Share

KABANATA 56

EYA

SINABIHAN niya si Ebo na nawawala si Adaline at may kumuhang dalawang lalaki sa anak niya. Mabilis na nakarating sa labas ng theme park si Ebo. Pinukol siya nito nang masamang tingin.

"Ang galing! Ni hindi mo napansin si Adaline," pabalang na wika nito sa kanya.

"Pasensya na!" bulyaw niya. Nakakairita rin kung minsan ang ugali ni Ebo. Kung makapagsalita akala ito ang Ama ni Adaline. Huminga lang ito nang malalim.

"Huwag kang mag-alala kaya ni Adaline ang sarili niya. Madalas talagang sumama 'yon sa kung sino-sino."

Kumunot ang noo niya at napataas ang isang kilay niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Nagkibit balikat lamang ito.

"Madalas pinagkakatuwaan niya ang mga taong masasama ang loob. Kaya kung minsan, iniiwas ko siya sa mga ganitong lugar. Mabuti pa, sundan na lang natin siya."

Hindi niya alam na may ganoon ugali ang anak niya. Marahil ay nai-impluwensyahan ito sa mga palabas na napapanuod

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status