"Erin, come on! Make it fast, you're wasting our time." My sister shouted from downstairs. "Yes, coming!" I shouted back while putting on my sweater. "God, mahuhuli tayo sa flight natin dahil sa 'yo!" Sigaw na naman ni Ate Zaf. There's no need for her to shout kaya. At nakakairita na rin ang boses niya. "Iiwan na talaga kita, Zephyrine. Ang bagal mo talaga kumilos. " Naiinis na si Ate kaya bumaba na ako. Papunta na kami sa airport pero ang ingay pa rin ni Ate habang panay ang tingin sa relo niya. Pinapagalitan pa ako kasi nga ang bagal ko kumilos. Kung mahuhuli raw kami sa flight namin, iiwan niya talaga dito sa Manila. God, nakakairita eh paulit ulit lang naman ang sinasabi niya! "Ate, pwede bang manahimik ka muna? You're ruining our day. Umagang umaga sinisira mo ang mood ko. Chill ka lang, okay?" I told her. "Chill? Look at the time, it's almost ten! Alas onse ang flight natin!" Inis niyang hinagis sa direksyon ko ang travel pillow na hawak niya. "
Read more