcting... po,, ang bwat kbnata... nkkiliti c eya......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status