Share

Chapter 15

PAGDATING niya sa canteen ay inabutan niya ang inang tila hapong naka-upo sa tabi ng counter, masama raw ang pakiramdam nito.

"Dadalhin ko na po kayo sa ospital, Nay." agad niyang sabi rito.

Iwinasiwas lang nito ang kamay. "Sus, para kang si Bench. Nahapo lang ako at naparami ang luto ko. May paluto kasing kare-kare si Mrs. de Guzman, eh, sayang din naman kaya tinanggap ko."

"Nanay naman, eh. Sabi ko naman sa inyo huwag kayong masyadong nagpapagod, eh." tila nakukunsuming sermon niya sa ina. "Isara n'yo na lang kaya itong canteen. Nay, kaya ko naman po kayong buhayin kahit wala itong canteen."

"Heh!" anitong pinandilatan siya ng mga mata. "At ano'ng gusto mong gawin ko? Maghilata lang sa bahay? Naku, anak, mas lalo akong manghihina kapag wala akong ginagawa."

"Kaysa naman po ganyan," nag-aalala pa ring sabi niya.

"Huwag kang mag-alala, anak, hindi na ulit ako tatanggap ng ekstrang paluto. Ito na lang talagang canteen ang aasikasuhin ko. Nari

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status