TILA isang prinsesa si Yumi habang bumaba ng hagdan. Slow motion pa ang ginagawa niyang paghakbang sa mga baitang ng hagdan. At sa ibaba naman niyo'y naghihintay ang kanyang prince charming--si Vincent. Ang ngiti nito'y lumampas na sa dulo ng kalangitan habang nakatunghay sa bumababang dalaga. Feeling tuloy niya'y ang haba-haba ng hair niya.
"You're so beautiful!" Ini-abot nito ang kamay niya. "Hindi kita nakilala. Ibang-iba ang hitsura mo kaysa kahapon."
"Magaling kasing mag-ayos ang ipinadala mo sa akin." Pino siyang napangiti rito pero biglang nag-iba ang kanyang awra nang maalala ang kahihiyang natamo sa dalawang nagpakilalang dalawang magiging taga-silbi niya. "Bakit nga pala nagpadala ka pa ng maid? Alam mo ba kung ano ang ginawa nila sa akin, ha?"
"Ouch! Ouch! Stop. Stop. Stop. It hurt," nakangiwing daing ni Vincent nang maramdaman ang unti-unting paghigpit ng kanilang mga palad.
"Anong sinasabi mo?"
"M-masakit na! A-aray! Ang ka
Nais mang mag-protesta ni Yumi ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kagustuhan ni Vincent. Kasama iyon sa kasunduan nila ng binata. "Puwede bang umatras?" hiyaw ng kanyang isipan. "Umatras sa pagpapakasal sa iyo." Pero hindi niya maiwasang manghinayang kung aatras siya. Marahil ay sa kapalit nang pagpapakasal niya sa binata. Aaminin niya, naakit siya sa sinabing ibibigay ng binata sa kanya 'pag pumayag siyang magpakasal dito. Sino ba naman ang tatanggi 'pag pera na ang pinag-uusapan? Isa pa, fake lang naman ang kasal na gaganapin. Natitiyak niyang mababayaran na niya ang tiyahing Lourdes at mababawi na rin ang bahay ng kanyang magulang. Subalit ngayo'y parang may pag-aalinlangan na sa isipan niya. Hindi niya kayang makisama sa mga taong high-class dahil hindi siya ganoong uri ng tao. Mas nanaisin pa niya ang magtinda sa palengke o kaya'y magtrabaho nang walang sahod.Namalayan na lamang niyang sakay na sila sa isang white van. Abot-abot ang kanyang hinin
KINABUKASA'Y nine o'clock na ng umaga nang lumabas sa silid si Vincent, naghihikab pa siya habang bumaba ng hagdan. Hindi na siya kumatok sa silid ni Yumi 'pagkat alam niyang nasa ibaba na ito. Ngunit nagkamali pala siya sa naisip. Narinig niyang tinawag siya nito mula sa itaas ng hagdan. Napaawang ang kanyang bibig nang tingalain ito."Jingles!" Lalo siyang humanga sa dalaga. "She's so pretty!""Good morning!""G-good morning!" Pinasadahan pa niya ng tingin ang kabuohan ng dalaga. "You're so different today.""Bakit?""Ngayon lang kita nakitang ganyan ang suot.""Uhm, kasalanan ito ni Ella at Marrie." Sinuri rin nito ang sarili."Kung kasalanan ang ginawa nila, sana'y araw-arawin na nilang gumawa ng kasalanan. Mas gusto ko ang hitsura mo ngayon.""Nakakahiya nga eh! Sa tanang buhay ko'y ngayon lang ako nakapagsuot ng short na ganito kaiksi.""At saan ka naman nakakita ng short na hanggang talampakan?"
MADALING lumipas ang araw at tatlong araw na lamang ay ikakasal na si Yumi. Kabadong-kabado ang dalaga, hindi dahil sa nalalapit na kasal kundi sa isiping 'pag kasal na sila'y tiyak na sa iisang silid na sila magsasama ni Vincent. Nalunok niya ang sariling laway. "Oh my God!" Tumayo siya't nagpalakad-lakad sa harapan ng higaan. "Pero siguro nama'y hindi niya gagawin sa akin ang bagay na iyon kasi nga'y hindi totoo ang aming kasal," aniya habang patuloy sa paghakbang. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng katok. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanyang mata ang nakangiting si Victoria. May dala itong dalawang tasa ng tsaa. "Auntie Victoria, kayo po pala!" Pinapasok niya ang ginang sa loob ng kanyang silid. "Maupo po kayo," itinuro niya ang sofa na nasa gilid silid niya. "Thank you. You want tea?" Ini-abot nito ang tsaa sa dalaga. Kinuha naman naman iyon subalit hindi ininom. Tila ba'y may kung anong puwera ang pumipigil sa kanya na huwag inumin iyon. "You know what, dapat ay
NAKIKINIG lang si Yumi sa nagsesermong si Victoria. Pinagmasdan niya ang dalawang nag-aayos sa kanya, nakayuko lang ng mga ito. Noon lang niya ito nakitang nanigaw ng kasambahay at sa harap pa mismo niya. "Hindi pa rin kayo tapos! Aba'y anong petsa na?! Aabutin pa ba kayo ng Pasko sa pag-aayos sa babaing iyan! Ang kukupad ninyo!""S-sorry po, Madam.""Sorry? Dalawa na nga kayo rito--""Auntie, huwag po naman ninyo silang pagalitan," awat niya rito. Hindi na niya natiis ang sarili. "Ako po ang may kasalanan at tsaka'y tatlong oras pa po ang hihintayin natin."Hindi nakasagot ang ginang, sumimangot na lamang ito. Manaka'y pinagmasdan nito ang gown na susuotin ng dalaga. "Hindi ko talaga type itong napili mong gown. Ang pangit! Cheap pagmasdan."Makahulogang nagkatinginan ang tatlo. At napilitang tumayo si Yumi upang lapitan ang ginang. "Para sa akin po'y maganda iyan. Simple pero elegant ang dating."Tumilos naman ang nguso ni Victoria, "Bakit kasi hindi mo na lamang pinili ang naiibig
MASASARAP ang nakahaing pagkain sa mesa ngunit tila hindi magustohan iyon ni Yumi, dahil na rin sa narinig niya kay Yvonne at idagdag pa ang masasamang titig nito sa kanya. Hindi niya halos malunok ang pagkaing nginunguya, pakiwari niya'y bumabara iyon sa kanyang lalamunan. Napansin naman iyon ni Vincent, "Hindi mo ba nagustohan? Hindi ba't iyan ang paborito mo?""Uhm, oo. Pero parang busog pa ako eh! Mamaya na lang ako kakain nang maayos. Huwag mo na akong intindihin, kumain ka na lang diyan." Pilit siyang ngumiti rito. "Are you sure?" tanong nito kasabay ang pag-ayos sa ilang hibla ng buhok niya. "May iba pa namang pagkain, magpapakuha ako kung gusto mo.""Huwag na. Baka'y sadyang wala lang akong ganang kumain ngayon." "Okay, hindi na kita pipilitin. Pero mamaya'y kumain ka ha."Tumango siya rito. Tinawag niya si Ella na nasa gilid lamang at nagbabantay. Nagpasalin siya rito ng tubig sa baso at sa 'di sinasadya ay nagkamali ito ng salin."Ay naku! Sorry po A-Ma'am. Hindi ko po si
NAG-UUSAP ang mag-inang Victoria at Yvonne sa silid ng huli, kapwa nagpupuyos ang damdamin ng bawat isa. Hindi makahuma sa biglaang kasalang naganap. Ang ginang ay patuloy sa pagsimsim ng wine na hawak habang paroo't-parito sa silid."I hate this!" Pagbagsak na ibinaba no Victoria ang hawak na kopita. At matalim na tumitig sa kawalan. "Mom, please calm down!""It's all your fault, Yvonne!" Dinuro pa niya ang anak habang nasa anyo ang matinding galit. "Kung hindi mo sana ako pinigilan, sana'y matagal nang wala sa landas ko ang lalaking iyan! And now what? Anong nangyari? Nagpakasal na siya sa iba! At tiyak kong ang lahat ng kayamanang iniwan sa kanya ni Howard ay mapapapunta sa lintang iyan!" pasigaw niyang sabi."Hindi ko naman kasi alam na may itinatagong nobya pala si Vincent. I really didn't know that, Mom.""Puro ka kasi pa-cute sa lalaking iyon. Hindi ka naman pinapansin. Hindi ba'y sinabi ko na sa iyo, kapatid lang ang turing niya sa 'yo!" Nagpapadyak si Yvonne patungo sa gili
PADAPANG nakahiga si Yumi sa mahabang sofa sa sala habang hawak ang cellphone na ibinigay ni Vincent. May pinapanuod siya na video, ayon sa kanyang asawa ay nakakatuwa raw iyon. Napahalakhak siya at eksakto namang dumating si Yvonne. "Wow naman, prinsesa lang ang peg!" sabi nitong nakataas pa ang isang kilay. Napahinto siya sa panunuod at nilingon niya ang nagsalita. Nabanaag agad niya sa mata nito ang labis na pagka-inis. At kung makakapagsalita nga lang ba ang mata'y tiyak niyang 'hindi mo solo ang daigdig' ang sasabihin nito, kung kaya't bumangon at umupo siya. "Sorry," hinging paumanhin niya. "This is not your room, right?" Naumid ang dila niya. Nagbaba na lamang siya ng paningin. Ewan ba niya kung bakit bahag ang buntot niya pagdating kay Yvonne. "Marrie," tawag nito sa dumaang maid. "Yes, Seniorita!" "Clean that," itinuro nito ang sofa na hinigaan niya kanina lamang. "I-vacuum mo para matanggal ang virus," nakasimangot nitong utos. Nagsalubong ang dalawang kilay ni
NAPAGOD si Yumi sa pamamasyal kaya nama'y pagkarating niya sa mansyon ay nais na niyang matulog. Quarter to eleven nang gabi na rin naman kasi sila dumating. Itong si Yvonne ay tila walang kapaguran sa pamamasyal kung saan-saan. Hindi lang sila sa mall nagpunta, nagpunta rin sila sa park at tila isang modelong naglakad doon ang dalaga. Sumusunod lang naman siya kasama si Vincent dito at para hindi siya mainip ay panay kuwento ang pekeng asawa niya. Padapa siyang nahiga sa kama kahit hindi pa nakakapagpalit ng damit man lang. Si Vincent ay nauna na sa banyo. Hindi niya malaman kung bakit pagod na pagod ang katawang lupa niya. Pakiwari niya'y hinigop lahat ni Yvonne ang kanyang lakas. "Are you still awake?" Ungol lang ang isinagot niya kay Vincent. Hindi niya namalayan ang paglabas nito ng banyo. Naramdaman niya ang pagdantay ng palad nito sa likod niya. "Change your clothes first bago ka matulog.""Antok na nga ako." Hindi niya napigilang sungitan ito. "Magpapalit ka ng damit o ak