Share

KABANATA 44

ASHLEY

ISANG buwan na ang nakalipas matapos silang ikasal ni Eya. Buhat nang makauwi sila galing honeymoon sa Hawaii ay naging busy na si Eya at Eda sa hospital. Talagang seryoso ang asawa niya na aralin ang lahat tungkol sa negosyo.

Marahan siyang nag-inat ng katawan at bumaba sa kama. Pagkatayo niya bahagya pa siya nakaramdam ng pagkahilo kaya napaupo siya sa kama. Natampal niya ang noo. Na-sobrahan na yata siya sa tulog. Pagtingin niya sa oras ay alas-dose na ng tanghali. Napabuga siya nang malalim na paghinga saka tumayo uli.

Bumaba siya at nagtungo sa kusina. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Tahimik masyado. Alam niyang maaga umaalis sina Eya at Eda. Habang si Ebo naman, wala siyang ideya kung saan ito nagpupunta. May sariling mundo kasi ang isang iyon.

Nagtimpla siya ng kape. Masyado na siyang late para sa kape ngunit magkakape pa rin siya. Nang tikman niya ang tinimplang kape bigla siyang napabuga at nandidiring dumura sa lababo.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status