Catalog
24 Chapters
11 Meet The Parents
MAGKAYAKAP ang mag-ama sa loob ng hospital room nang dumating sina Angelie, Nannette, Melrose, at Alvin. Kasunod nila ang grupo ni Mon at ang grupo ni Norma. Masaya silang ipinakilala ni Andrei sa parents niya. Ngiti ng pasasalamat ang tanging naging tugon ni Marcia habang abala sa pakikipagkulitan ang kaniyang asawa sa mga bisita nila. "Balita ko'y mga dean's lister kayo. Sino ang nanunuhol kay prof?" Nagtawanan at pabirong nagturuan ang magkakaklase hanggang si Andrei ang napagkaisahan ng lahat. "Ang anak ninyo po talaga, sir, lagi kasing may baong dimples." "Well, masisisi ninyo ba ako, guys?" game namang sagot ng binata. "Pero natutunaw talaga sila sa owshi cuteness ni besh," si Angelie naman ang tinutukso niya. Lumakas ang tawanan dahil sa pagba-blush ni Angelie. "Hala! Ang ingay natin, guys, baka mapagalitan tayo ng doctors." "Sorry, madam," panunukso ni Alvin kay Norma. Nagsitahimik naman sila, inabot na ng hiya sa parents ni Andrei. Hindi naman nagtagal sa loob ng kuwar
Read more
12 The Dinner
CHAPTER 1 2 "Are you okay?" Naninibago man siya sa ipinapakitang kabaitan ni Norma, ipinagpapasalamat naman niya ito. "Kanina ka pa matamlay." "Oo nga, girl." Tila magkatulad ng tunog ng kay Norma ang tono ni Nannette, pero kay Nannette, sigurado siyang genuine ang sympathetic tone nito. "I'm alright. Medyo napuyat lang ako." "Bakit?" "Tigilan mo nga muna iyang kapanonood mo ng anime. Kailangan nating mag-focus, girl." "Bibigyan na lang kita ng link ng gusto mong anime para you can watch it any time. Di mo na kailangang pagpuyatan." Kinuha ni Norma ang gadget para papiliin si Angelie. "Girl, para iyan 'di ka mapuyat, ha. Di mo iyan dapat tapusin in one sitting." "Oo na po, tita!" "Huh!? I'm two months younger than you, miss!" Natatawang iniwan sila ni Norma at lumapit kina Mon. "Oy, don't be late mamaya ha. Call us para halos sabay ang arrival natin do'n." "Oo nga. Magtawagan tayo para sabay tayo," ani Jebon. "Iyon na nga ang sinabi, 'di ba," inilapit pa ni Marc ang muk
Read more
Chapter Thirteen- After Some Time
CHAPTER Thirteen AFTER FIVE YEARS Lumiwanag ang studio dulot ng iba't ibang uri ng ilaw na naroroon. Nagmadaling pumuwesto ang staff ng "Taste Test With Mr. A". Nagsimula ng magbilang ang floor director na si Mon, "We'll start in five… four… three… two… go!" Agad na pumailanlang ang jingle ng program at pagsenyas ni Mon ay nakangiting bumati si Alvin sa harap ng camera. "Happy Sunday sa mga naggagandahang mamshie! As usual, para sa inyo ang programang ito, dahil tiyak na may panibago na naman kayong ipatitikim sa inyong partners diyan. At siyempre, kung si mamshie ay matutuwa dito, pahuhuli ba naman si bebe?" Nagtilian ang mga kinikilig na babae sa loob ng studio sa tinuran ng show host. Natutuwa si Norma habang pinanonood ang reactions ng audience. It's a proof na hindi sila nagkamali ng desisyon sa paggawa ng cooking show. Nagamit nila ang biglang pagsikat ni Alvin at nakatutulong din ang show sa binata sa pananatili ng kasikatan nito. Nginitian niya si Nannette nang sumenyas it
Read more
CHAPTER FOURTEEN- The Primadonna
NAGKASALUBONG sina Norma at Melrose habang papalabas si Norma sa lobby ng condominium. “Hey, boss! Nakabusangot ka na naman. Me toyo na naman ba ang primadonna?” Nag- beso ang dalawa. “Nag-i-emote na naman siya. Ayaw namang umiyak. Parang gusto lang niyang laging mang-asar. Nauubos na talaga ang pasensiya ko sa babaing iyon!” Humakbang na papalayo si Norma. “Ikaw na ang bahala sa alaga mo.” Melrose thinned her lips and shrugged her shoulders. “Me choice ba ‘ko? It's forbidden to quit!” Tumawa na lang siya habang tinutungo ang elevator. Tumunog ang cellphone niya habang pinipihit ang seradura ng pinto ni Angelie. Nagmamadali niya itong sinagot “Yes, we’re com-“ Nanlaki ang mga mata niya sa pagkadismaya nang makitang hindi pa nakaligo ang kaniyang sinusundo. “Angelie! My God naman! Mali-late ka na naman sa appointment mo!” Larawan ng pagkagulat ang dalaga nang makita ang kaniyang manager. “M-Mel? You're here, me appointment ba tayo?” She wore an apologetic face. Napasapo sa noon
Read more
15 In Denial
HINDI niya kayang mawala sa kaniya si Angelie. Alam din niya na mahihirapan si Angelie kapag mawala siya sa buhay ng dalaga. "This is just a test to our friendship. Self, don't give in," mahina niyang sambitla habang nakatingin sa sarili sa harap ng salamin. Kinurot-kurot pa niya ang sariling mga pisngi at kapagkuwa'y tinampal-tampal ng mahina. "Don't imagine weird things," ang bilin niya sa sarili bago siya umalis ng bahay. Habang nakasakay siya ng bus papuntang school ay mukha ni Angelie ang nakikita niya sa kaniyang isipan. Napabuntunghininga na lang siya. Mukhang hindi siya pinakinggan ng kaniyang 'self'. Masaya siyang sinalubong ni Angelie sa may lobby. "Andrei!" Nang magtagpo sila ay agad nanulis ang nguso ng babae na tila nagtatampo. "What's that all about? Bakit parang naghahamon ka ng kiss sa mga dumadaan?" Nag blush si Angelie nang makitang nakangiti ang mga estudyanteng nakarinig sa sinabi ng kaibigan. Pinanlakihan niya ng mga mata si Andrei. "And now you're like a mo
Read more
16 Elusion
HINDI pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang dampian ng halik sa labi si Angelie, kaya madaling-araw na ay hindi pa rin siya makatulog. Hindi niya maipaliwanag ang naramdamang sensasyon sa isang segundong halik na iyon. Ang mahirap, hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang sandaling iyon. Umaga na. Heto siya ngayon, hindi alam kung paano iiwasan si Angelie sa school. Nakita niya ang dalaga na naglalakad sa lobby patungo sa direksyon niya. Bigla siyang lumiko para makaiwas sa dalaga. Mabilis siyang naglakad at nagpaliko-liko. Pagdating niya sa classroom nila ay nagtaka siya dahil walang tao. Gusto niyang tawagan si Angelie para magtanong, sa halip ay si Mon ang tinawagan niya. "Bro, nasaan ka?" "Nandito ako sa classroom natin. Bakit walang tao rito?" "Bakit ka nandyan? Nandito na kami sa school ground. Ikaw na lang ang wala rito!" "Ba't kayo nandyan? Ano'ng meron?" "Ngayon ang excursion natin, nakalimutan mo? Andito na ang bus natin, bilisan mo!"
Read more
17 Campus Crush
Legit ang kalungkutan sa puso ni Andrei. Pinanindigan niya ang pag-iwas na makipag bonding kay Angelie tuwing matapos ang school time. Hindi na rin siya nakipagkita sa kaibigan kahit sa weekend. Mag-isa siyang naglaro ng basketball sa likuran ng bahay nila. Ginusto niyang magpapawis. Habang nagdi-dribble ay hindi pa rin makatkat sa isipan niya ang kaibigang si Angelie. Iniisip niya na kawawa ito, na paniguradong malungkot ito ngayon. Nalulungkot siya para sa kaibigan. Pero hindi pa kasi niya ito handang harapin, habang ginugulo pa siya ng 'weird' niyang imaginations tungkol sa kanilang dalawa. Sinikap niyang maging masaya sa harap ng ina habang naghahapunan sila. Kung ano-ano ang ikinukuwento niya kay Marcia, mga napanood niyang pelikula, at mga sinusubaybayan niyang manunulat sa iba't ibang online platforms. "Why don't you write? Tutal mahilig ka sa literary pieces, and your grammar is excellent. You could make it, son." "Ma, I enjoy being a reader. Hayaan na natin ang mga may hi
Read more
18 Just for Experience
"Just for experience lang naman," ang narinig niyang sabi ni Nannette kina Angelie at Melrose habang magkasama na nakaupo ang mga ito sa canteen. Sinadya niyang magpahuli ng pagpunta sa canteen, baka sakaling magkaroon siya ng dahilan para sa iba muna siya makigrupo for this lunch time at hindi muna kina Angelie. "Andrei!" Tinawag siya ni Angelie at automatic naman siyang umupo sa tabi nito. Muli siyang tumayo para kumuha ng pagkain. Habang pumipila para kumuha ng pagkain ay natawa na lang siya sa sarili. Wala ring nangyari sa pagpahuli niya, heto at gutom na siya pero doon pa rin ang puwesto niya sa tabi ni Angelie. Sina Mon naman ay nasa katabing mesa lang nila. Pinili niyang tahimik na kumain habang nag-uusap ang mga katabing babae. Pero hindi naman papayag ang mga ito na hindi siya sasali sa usapan nila. "Payag ka ba, Andrei?" ang tanong ni Nannette sa kaniya. "H-ha?" "Di pa raw kasi nagkaka-boyfriend si Angelie. Irereto ko siya sa pinsan ko." Kinilig pa siya na bumaling ka
Read more
19 She Loves Me, She Loves Me Not
"She loves me,... she loves me not," ang mahinang usal ng binata habang isa-isang tinuturo ang mga dahon ng tanim na rosas ng kaniyang ina. Ayaw niyang pigtalin ang mga dahon. "She loves you, Kuya!" ang biglang bungad sa kaniya ni Errol. Pabatok naman itong sinaway ng ina niyang si Flor. "Pumasok ka na nga doon," utos ni Flor sa anak. Kakamot-kamot naman sa ulong tumalima naman ito. Ngumiti si Flor sa binata. Tinabihan niya ito. "May gumugulo ba sa isipan mo?" Saglit namang nag-isip si Andrei. "Kung tungkol sa parents mo, wala akong masasabi. Sana, maunawaan mo ang posisyon naming mag-ina sa bahay na ito," malumanay niyang pagpapaliwanag kay Andrei. "Pero kung tungkol naman sa kaibigan mo,... kay Angelie," humigit muna siya ng hininga bago nagpatuloy, "ang masasabi ko lang, kilala n'yo na ang isa't isa. Dapat, kilalanin n'yo rin ang sarili n'yo." Tumango-tango naman si Andrei sa kausap. "Hindi ako o kung sino ang dapat mong asahang magbigay sa iyo ng kasagutan kung ito ay tungk
Read more
20 Secret Revealed
BUMAWI si Andrei sa grupo. Itinodo niya ang pakikipaglaro sa mga ito habang naliligo sila sa tubig. Pinili niyang dumikit kina Mon kesa sa mga babae. Tuwing tinatawag naman siya ni Angelie ay nagpapasama siya kay Alvin, gayon din ang ginagawa niya tuwing tinatawag siya ni Norma. "Hanep, parang kayo na ang mag bestfriend ngayon ni Alvin, ah. Baka naman magselos na sa kaniya si besh mo," ang panunukso ni Mon sa kanya. Tinawanan niya lang ito. Sila pa ring dalawa ni Angelie ang magkatabi sa bus sa uwian, at sa kabila namang upuan ay nandoon sina Melrose at Nannette. Pare-pareho silang pagod, kaya hindi na siya nagtaka na hindi pa man sila nakakaalis ng Zambales ay nakatulog na sina Melrose at Nannette. Si Angelie naman ay nanatiling nakatingin sa labas ng bintana. Pumikit na lang siya. Mas mabuti para sa kaniya na nananahimik ngayon ang kaibigan. Pagmulat niya ng mata ay magkadikit na ang noo nila. Pareho kasi silang nakatulog sa haba ng biyahe. Dahan-dahan niyang inilayo ang mukha
Read more
DMCA.com Protection Status