Share

Chapter 11

Kinabukasan, maaaga akong umalis ng bahay para pumasok sa school, hindi na ako nakapagpaalam kay Mama kasi natutulog pa ito at isa pa nagmamadali ako.

Ilang minuto pa at nasa school na ako at kasalukuyang naglalakad papasok sa main entrance ng building. Nakita ko sila Nathan at Astrid nakaupo sa may school canteen, masinsinan silang nag-uusap at tila hindi nila napansin ang aking pagdating.

Nang nasa tapat na ako ng canteen, inisip ko kung pupuntahan ko ba ang mga kaibigan o hindi. Bandang huli dumiretso na lang ako sa elevator at umakyat na sa designated room sa araw na 'yon. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko nang sabay na dumating sila Nathan at Astrid. Aba talagang hinatid pa nito si Astrid sa room, dati naman nya ginagawa iyon. Napaisip tuloy ako kung ano kaya ang pinag-usapan ng dalawang ito.

“Oh! Hannah andito kana pala, kanina ka pa ba?”

“Hi Besh! Kararating ko lang”

Maya-maya pa dumating na ang professor namin. Tahimik naman si Nathan, parang wala ito sa mood, hindi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status