NASA CONFERENCE ROOM nang mga sandaling iyon sina Greyson at Allison, kasama ang head department’s ng publishing company. Palipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanila ni Allison ngunit ni isa ay walang naglakas ng loob upang magtanong o ilabas ang saloobin. Tumikhim si Greyson bago nagsalita. “Kumusta ang lahat?” Aniya may ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi. “Pretty good, Sir Greyson.” Sagot naman ng mga ito. “Well good to hear that from you everyone. Alam kong nagtataka kayo dahil sa medyo may katagalan din ako nawala. At ito nga agad din akong nagpatawag ng urgent meeting. “Mag-aasawa ka na Sir?” Hindi makatiis na tanong ni Ellen. Tumingin ito kay Allison na katabi niyang nakatayo. Siniko ng katabi nito si Ellen. Malamang nabalitaan ng mga ito ang tungkol sa kagustuhan ng kanyang ama na ipapakasal siya sa babaeng iniririto niyon sa kanya. Ang babaeng hindi niya nakilala hanggang ngayon. Anyway who cares. Naroon pa rin ang ngiti sa labi ni Greyson. “Hindi totoo kung ano
“HINDI ka ba marunong kumatok?” Singhal ni Allison ng tuluyan nakapasok dito sa loob ng opisina niya si Greyson. Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nagtrabaho siya rito sa publishing company. Hindi niya namamalayan na nalagpasan niya ang mga araw na magkakasama sila ni Greyson, sa iisang building lamang at magkatabi pa ang mga opisina nila. Ang magaling na binata ay walang pakundangan pumasok na lamang dito sa loob ng opisina niya. Tantiya niya ay hindi maganda ang mood nito. Halos hindi maipinta ang nakalarawan sa hitsura ni Greyson. “What's this?” tanong ni Greyson sabay lapag ng manila folder sa lamesa nasa harapan banda ng dalaga. Nakakunot-noo nakatingin lamang si Allison sa folder. “Folder,” baliwalang sagot niya. “I know, Ako kaya ang may bitbit niyon.” Pilosopong sagot nito. “I'm asking why Grace?” Magka salubong ang mga makapal nitong kilay tila naging isang linya na lamang iyon. “Why Grace?” Ba-ik tanong ni Allison.” Will, she's deserving.” “What do you t
LAGLAG ang mga balikat ni Greyson ng pumasok siya sa loob ng condo unit ni Cyril Edmund. Nasa trangkahan pa lang siya ay kaagad siya sinalubong ni Lucas ang alagang aso ng kanyang kuya. Kumikinding-kinding pa ang buntot ni Lucas habang naglalakad para salubongin siya at saka nahiga ng nasa tapat niya na ito. Yumukod si Greyson, naka squats position. Pagkatapos ay hinimas-himas niya ang ulo ni Lucas.“Hey, buddy. How are you?” Aniya na hinihimas pa rin ang ulo ng aso na naglalambing sa kanya.“Mabuti ka pa ang bait-bait mo sa’kin,” kausap pa rin niya sa kay Lucas na tanging kahol lang ang sagot nito. “Pero yung kapitbahay ng amo mo, napakasungit.”“Bro, kahit kausapin na kausapin mo pa si Lucas. Hindi ka niya sasagutin.” Sabi ni Cyril Edmund na kakalabas lang nito mula sa loob ng kwarto nito.Tumayo ng tuwid si Greyson mula sa squats position niya. Atsaka naupo roon sa leather sofa.“Akala ko next year ka pa uuwi, kuya? Napauwi ka yata ng maaga.”Wika ni Greyson, hinubad niya ang suot na
SIMPLENG pink t-shirt and jeans lang ang suot ni Allison. Sigurado naman siya na hindi party ang pupuntahan nila ni Greyson Chai. Batay na rin sa suot ng lalaki. Hinayaan niya lang na nakalugay ang mahaba at tuwid niyang buhok. Nag-apply lang siya ng manipis na pulbo at lip gloss at nag-spray na rin siya ng perfume. MATAPOS ng makuntento na siya sa itsura niya aylumabas na rin si Allison mula sa loob ng kwarto niya.Hindi niya nakita si Greyson sa sala. Ngunit narinig niya ang ingay na nagmumula roon sa kusina. Hinakbang ni Allison ang kanyang mga paa patungo roon sa kusina. Naabutan niya si Greyson na gumagawa ng kape mula sa coffee maker.Hindi siya agad pumasok ng kusina, nanatiling nakatayo lamang siya sa may pintuan habang pinapanood ang bawat kilos ni Greyson. Hindi niya mawari sa kanyang sarili kung bakit gustong-gusto niya na lang pagmasdan ang binata habang abala ito sa ginagawa.“May gusto ka na kay Greyson,” anang isang bahagi ng kanyang isip.“Huwag ka magpadala sa mga
AMININ man niya o hindi pero sigurado siya sa sarili na talagang nag-eenjoy siya na kasama si Greyson.Lahat na yata ng mga games ay nalaro na nila. Ang rides ay hindi pa nila ni Greyson nagawa. May pakiramdam si Allison na umiiwas si Greyson na sumakay sa mga rides.“Bibili lang ako ng maiinom natin,” ani Greyson.Kakatapos lang nila manood ng circus at napakainit ng panahon.“Okay,” maikling sagot ni Allison. “Balikan mo na lang ako dito,” aniya na nakaupo sa upuan na gawa sa semento.Nasa lilim ng malaking puno kaya ay hindi gaanong mainit.Nakasunod ang mga titig niya sa likod ni Greyson na naglalakad ito patungo roon sa convenience store.Simple tshirt na kulay blue at kulay itim na cargo shorts ang suot ni Greyson.Nakasuot rin ito ng baseball cup na kulay blue rin. Ngunit sa simpleng ayos ng binata ay napakakisig pa rin nito tingnan at mas lalong naging gwapo si Greyson.Pinilig ni Allison ang sariling ulo sa iniisip niya.Binaling niya na lamang doon sa ibang direksyon ang kanyang
GREYSON feels bad. Pinagpapawisan ng malapot at namumutla ang itsura ni Greyson. Pati yata ang paningin niya ay umiikot na rin dahil sa nahihilo siya pagkatapos nila ni Allison sumakay ng rollercoaster. Thank God! Hindi siya nagduduwal dahil kung nagkataon ay sobrang nakakahiya.Hinahawakan pa rin ni Allison ang kamay niya at nakaalalay rin sa kanya ang dalaga. Hindi rin ito nagrereklamo bagkos nakikita niya ang pag-alala sa itsura ni Allison. Naupo sila sa damuhan na may lilim ng malaking punong-kahoy.Pinikit ni Greyson ang kanyang mga mata at pinayapa ang kanyang sarili. “Damn!” pepeng mura niya sa kanyang sarili. Hindi pa rin nawawala ang pagkahilo niya. Nararamdaman niya rin na pinupunasan ni Allison ang pawis sa kanyang noo.Maya Maya ay nararamdaman niya na nakaupo na rin si Allison sa kanyang tabi.“You're okay?” tanong ni Allison na hinawakan nito uli ang kamay ni Greyson at bahagyang pinisil iyon. Gusto niya lang ipaabot dito na magiging okay rin ito. “I'm sorry kung pi
MAHABANG katahimikan ang namayani sa pagitan nila Greyson at Allison,habang bumabyahe sila pabalik ng Maynila.Ni isa sa kanila ay walang nagtangkang basagin ang katahimikan iyon.Paminsan-minsan ay sinusulyapan ni Greyson ang dalaga na nakapikit pa rin ang mga mata nito. Kaya naman ay hinayaan niya na lamang si Allison.Gabe nang narating nila Greyson at Allison,ang Raider condominium.Pagkatapos mai-park ng maayos ni Greyson ang kotse menamaneho niya ay bahagya niya inunat ang kanyang mga braso sa bandang ibabaw ng kanyang ulo. Binalingan niya ng tingin si Allison, nakapikit pa rin ang mga mata nito na namumugto at namumula ang tungki ng ilong ng dalaga,dahil sa impit nitong pag-iyak kanina.Gusto niya rin sisihin ang kanyang sarili na sana hindi na lang siya nakipag-deal kay Allison at sana hindi niya pinagpipilitan na pumasok sila roon sa horror house.Ang gusto lang naman sana niya kung bakit gusto nita pumasok sila roon sa horror house upang ma coop-up ni Allison ang takot nito sa
NAGISING si Greyson sa tunog ng alarm clock ng kanyang cellphone.Sinadya niya na mag-alarm bago matulog.Balak niya kasi magluto para sa breakfast nika ni Allison at yayain na rin ang dalaga na sabay na lang sila pumasok ng opisina.Nag-inat ng kanyang mga braso si Greyson bago bumangon,may ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi ng maalala niya ang ginawa ni Allison na nilagyan siya ng kumot. Sa kabila ng pinapakita nitong pagiging mataray ay may concerned pa rin ito sa kanya.Matapos niya tiklupin ang kumot na ginamit niya. Hinakbang niya ang kanyang mga paa patungo roon sa banyo,upang makapag mogmog at makapag hilamos na rin ng kanyang mukha. Sinuklay niya na rin ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Saglit niya pinasadahan ang itsura niya sa harap ng salamin. Pagkatapos lumabas na rin ng banyo si Greyson,diretso na siya roon sa kusina ng sa ganun kapag luto na siya para sa almusal nila.Napapangiti siya ng makita ang kulay pink na apron, ang apron na ipinagamit sa kanya ni A