Unwed Mother

Unwed Mother

By:  KULIN  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
0.0
Not enough ratings
46Chapters
5.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Sa mundong mapaglaro ay nakakatakot sumugal sa pag ibig. Ngunit naroon pa rin ang kagustuhan mong maranasan iyon, kung paano magmahal at kung paano mahalin. Pero paano kung isang beses ka nang napaglaruan ng tadhana? Gugustuhin mo pa rin bang maranasan muli ang magmahal at mahalin? Susugal ka parin ba? Makakaya mo pa rin bang mag tiwala? At mayroon pa nga bang tapat na magmamahal sa katulad mong Unwed Mother?

View More
Unwed Mother Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
46 Chapters
Chapter 1
"INARI!" Mabilis kong naiangat ang ulo nang marinig na may tumawag sa pangalan ko. Agad kong nakita ang dalawa kong kaibigan na papasok ngayon ng Library. Nakaupo ako sa dulong bahagi ng Library at may nakapatong na libro sa table na nasa harapan ko. Vacant ko ngayon at dito ko naisipang magpalipas ng oras.  Pasimple akong napatingin sa mga estudyanteng napalingon din sa mga kaibigan ko dahil sa malakas na sigaw nila. Umiling-iling ang iba na para bang naiinis bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Maging ang nasa mid 30's na ginang na siyang Librarian ay masama na ang tingin sa dalawa na ngayon ay naglalakad na palapit sa akin. "Ano ba kayo? Nasa library kayo, wala kayo sa palengke!" mahina kong asik nang makalapit sila sa akin.  Hindi nila pinansin ang sinabi ko at sa halip ay nakangisi silang umupo sa upuan na nasa tapat ko. Napailing ako sa kaisipang mukhang may kalokohan na namang sasabihin ang dalawang ito.Read more
Chapter 2
“WE’RE HERE” Karen shouted while raising her right hand.   After more than an hour of driving we arrived at our destination. Nakarating kami sa isang dine and bar sa Tagaytay. Ipinark ni Karen ang sasakyan at sabay-sabay kaming lumabas ng kotse. Dumaan pa muna kami sa isang pathway na parang bridge bago kami makapasok sa loob mismo ng bar.   Inilibot ko ang paningin nang tuluyan kaming makapasok. Maraming wooden chairs and wooden tables roon. Open ang dine and bar na iyon at kitang-kita ang kapaligiran. Maraming puno ang makikita at kitang-kita rin ang sunset. Napakaganda ng kulay kahel na araw. May bubong naman kaya hindi kailangang mag-alala kung uulan anumang oras. Marami ng customers roon at mukhang may nag ce-celebrate pa ng birthday dahil may maingay na nagkakantahan ng birthday song.

Read more

Chapter 3
"Bakit tahimik kayo diyan?"Tanong ko kina Karen at Vera na parehong nasa passenger seat. Kanina pa sila tahimik simula no'ng umalis kami sa Tagaytay. Malapit na kami sa condo pero tahimik parin sila at pareho lang silang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. "Hindi na ako makikipag blind date kahit kailan," ani Karen na hindi inaalis ang tingin sa bintana."Bakit naman?" tanong ko at sinulyapan siya sa rearview mirror. Nanatili itong nakatingin sa labas ng bintana. "Nabighani ka ba sa kagwapuhan ni Nikolaj?" nakangisi kong tanong. Muli ko siyang sinulyapan. Sa pagkakataong ito ay seryoso siyang lumingon sa akin at umalis pa sa pagkakasanda
Read more
Chapter 4
“SA OSPITAL na lang!” ani Vera. “Kay Tita Precious na dahil kakilala naman 'yon!” giit ni Karen. “Iyon na nga, eh! Kakilala 'yon!” nakikipagtalong ani Vera. “Eh, ano naman? Bakit, natatakot kang pagalitan niya si Inari?” Bakas na ang pagka-inis sa mukha ni Karen. Matalim na ang tinging ibinibigay kay Vera. Umismid si Vera. “Ah, basta sa ospital!” Pinag-uusapan lang kanina ni Vera at Karen ang tungkol sa pagpapache-check up ko habang nag aagahan kami hanggang sa magtalo na sila. Ang gusto kasi ni Vera ay sa hospital pero ang gusto naman ni Karen ay sa clinic ni Tita Precious— ang tita niyang OB-Gyne. “Mag pe-pregnancy test na lang muna ako,” singit ko sa usapan nila kaya natigil sila sa pagtatalo at sabay na napatingin sa akin. “Iyon na lang muna ang gagawin ko,” dagdag ko pa. Napatango naman sila pareho at pumayag sa gusto ko. “Ako na ang bibili ng pregnancy test after nating mag breakfast,” presinta ni Vera. Natahimik
Read more
Chapter 5
ILANG minuto pa akong nakayakap kay Karen habang pinapahinahon niya ang sarili. Nang lumabas si Vera sa kwarto nito ay humiwalay agad sa akin si Karen at pasimpleng pinunasan ang kanyang mukha. Ayaw ipakitang umiiyak siya. Pero mukhang napansin pa rin ni Vera na may mali sa kaibigan namin. “Ano’ng nangyayari? Umiiyak ka ba?” takang tanong nito kay Karen. “Hindi, ah!” Mariing tanggi naman ni Karen at tumayo. “Tara na.” Kunot-noo siyang tinitigan ni Vera kaya nakangiti niya itong inakbayan bago siya bumaling sa akin. “Tara na!” masayang aniya na ikinawit sa braso ko ang isa pa niyang braso. “Alis nga!” masungit na ani Vera na tinanggal ang braso ni Karen sa balikat niya. “Para namang kasya tayo sa pinto nito!” “Napakasungit mo! Akala mo naman maganda ka!” nakangusong ani Karen. “Hoy, sa ating tatlo ako ang pinakamaganda! Ipagtanong mo pa!” maarteng ani Vera. She even flipped her long black hair.  “Oo na! Oo na!” walang ganang ani Ka
Read more
Chapter 6
"I missed you, Inari. I really do."Napangiti ako ng sabihin iyon ni Kevin pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang magkayakap pa rin. Nakangiti ko siyang hinarap at nanatiling nasa balikat niya ang pareho kong mga braso. Tinitigan ko siya at wala na ang bakas ng pagkabalisa na nakikita ko sa kanya kanina. Maliit ang ngiti niya habang nakatitig siya sa mukha ko."Bakit naman kasi hindi ka man lang nagpaparamdam? Ganoon ka ba kabusy?" nagtatampo kong tanong. "I'm sorry! Naging busy lang ako this past few weeks. Babawi ako," aniya na hinawi pa ang buhok na humarang sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko.Read more
Chapter 7
NAPALINGON ako kay Kevin nang makabalik ito mula sa kusina. Nakatingin siya sa akin at parang hindi malaman ang gagawin. Tumingin muli ako kay Lexi na malungkot na nakatitig kay Kevin bago siya muling tumingin sa akin. She was even surprised to see that I was already looking at her and she looked uncomfortable. Maybe because I caught her staring at him.   "Can we talk?" tanong ko kay Lexi. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Napasulyap pa siya kay Kevin bago humarap muli sa akin.   "S-sige."   Naglakad ako papunta sa nursery room. Nilampasan ko si Kevin na balisang nakatingin sa akin. Pumasok ako sa kwarto. Kasunod ko lang si Lexi at siya na ang nagsara ng pinto. Lumapit ako sa crib and I stared at the baby sleeping peacefully. Parang hindi ito ngumal-ngal kanina. Parang nag
Read more
Chapter 8
NGUNIT ang mga pangakong iyon ni Kevin ay napako. Makalipas ang halos isang linggo matapos ang pagpunta ko sa condo niya at malaman ang tungkol sa anak nila ni Lexi ay naging madalang na ang pagpaparamdam niya. Kapag tinatawagan ko siya ay sinasagot niya naman pero hindi naman siya makausap ng maayos. Palagi siyang nagpapaalam dahil kay Keegan.    Ang huli naming pag-uusap ay kahapon pa ng umaga pero wala pa yatang limang minuto iyon. We're on our way to school now. Sa condo pa lang ay tinatawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot isa man sa mga tawag ko.   "Ano, wala pa rin?" galit na tanong ni Karen na nasa shotgun seat. Nakatingin siya sa akin kanina pa. Malungkot akong umiling at napasinghal naman siya sa inis. "Kapag ako talaga nabugnot ng husto, susugurin ko na ang lalaking 'yan!" gigil na aniya.  &n
Read more
Chapter 9
"I'M so-sorry, Inari. I- I think w-we need to b-break up."   Hindi ko magawang magsalita agad dahil sa narinig kong iyon kay Kevin. Panay ang pagtulo ng mga luha ko habang tinitingnan siya na malungkot na nakatingin sa akin at nangingilid ang mga luha.   Sobrang sakit ng nararamdaman ko at talagang napahawak na ako sa d****b ko dahil kumikirot na iyon. Parang nagsama-sama na ang lahat ng sama ng loob ko. Simula noong nalaman ko ang tungkol sa kanila ni Lexi, ang pambabalewala niya sa mga tawag ko at sa sinasabi niya ngayon.   "W- Why?" mahinang tanong ko pero tanging iling lang ang naisagot niya at tumungo. "N-nangako kang hindi mo ako iiwan, Kevin! Kaya bakit? Bakit ka nakikipaghiwalay?" mahina ngunit mariin kong tanong. Hindi siya sumagot roon. "Ilang pangako mo pa ba ang
Read more
Chapter 10
A few days after Kevin broke up with me ay tuluyan na itong hindi nagparamdam. Hindi ko na rin siya kinontak pa simula noon. Binura ko na lahat ng contacts ko sa kanya at maski ang mga gamit na ibinigay niya sa akin ay ipinadala ko pabalik sa condo niya dahil ayoko ng makakita pa ng kahit na ano na patungkol sa kanya.Pero hindi ko na siya pinroblema pa dahil simula ng araw na iyon ay iba na ang iniisip at pinoproblema ko. Iyon ay kung paano ko ipapaalam sa mga magulang ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ilang beses na akong kinumbinsi ni Karen at Vera na sasamahan nila ako. Pero ilang beses rin akong tumanggi. Gusto kong harapin ito ng magkasama kami ni Kevin pero dahil kusa na siyang umalis sa buhay ko ay gusto kong harapin ito ng
Read more
DMCA.com Protection Status