Share

22 Hurting Inside

PABILING-BILING sa kaniyang higaan si Angelie. Ayaw siyang patulugin ng nangyari kanina. Hindi niya inasahan na dumating sa kanilang magkaibigan ang ganoong pangyayari.

Ayaw makatkat sa isipan niya ang pangalawang beses na pagdampi ng labi ni Andrei sa labi niya. Hindi na iyon one second. Hindi na iyon matatawag na aksidenteng pagdampi. Ayaw siyang patulugin ng katotohanang may kakaiba siyang naramdaman nang sandaling iyon. It made her give way to his kiss, to answer it with a kiss.

Paulit-ulit siyang kinukulit ng pangyayaring iyon. It was her first real kiss! Tinugon niya ang labi ni Andrei. "Gosh!" Tila naninigas siya na hindi pa rin makapaniwala na nangyari ang halikan nila ng kaibigan niya. "Gosh, Andrei!" Ipinilig niya ang kaniyang ulo, kapagkuwa'y napatda siya. Napuno ng pag-aalala ang isipan ni Angelie.

Sariwa pa rin sa kaniya kung ano ang naramdaman niya nang tanungin siya ni Andrei nang sandaling iyon: "Puwede na ba tayong magsimula ng bagong relationship?" Nagsusumamo ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status