Share

Kabanata 12 Divorce sa City Hal

Nilingon ni Lucian si Calista. "Dahil tanga ka. May mali diyan sa utak mo, at bulag ka."

"Ang—" asar na asar si Calista kaya napangiti siya. "Bakit ako mag-aaksaya ng oras na makipag-usap sa isang baboy?"

Bumaling siya para buksan ang pinto ng kotse, pero hinawakan ni Lucian ang braso niya para pigilan siya. Isang anino ang gumapang sa kanyang gwapong mukha.

Sa labas, walang tugon si Bryan mula sa loob ng sasakyan at nagsimulang mag-alala. Ang mga katok sa bintana ay naging mas madalas at apurahan. "Callie, okay ka lang?"

"Callie?" ulit ni Lucian. May kung anong delikado ang bumungad sa kanyang mga mata. "How sweet. 'Di pa tayo divorced pero nagmamadali ka nang magtaksil sa'kin. Parang mas lumala ang taste mo sa lalaki," sabi ni Lucian.

Hindi na nag-abalang ipaliwanag ni Calista ang hindi pagkakaunawaan na nagsimula dahil sa palayaw na iyon. Hindi na iyon ganoon kahalaga.

"Tama ka. Ang pangit talaga ng taste ko sa lalaki. Kaya nga pinakasalan kita eh. Magkatra-- magkaibigan lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status