"KAILAN NIYO naman kami mabibigyan ng apo Zayn,Xandria?" Tanong ni Daddy habang naghihiwa ito ng karne sa plato. Bahagya niya rin kami tiningnan at ngumiti saka isinubo ang karne na nahiwa niya. Kasalukuyan kaming nagla-lunch ngayon sa isang restaurant sa Makati. Sunday ngayon at gusto ni Mommy na kumain kaming lahat sa labas dahil masyado daw naging busy ang lahat sa mga trabaho. She misses her children kaya kumpleto ang lahat. Kasama namin sina Kuya Matteo, Zayn's older brother with his wife Karrine, si Zarah ang bunso nila. Si Wax and his fiancee Sandra, and also kuya Aldrich with his wife Sab. Pang apat sa limang magkakapatid si Zayn. Apat na lalake at ang bunso ay babae na si Zarah na kasalukuyang nag-aaral ng college. Kasama din ang mga anak nina Kuya Matteo. Siya pa lang kasi ang may anak sa kanilang magkakapatid. Si kuya Aldrich ay wala pa din pero 2 years na din silang kasal ni Ate Sab. Alam ko ay hindi rin okay ang pagsasama nilang dalawa dahil fixed marriage silang dalawa
Magbasa pa