Naimbitahan si Persephone na pumasok sa isang bahagi ng SU o Secret University na tinatawag na Underworld. Hindi alam ni Persephone kung ano ang dahilan bakit s'ya naimbitahang pumasok dito. Wala s'yang idea kung anong potential ang nakita sa kaniya. Tinanggap n'ya ang imbitasyon at pumasok sa Underworld. Ano kaya ang kapalarang naghihintay kay Persephone?
View MoreAndrei's POVPagkalabas ko ng Queen's Hall ay sinalubong agad ako ni Eryel. Malawak ang ngiti sa kaniyang mga labi habang nakatingin sa akin."Bakit hindi ka pa umalis d'yan?"Tanong n'ya nang makalapit ako sa kaniya. Umiwas ako nang akma n'ya akong hawakan sa braso."Hinihintay ko si Persephone."Seryosong sagot ko at naglakad na. Sinabayan n'ya naman ako sa aking paglalakad."Bakit pa?!"Sandali ko s'yang tiningnan. Pagkatapos ay binilisan ko na ang lakad ko. Binilisan n'ya rin ang lakad n'ya para masabayan ako.Ayaw kong magalit sa kaniya. Matalik ko s'yang kaibigan at mahalaga s'ya sa akin. Hindi ko alam kung bakit s'ya ganyan. Parang hindi na s'ya 'yong Eryel na nakasama ko noon. Minsan gusto ko na lang isipin na ibang tao s'ya."Iwanan mo na si Persephone. Wala ka namang mapapala sa paghihintay mo sa kaniya. Hindi ka ba natata
Pinangatawanan ko na talaga ang pagiging Demon Queen. Mas lalong natakot sa akin ang lahat. Kung noon ay binabalewala ko lang sila, ngayon ay hindi na. Sa bawat galaw nila na hindi ko nagugustuhan ay binibigyan ko ng kaparusahan.Palabas na sana ako ng room nang may biglang humila sa akin. Iniikot n'ya ako paharap sa kaniya. Seryoso ang expression ng mukha ni Axel at diretsong nakatitig sa mga mata ko."What is happening to you?"He asked. Hinila ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak n'ya. Hindi ako umimik at seryoso lang din akong nakatingin sa kaniya."Pam..."Napataas naman ang kilay ko."Hindi ako si Pam."Mariing sabi ko. Tumalikod ako sa kaniya at tuluyan na akong lumabas ng room.Hindi ko alam kung bakit n'ya ako tinatawag sa pangalan na hindi naman ako ang nagmamay-ari. Tsk!Nang makarating ako sa hallway ay nakasalubong k
Marahan kong iminulat ang aking mga mata at iniikot ko ang aking paningin. Nagtataka akong umupo sa kama at sumandal. Inaalala kung paano ako nakarating dito. Ang naaalala ko ay hindi naman ako umakyat at nanatili lang ako sa underground facility.Mabilis akong tumingin sa pinto nang may kumatok. Ilang segundo lang ang lumipas ay unti-unti nang bumubukas ang pinto. Nagkasalubong ang tingin namin ni Andrei."May I come in?"Bahagya akong tumango bilang sagot sa kaniya. Nang makapasok s'ya ay umupo s'ya sa gilid ng kama ko. Hindi pa rin naaalis ang tingin namin sa isa't-isa."I'm listening."Naguluhan naman ako sa sinabi n'ya."Ano 'yong gusto mong sabihin sa akin last night?"Seryoso n'yang tanong habang titig na titig pa rin sa akin. Naiilang na ako sa ginagawa n'ya kaya naman bahagya akong umiwas."W-Wala..."Maikling sagot ko. Tum
Tahimik naming tinatahak ni Andrei ang daan patungong Queen's Hall.Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Naguguluhan ako kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na may naaalala na ako kahit paano. Sa paanong paraan ko ba dapat na sabihin?"Persephone..."Napatingin ako sa kaniya. Nasa unahan ko na s'ya. Hindi ko namalayan na napatigil pala ako sa aking paglalakad. Matatanaw na rin ang Queen's Hall hindi kalayuan sa kinaroroonan namin. Naiilang man ako sa mga titig n'ya ay sinikap ko pa ring tumingin sa kaniya ng diretso."M-May gusto sana akong sabihin..."Bahagya s'yang lumapit sa akin."Umm... Mayroon na akong naa--""Andreiii..."Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sumigaw si Eryel para kunin ang atensyon ni Andrei."I'm waiting..."Napatingin ako kay Andrei na nasa akin pa rin ang tingin. Titig na
[Persephone's memory]LIBRARYNakaupo ako sa tabi ng bintana habang hawak ang isang libro at tahimik itong binabasa. Marahang tumatama sa balat ko ang kurtina dala ng hangin na pumapasok dahil nakabukas ang bintana. Bahagya ring dinadala ng hangin ang aking buhok na mahinang tumatama sa aking pisngi.Mayamaya naramdaman ko na may nagbukas ng pinto. Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy ko lang ang aking pagbabasa. Alam ko naman kung sino ito. Isang tao lang naman ang kasama ko rito sa bahay."Persephone..."Tawag n'ya sa pangalan ko nang huminto s'ya sa mismong tabi ko. Hindi ako umimik at nanatili lang ang mga mata ko sa libro."Persephone..."Pag-uulit n'ya para kunin ang atensyon ko."What?"Pagtatanong ko. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa libro."I have something for you."Halata sa ton
It's been a week simula nang dumating si Eryel dito sa Underworld. Mabait s'ya at marunong makisama kaya naging parte na s'ya ng grupo. Lagi s'yang nakabuntot kay Andrei kahit saan man ito pumunta. Maliban na lang kapag nasa Queen's Hall. Mayroon akong nararamdamang kakaiba sa kaniya, pero sigurado naman ako na hindi ito galit. Hindi ko lang talaga maipaliwanag kung ano."Good morning, aking Reyna."Masiglang bati ni Andrei at sinabayan ako sa aking paglalakad papunta sa room namin. Ngumiti lang ako sa kaniya bilang ganti. Magkasama kami ni Andrei sa Queen's Hall, pero hindi kami nagsasabay umalis."Andreiii..."Hinihingal na huminto si Eryel sa tabi ni Andrei at yumakap pa sa braso nito."Magandang umaga, Queen Persephone."Nakangiti s'yang tumingin sa akin. Gumanti na lang din ako ng ngiti sa kaniya."Mauuna na ako sa inyo."Nauna na akong naglaka
Matapos ang naging transformation ko sa quadrangle ay wala akong narinig na kahit na ano kay Mr. Han. Sigurado ako na nakarating na sa kaniya ang nangyari dahil nandoon mismo ang kaniyang secretary na si Dina.Pinagtitinginan ako ng mga estudyante habang naglalakad ako papunta sa room naming mga nasa level 3. Halata sa mga mata nila na hindi nila ako tanggap. Maaaring noon ay may ibang mga humahanga sa akin dahil sa kakayahan ko, pero ngayon sigurado ako na wala na. Pagkatapos ba naman nilang makita ang totoong anyo ko.Nagulat ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Napatigil ako sa aking paglalakad at napatingin kay Andrei na may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi."Good morning, aking Reyna. Ang saya ko talaga ngayon dahil makakasama na ulit kita sa klase."Ngumiti na lang din ako sa kaniya. Sabay naming tinahak ang daan patungo sa room namin.Wala na akong pakialam sa lahat. Masaya at konte
Unti-unting nagkakaroon ng hiwa ang aking balat sa buo kong katawan. Ramdam ko ang matinding sakit sa bawat hiwang natatamo ko. Hindi na malaman nina Axel, Sariyah at Amina kung saan ako hahawakan dahil sa nangyayari sa akin. Tuluyan nang walang makita ang mga mata ko. Nabibingi na rin ako sa sobrang katahimikan. May naramdaman akong gumagalaw sa aking likuran na para bang pilit itong lumalabas sa aking katawan. Nang dahil dito ay nabitawan ako ni Axel. Napahiga ako sa lapag. Nanlalagkit ang buo kong katawan dahil sa dugo.Mayamaya pa ay naramdaman ko na unti-unti akong umaangat mula sa pagkakahiga ko lapag. Gumagaan ang pakiramdam ko na para bang lumuluwag ang kadenang nakagapos sa puso ko hanggang sa tuluyan na itong maglaho. Naramdaman ko rin ang unti-unting paghilom ng mga hiwa sa buo kong katawan. Unti-unti na akong nagkakaroon ng paningin ganoon na rin ng pandinig. Dahan-dahan akong bumababa hanggang sa maglapat nang tuluyan ang talampakan ko sa sahig.<
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.