CARMELLA

CARMELLA

By:  MrsDarcy  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.9
Not enough ratings
62Chapters
37.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"Kilala mo ba kung sino ako Carmella?" Tanong nito at binaggit nanaman nito ang pangalan nya."O.. opo... Kayo po ang anak ng may-ari ng Del Castillo Resort" sagot nya. Ngumisi ito at humakbang sa kinatatayuan nya, wala sa loob na napa atras sya at nagpatuloy ito sa paglapit at pag atras naman ang sa kanya hanggang sa madikit sya sa kahoy na dingding. "Kilala mo ko alam ko" sabi nito at hiniharang ang dalawang kamay nito sa tabi ng mga balikat nya, tila sya nasukol nito habang nakatingin sa mga mata nya."Bakit oh?" Tanong nya at sinulyapan ang mga nakaharang nitong kamay sa kanya at lumapit pa ito ng isang hakbang at nasasamyo nya ang mainit na hininga nito na tila humahaplos sa mukha nya. Napalunok sya ng ilang beses dahil kahibla lang ang layo ng mga labi nito sa mga labi nya."Anong ginagawa ng isang Carmella Perez sa loob ng solar ko? Alam mo ba ang pinasok mo? Teretoryo ng kaaway" sabi nito na nagpagulat sa kanya at nanlalaking mga mata napatitig sya rito, kitang-kita nya ang pagbalasik ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya, nakikita nya ang galit at pagkasuklam na nakita nya noon rito limang taon na ang nakakalipas.

View More
CARMELLA Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
No Comments
62 Chapters
Chapter 1
"Bakit sa Del Castillo bakit hindi sa VincElla Hotel" Tanong ni May ng sabihin sa kaibigan na balak nyang gawin ang On-the-job training nya sa Del Castillo Resort ang nag-iisang resort sa bayan ng San Miguel na pag mamay-ari ng pamilya Del Castillo. Graduating student na sya sa SMU sa kursong HRM."Mas gusto kong matuto ng mga bagay bagay sa may beach" tanging sagot nya kay May na halos apat na taon na nyang kaibigan mula ng mag enroll sya sa SMU. "Pero boring doon, hindi gaya sa VincElla Hotel andaming gwapong nag oover night, dagdag mo pa na makikita natin si Vincent Dela Merced doon""Ano ka ba may asawa na yon" saway nya sa kaibigan at inisa-isa ang gamit sa mesa at nilagay sa bag pack."Sulyap lang naman eh hindi naman kasalanan ang sumulyap" "Bahala ka basta ako sa Del Castillo Resort ako papasok""Ano ngang dahilan?""Wala kailangan ba may dahilan
Read more
Chapter 2
"Mella ikaw anong gusto mong drinks?" Tanong ng Ate Grace nya ng makarating na sa isang mamahaling restaurant sa Tragora Mall."Strawberry shake nalang Ate" Sagot nya at umayos ng upo. Pansin nya ang ilang mga matang pasulyap-sulyap sa kinauupuan nila. Alam naman nya kung bakit, halos naman lahat ng nakakakilala sa kanila eh tinatapunan talaga sila ng tingin, lalo na ang Ate Grace nya pero hindi naman pansin ng Ate nya ang mga mapang husgang matang nakasunod rito."Mike dito!" Tili ng Ate Lanie nya. Nakita nya si Mike ang boyfriend nito na taga kabilang bayan. Hindi na rin nya alam kung pang ilan na ba si Mike sa mga naging boyfriend ng kapatid, dahil highschool palang ito mahilig na itong magpapalit-palit ng boyfriend, wala kasing tumatagal na lalaki dito dahil masyado itong maarte at ma luho sa katawan at mayayaman lang ang sinasamaan nito para makuha nito ang luho sa katawan. Sa nakikita nya kay Mike tanggap na nito kung ano ang ugali ng kapatid
Read more
Chapter 3
"Uy Mella!" "Ah, ano yon?" Tila lutang na tanong nya kay May. "Lutang ka te?" Biro nito at kinurot sya sa pisngi."Ah...aray!""Ang sabi ko tuloy ka naba talaga sa Del Castillo Resort?" Tanong nito. Yan din ang iniisip nya, ilang araw na mula ng makita nya si Aiden sa Tragora mall at hindi parin ito maalis-alis sa isip nya, alam nyang hindi sya nagkakamali si Aiden ang nakita nya."Ewan ko" sagot nya. Dahil yon ang totoo mula ng makita nya si Aiden tila nagbago ang isip nya, dahil baka makita at makilala sya ni Aiden at paalisin sya sa Resort. Nakaramdam sya ng takot ng makita ito kahapon, alam nyang halos mahigit limang taon na ang nakakalipas pero tila sariwa parin sa kanya ang bawat eksena nangyari ng gabing yon. Takot na takot sya noon at yon ang takot na naramdaman nya muli ng makita ito makalipas ang mahigit limang taon."Sama ka nalang kasi sa akin sa VincElla Hot
Read more
Chapter 4
Hindi nya alam ang gagawin habang nanatiling nakamata kay Aiden sa di kalayuan, alam nyang hindi sya nagkakamali ang lalaking nakikita nya ngayon at ang lalaking nakita nya sa Tragora Mall ay si Aiden. "Bumalik na sya" bulong nya."Aiden is back for good" narinig nyang tinig sa di kalayuan napalingon sya doon at nakita ang babaing nakabunggo nya sa Mall na kasama ni Aiden noon, kausap ang may edad na babae na kung hindi sya nagkakamali ito ay si Mrs. Del Castillo."Yes Tita, ewan ko ba dyan kung bakit gustong-gusto nyang umuwi dito" maarteng sabi ng Babae. Nanatili sya sa kinauupuan habang pinaglilipat-lipat nya ng tingin kay Aiden at sa dalawang nag-uusap malapit sa kinauupuan nya. Napasulyap sa kanya ang babae at kumunot noo nito ng makita sya. Mabilis syang nag-iwas nag mukha at dali-daling tumayo mula sa pagkakaupo at mabibilis ang ginawang paglakad palayo sa mga ito  bigla syang malakas na bumun
Read more
Chapter 5
"Carmella Perez" tawag ng receptionist matapos nyang maibigay ang lahat ng requirements na hiningi ng mga ito para makapag simula na syang mag OJT. Tumayo sya at lumapit sa magandang babaing nakangiti sa kanya."Sabi sa HR pwede ka na daw mag umpisa ngayon kung gusto mo" nakangiting sabi ng babae."Talaga oh?" Tumango ang kaharap at sinabing pumunta sya sa opisina para ma ipaliwanag sa kanya ang mga gagawin at maipakilala din sa mga makakasama nya sa OJT.Matamis ang ngiti nya sa mga labi habang naglalakad sa malawak na pasilyo. Maliban sa mga cottages may hotel din ang Del Castillo Resort pero hindi ito tulad ng VincElla Hotel, katamtaman lang ang laki nito at kung hindi sya nagkakamali tatlong palapag lang ang taas ng building.Alam nyang binalaan na sya ng kapatid na huwag ng ituloy ang pag O-OJT nya rito dahil baka pagsimulan pa ng gulo, pero ewan nya kung bakit gustong-gusto nyang makapasok sa Del Castillo Reso
Read more
Chapter 6
Nanatili syang walang kibo at nakatingin lang sa mga mata ni Aiden na puno ng galit. Paanong nangyari ganoon kadali syang nakilala ni Aiden,limang taon na ang lumipas at napaka bata pa nya ng mangyari yon, ngayon sa pagkikita nila kaagad sya nitong nakilala kung paano nya ito kaagad nakilala ganoon din ba ito sa kanya, ibig bang sabihin ganoon ito kagalit sa buong pamilya nya at hindi nito nakalimutan ang itchura nila sa paglipas ng mga taon."Ano bang ibig mong sabihin?" Nakuha nyang itanong sa kabila ng kaba at takot."You know exactly, Carmella don't fool me! Mariing sagot nito at pinaglandas nito ang mga mata sa mukha nya, pababa sa leeg at sa puting t-shirt na suot nya at sya mismo kitang-kita nya ang pag taas baba ng mga dibdib sa kabang nararamdaman nya at tila humahaplos ang mga yon sa basang t-shirt ni Aiden."Andito ako para.. para sa pag-aaral ko at-""Bakit sa Del Castillo? Anong binabalak mo? Inakala mo
Read more
Chapter 7
Flashback"Nay hanggang kailan po nila tayo patitirain rito ng libre?" Tanong nya sa Nanay nya habang nag-aayos ng mga pinamili sa palengke, sinama sya ng Nanay nya mamalengke kanina, at halos madaanan nilang mag-ina nagbubulungan at alam nyang naririnig ng Nanay nya ang mga binubulong ng mga ito, tungkol sa Ate Grace nya at kay Mr. Gabrielle Del Castillo ang nagmamay-ari ng malaking resort sa bayan nila ang Del Castillo Resort.Si Mr. Del Castillo ang may-ari ng bahay na tinitirhan nilang mag-anak ngayon, lumang bahay ito ng mga Del Castillo at wala ng tumitira dahil sa malapit sa Resort na nakatira ang pamilya ni Mr. Del Castillo. At pinatitira sila nito dahil tila may interes ito sa Ate Grace nya, at hindi nya ikinatutuwa yon. Alam nyang marami ng kinasama ang kapatid na di pamilya, na syang tila kinabubuhay nilang mag-anak, wala naman syang magawa kahit tutol sya, ano ba naman ang magagawa ng isang kinse anyos na da
Read more
Chapter 8
"Bakit ka umakyat dyan?" Tanong mula sa may likuran nya. Mabilis syang napalingon at nakita si Aiden na kunot noong nakatingin sa kinatatayuan nya. "Bumaba ka dyan, baka mahulog ka" sabi nito, pero wala syang nahimigang pag-aalala sa tono."Ah... eh... pasensya na po"  paumanhin nya at mabilis na tumalon sa bakod nakita pa nyang nagulat si Aiden sa ginawa nya."Sorry po" paumanhin nya ulit at napatingin sa binatang nakatayo sa harapan nya. Matangkad ito, may pagka moreno, ang buhok nito medyo makapal tinatangay ng hangin pero bagay naman rito, may magagandang mata at makakapal na kilay, matangos ang ilong at manipis na labi na bumagay naman dito. Napakasimple lang ng suot nito, puting t-shirt at itim na pantalon pero may kakaiba ng dating sa kanya."Ano bang tinigtignan mo dyan?" Tanong nito na nagpahinto sa kanya sa palihim na pagsuri rito."
Read more
Chapter 9
"Papasok na po ako" paalam nya kinabukasan."Ingat ka Mella dahan-dahan ka ah sa pag ba bike ah, huwag kang nagmamadali" bilin ng Nanay nya."Opo Nay" sagot nya at inilabas na ang bike sa gate."Mella! Mella!" Tawag ng Ate Grace nya at tumatakbong lumabas ng gate. Bagong gising palang ito at nakapantulog pa."Idagdag mo to sa baon mo" sabi nito at iniabot ang limang daan."Huwag na ate may binigay na si Nanay sa akin""Ano ka ba, idagdag mo, kumain ka sa Ice cream house" pamimilit nito kaya naman kinuha na nya para maitabi nalang."Anong nangyari sa bike mo?" Biglang tanong ng Ate nya ng makita ang basag na salamin nito sa gilid ng manibela.Hindi nya sinabi kanino man na nakita nya si Aiden Del Castillo, hindi nya sinabi na halos durugin na sya nito sa mga kamay nito dahil sa pagkasukla nit
Read more
Chapter 10
Nag-iiyak sya habang tinatahak nya ang daan papuntang Del Castillo Resorts alam nyang hindi sya dapat magtunggo roon matapos ang nangyari sa kanila ni Aiden kahapon, pero sa nais nyang kumalma at sa tabing dagat lang sya makakalma nais nyang masamyo ang malamig na hangin doon at marinig ang mga alon na nagmumula sa dagat.Nang makarating sya doon kaagad nyang itinabi ang bike at bitbit ang sundae na binili umakyat sya sa pader at naupo doon. Humugot sya ng malalim na hininga at tinuloy ang pag-iyak. Hindi naman ito ang unang beses na tila nabastos sya pero ito ang unang beses na andoon si Aiden at ayaw nyang isipin pero tila syang ipinangtanggol ni Aiden. Pinangtanggol nga ba sya ni Aiden kay Jeff kanina? Hindi ba galit ito sa kanya at ang nangyari kanina patunay lang na hindi talaga maganda ang reputasyon ng pamilya nya sa bayan nila."Bakit ba lagi kang nandito?" Tinig na nagmula sa likuran nya. Napalingon sya at naki
Read more
DMCA.com Protection Status