Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)

Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)

By:Ā Ā Tan Jiro AlvezĀ Ā Ongoing
Language:Ā Filipino
goodnovel16goodnovel
10
12 ratings
32Chapters
15.4Kviews
Read
Add to library

Share:Ā Ā 

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Memories would flow back. Spells would be casted. The dead would be resurrected. A war would ensue. And a change in the atmosphere... the wicked ones became good and the good ones became wicked. The Chosen Twelve were destined to protect the mages of Ataraxia from formidable black creatures, in accordance to the prophecy of the Phoenix Empress. They were the Celestial Zodiacs, the most powerful twelve beings. They were the keepers of peace and order. The chosen ones who will soon retrieve Ataraxia from its ashes.

View More
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealistaļ¼Œnais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isangĀ  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Lola Rona
mgnda Ang kwento,,ssana nmn may update pa
2022-06-10 03:54:17
0
user avatar
oishiiii
nakakatense basahin ang kuwentong to. exciting at ang daming twists. hindi boring basahin. i love it:>
2021-12-20 08:02:30
1
user avatar
troygertrude
ang ganda ng kuwento... may halo pang katatawanan. engaging basahin. hindi bland ang narration lalo na sa mga fighting scenes...
2021-12-19 06:50:48
0
user avatar
yuujisukuna
waiting sa updates, author...
2021-12-16 06:56:21
0
user avatar
yuujisukuna
i love the spells and world building... detailed din yong pagkakasulat...
2021-12-16 06:55:58
0
user avatar
PotatoChips
waiting for the ending of this story...
2021-12-15 16:03:23
0
user avatar
PotatoChips
nice storyyy... super coool characters... i love their powerssss
2021-12-15 16:02:46
0
user avatar
Malyn Lisondra Sab
update more please
2020-12-24 06:04:09
0
user avatar
Malyn Lisondra Sab
update more please
2020-12-15 16:39:59
2
user avatar
Malyn Lisondra Sab
more update please
2020-11-29 03:36:47
0
user avatar
Malyn Lisondra Sab
update pa more please
2020-10-21 02:24:54
1
user avatar
Malyn Lisondra Sab
update pa more please
2020-10-13 17:32:32
1
32 Chapters
Prologue
Nasusunog ang buong paligid. Nakaririndi ang mga sigawan at tili ng mga tao. Nababalot ng pighati ang buong lugar. Maraming mga bangkay ang nakahandusay sa lupa at may mangilan-ngilang naghihingalo. Napakalupit ang sinapit nilang kapalaran.Halos lahat ng gusali ay gumuho na. Ang mga puno ay unti-unting nagiging abo. Wala ng pag-asa. Naglakad ako sa gitna ng lumalagablab na apoy, ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit anong hapdi sa balat. Kanina ko pa ipinagtataka ang bagay na ito. Bakit hindi ako napapaso?Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Wala rin akong kaide-ideya kung paano nagsimula ang ganitong uri ng sakuna. Nakapanlulumo ang aking mga nakikita.Napatingala naman ako sa madilim na kalangitan. Dalawang ilaw ang kanina pa nagtatagisan sa itaas- isang pula at isang itim na liwanag.Nakapaninindig balahibo ang mga pangyayari. Ito ba ang sinasabi sa banal na kasulatan tungkol sa pagkawasak ng mun
Read more
Chapter 1
Darating din sa tamang panahon ang mga bagay na pinapangarap natin. Sipag, tiyaga at dedikasyon sa ginagawa ang ilan lamang sa mga mahahalagang sangkap upang maabot ang ating mga pangarap.Kumurba ang matamis na ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aking bagong gawang bahay. Ilang taon ko rin itong pinag-ipunan mula sa aking sahod na natatanggap buwan-buwan sa isang restaurant bilang waitress, dishwasher at janitor. All-around ang aking trabaho sa restaurant na iyon. Mahirap man, pero kinakaya para sa pangarap.“Ash, ang ganda talaga ng bahay mo! Galing ng pagkagawa,” pasadang saad ni Louie na nakasakay sa kanyang bisikleta.  Bago pa lamang ako rito at kalilipat ko lamang kahapon mula sa apartment na inuupahan ko. Si Louie pa lang ang kilala ko sa subdibisyong ito dahil magkaklase kami no'ng haiskul. Tumulong din siya sa sa paglilipat ng aking mga gamit kahapon.
Read more
Chapter 2
Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Napapatulala na lamang ako dahil sa aking mga nakikita. Lahat na yata ng mga nilalang, na sa fairytales lang mababasa ay naririto at natipon-tipon lang sa iisang lugar.Habang papasok sa napakalaking gintong tarangkahan, marami kaming nakakasalubong na golems, goblins, imps, dwarves, elves, at maging ang mga nagliliparang cute na fairies.  Lahat sila ay may kaniya-kaniyang gawaing pinagkakaabalahan. Pamilyar ang mga nilalang na ito sa akin dahil sa mga napapanood kong palabas na sila karaniwan ang mga bida. Napatigil ako sa  pagkamangha nang biglang magsalita si Raid. Iyan ang dinig kong pangalan niya kanina mula sa kasama niyang babae. “Angel, pwede bang bigyan mo nang maayos na damit ang kasama natin at baka hindi ako makapagpigil dito,” naiilang na wika niya kay Angel. Halata ang pilit na pag-iiwas niya ng tingin sa akin. Kumulo tu
Read more
Chapter 3
Napakaraming katanungan ang bumabagabag ngayon sa aking isipan. Napakabilis ng mga pangyayari at hindi magawang ma-rehistro sa aking utak ang lahat ng paliwanag sa akin kanina ni Archmaster Leonard. Hindi pa rin ako makapaniwalang isa ako sa mga Celestial Zodiac- ang labindalawang hinirang ni Empress Lumia. Pinili kami ng Phoenix Empress upang maging tagapangalaga ng kaayusan at kapayapaan sa mundo ng mahika.Ako ang Cancer sa mga Zodiac, na sinisimbolo ng isang alimango. Hindi rin ako basta-basta salamangkero lamang dahil anak ako ng isang Archgoddess- isang katotohanang mahirap paniwalaan para sa akin. Nagkakilala na rin pala kami ni Archmaster, sampung taon nang nakalilipas. Nilagyan nila ng selyo ang aking kapangyarihan upang hindi ako mapahamak kapag hindi ko ito magawang kontrolin. Ngunit, wala naman akong matandaan na nagkita na nga kami dati ni Archmaster. At ang isa pang ipinagtataka ko, bakit hindi nila ako dinala sa paaral
Read more
Chapter 4
Napakabongga nga naman talaga ang kaganapan ngayon sa Dome. Punong-puno ng mahika ang buong paligid. Napakasarap din sa pandinig ang malamyos na musikang nagmumula sa orchestra. Ang mga fairies at maliliit na wind pixies ay walang tigil sa pagsasaboy ng dust particles sa hangin. Napakasaya! Sa buong buhay ko, ngayon pa lamang ako dumalo sa ganitong klase ng pagdiriwang. Napapawang na lamang ang aking bibig dahil sa pagkamangha. Hindi ko aakalaing sa lugar kong 'to mararamdaman ang magkahalong saya at labis-labis na excitement. “Sam, dalian mo. Mamaya ka na matulala at mamangha riyan,” sita sa akin ni Caya at iginaya sa pinakaharap, kung saan naghihintay ang ilang Celestial Zodiacs sa amin. Ilang minuto pa ang nakalilipas, unti-unti nang nagsara ang malaking bakal na pinto ng Dome Magia. Sandaling tumigil ang orchestra sa pagpapatugtog at lumapag sa entablado ang isang lalaki- si Archmaster Leo
Read more
Chapter 5
Nagulat ako nang makarinig ng isang malakas na pagsabog. Nang nagpalinga-linga ako sa aking paligid, napagtanto kong nasa isang kagubatan ako. May dalawang tao akong nakikita mula sa aking kinaroroonan- isang babaeng nasa mid-30 na siguro ang edad at isang batang babae. Teka, anong ginagawa ko rito? Hindi ba't nasa Caelum Academy ako at kauuwi lang namin nila Caya galing sa Dome Magia. Nanaginip na naman ba ako?“Isa kang malaking kahihiyan! Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin magawang kontrolin ang iyong kapangyarihan, Ash,” sermon ng babae sa bata.Ash? Bakit parang pamilyar sa akin ang eksenang ito? Ngunit, wala naman akong maalala na nangyari na ito sa akin. Ako ba ang batang iyon?Nangunot ang aking noo. Nagtago ako sa likod ng isang puno at pinanood silang dalawa. Napansin ko ang maraming punong natumba at nasusunog ang mga ito. Napadako ang aking tingin sa bat
Read more
Chapter 6
Ilang beses kong naikurap ang aking mga mata habang nakatingin sa puting kisame. Teka, paano ako napunta sa aking kuwarto? Iba na rin ang aking suot na damit.Inaalala ko ang mga pangyayari. Kanina lang ay nasa malawak akong bukirin kasama ang ibang Celestial Zodiacs. Tapos-- Napaigtad ako sa aking kama at napaawang ang aking bibig. Nanlalaki rin ang aking mga mata. Napapatulala! Anong nagawa ko?Sigurado akong nasaktan ko siya. Mabilis akong lumabas sa aking kwarto at sakto namang nasa sala si Caya. Nakaupo siya sa may sofa.          “Sam, buti naman at gising ka na. Ayos ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” bungad niya sa akin. Mababakas sa kaniyang mukha ang pag-alala.“Nasaan si Raid? Kumusta siya?” alalang tanong ko.Hindi ako mapakali sa aking kinaroroonan. Gusto kong tingnan ang kaniyang kondisyon ngayon
Read more
Chapter 7
Dahan-dahan kong naimulat ang aking mga mata. Sumalubong agad sa akin ang walang hanggang kadiliman. Wala akong makita kundi dilim lamang. Sinubukan kong tumayo at mabuti na lamang dahil hindi ako natumba. Bigla namang kumirot ang aking ulo kayan napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi.Nang mag-angat ako ng tingin, napakaraming imahe ang lumitaw sa ere. Tila nasa loob ako isang ng monitor room at nanonood ng mga kuha ng CCTV cameras. Nababalot ako ngayon ng pagtataka.   Isang eksena ang nakaagaw sa aking atensiyon. Medyo glitchy ito pero maayos ko namang naririnig ang mga boses ng nag-uusap.“Ate, makipaglaro ka naman sa amin. Puro ka na lamang pagsasanay. Miss na kitang kalaro,” pakiusap ng isang batang may maliit na tinig. Napapatulala na lamang ako habang pinagmamasdan ang batang babae. “Hindi maaari, Debbie. Kailangang magsanay nang magsanay ang ate mo. Hangga't hindi pa niya nagagawa
Read more
Chapter 8
Bumungad agad sa amin ni Caya ang malakas na boses ni Raid nang makarating kami sa training ground. Mukhang nakikipagtalo na naman ang lalaki kay Marc. “Hoy, bata, hindi ba't sinabi ko sa 'yong huwag mong papasukin si Poly sa bahay natin? Kapag nagkalat na naman mamaya ang alaga mo sa kuwarto ko, humanda iyon sa akin. Iihawin ko talaga 'yon ng buhay,” pagbabanta ni Raid kay Marc.Napasampal na lamang ako sa aking noo matapos paikutin ang aking mga mata. “Subukan mong ihawin iyon at siguradong pagpipira-pirasuhin ko ang bawat laman mo. At huwag mo akong matawag-tawag na bata ulit, dahil kasing-edad mo lang ako,” angil ni Marc sa lalaki. “Kasing-edad mo nga ako pero 'yong height mo ay pambata pa rin, kaya bata pa rin ang itatawag ko sa iyo,” paninindigan ni Raid.Lumapit naman si Glade sa kanila at saka inawat ang dalawa sa kanilang bangayan. “Oyy! Puwede bang itikom niyo ang mg
Read more
Chapter 9
Nakayuko lamang kaming lahat habang sinesermonan kami ni Archmaster Leonard. Parito't paroon ang kaniyang ginagawa, habang binubusog kami ng kaniyang mga salita.“Inaasahan ko pa naman din kayo na maging modelo sa lahat, ngunit anong ginagawa niyo? Kayo pa ang nangunguna ng gulo dito sa Akademya!” hayag sa amin ni Archmaster. “Ngunit, Archmaster--”“Huwag kang sumabat, Caya. Hindi ko tinatanong ang iyong opinyon,” naiiritang asik ni Archmaster sa aking katabi. Kinurot ko siya sa kaniyang braso at binigyan ng tingin na nagsasabing, “Huwag ka na kasing magsalita pa”. Napatahimik naman siya at saka sumiksik sa aking tabi. “Wala man lang bang umawat sa tatlong ugok na ito bago pa sumiklab ang kanilang pagtatalo?” usisa sa amin ni Archmaster. Kulang na lamang ay umusok ang kaniyang ilong dahil sa pagkainis sa amin. Naglakas-loob naman akong sagutin ang kaniyang ka
Read more
DMCA.com Protection Status