Throne of Glass

Throne of Glass

By:  WhiteSmight  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
1.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"Angelica San Andres" Isa ito sa mga pangalang hinahangaan at kinakatakutan ng buong mundo. Her influence rules the world of business or perhaps our world. She change the landscape of every sector of any industry with her creativity, intelligence, and wisdom. "She was glorified by the world" ika nga ng karamihan ngunit sa gitna ng kaniyang pamamayagpag ay kailangan niyang lumisan at bumalik sa pinanggalingan dahil sa isang tungkulin na kailangan niyang gampanan. Si Angelica ang tagapagmana ng kahariang Xeria sa planetang Sedus kung kaya't sinigurado ng kaniyang ama na babalik ang kaniyang anak upang gampanan ito subalit labis ang pagkamuhi ni Agelica sa kanilang planeta dahil ito ang kaniyang sinisisi kung bakit hindi niya nararanasan ang kaniyang mga kagustuhan at ito ang attensyon at oras ng kaniyang ina at mas lalong umusbong ang kaniyang galit nang mamatay ang kaniyang ama. Pilit na tinatanggihan ni Angelica ang kaniyang tungkulin at nilabag ang ilan sa mahihigpit na batas ng Xeria. Ginawa nito ang lahat upang makaalis sa kanilang planeta, nakipagkasundo ito sa mga kalaban o mga aktibista ng kanilang kaharian upang makabalik sa planeta ng mga tao. At nang siya ay magtagumpay, isang hindi inaasahagan nilalang ang kaniyang makikilala sa mundo ng mga tao na kawangis na kawangis nito. Isang bata na magpapalabas ng kaniyang mga kahinaan. Isang bata na susukatin ang kaniyang mga paninindigan. Isang bata na magpapaalala kung sino siya sa nakaraan. Isang bata na poprotektahan niya hanggang kamatayan. Isang bata na magiging daan upang manumbalik ang kaniyang pagmamahal sa pinanggalingan. At isang bata na tatapos sa kaniyang buhay.

View More
Throne of Glass Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
9 Chapters
Chapter 1
ANGELICA POV"Stunning""Fearless!""Elegance!""Brilliance!""And class!" "These are the few words that will give a justice to the one and only Angelica San Andres." "San Andres is the President and CEO of SA Corporation and one of the leading entrepreneur in the modern history. And today in Probes Show she will share her experiences on being one of the top executives of a leading company and, she will also give us some advice specially for those entrepreneurs who are starting out! good day Ms. Angelica." "Ms nandito na po tayo," dinig kong saad ng driver na marahan kong tinanguan. Diretso lamang ang aking paningin habang patuloy na pinapakinggan ang radyo kung saan ipinapakilala ako. My name is all over the world, I have fame, money,  I have everything but it never satisfy me. Malalim na lamang akong napabuntong hininga dahil sa paglalaro ng aking isipan at nang maramdaman
Read more
Chapter 2
ANGELICA POVMalalim na ang gabi kung kaya't napagdesisyonan kong umuwi na lamang sa bahay. Matapos ang nangyari sa amin ni papa kanina ay hindi ko na alam kung paano pa ito haharapin. Pakiramdam ko ay sumobra ang pakikitungo ko sa kaniya."Ms nandito na po tayo," dinig kong saad ng driver kung kaya't natigil ako sa pag-iisip saka sumilip sa bintana, agad akong pinagbuksan ng isa naming tauhan kung kaya't taas noo akong naglakad papasok ng bahay. Binilisan ko ang aking paglalakad paakyat ng hagdan upang hindi na makasalubong pa si papa. Wala rin akong mukhang maihaharap sa kaniya dahil sa pakikitungo ko kanina at sigurado akong kukulitin niya lamang ako tungkol sa Sedus kung kaya't mas mabuti na rin na hindi muna kami magkita. Tahimik akong naglakad papuntang kwarto ngunit sadyang hindi nakikisama sa akin ang tadhana sapagkat bumukas ang isang pinto at iniluwa nito ang nilalang na pilit kong iniiwasan."Pa," usal ko saka marahang tumungo.
Read more
Chapter 3
ANGELICA POVNaramdaman ko ang mabilis na pag-alog ng aming sasakyan senyales na kami ay lumilipad na, nakaupo ako ngayon sa isang colorless na upuan habang nakalock ang mga kamay at paa ko dahil sa bilis ng pagtakbo nito. Napakuyom na lamang ako ng kamao dahil sa bilis ng sasakyang ito, marahil ay nasanay ako sa bagal ng sasakyang pangtao. Sa bilis ng aming sasakyan ay hindi ito kakayanin ng isang normal na nilalang lamang.Kung ako na hindi pangkaraniwan ay labis na nahihirapan paano pa kaya ang tao lamang?Unti unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman kong gumaan na ang lahat. Bumungad sa akin ang piraso ng isang bulaklak na lumulutang sa aking harapan na naging dahilan upang bahagaya akong mapangiti ngunit agad ding napakunot nang biglang lumitaw ang isang nakangiting imahe ng lalaki at agad akong napalunok nang mapagtantong nakahawak ito sa aking mga kamay habang nakalutang"Nasaan si papa?" Seryoso ngunit mahinahon kon
Read more
Chapter 4
ANGELICA POVDahan-dahan akong naglalakad at sinusundan sina papa. Nakababa na ang aming sasakyan sa lupa at hangga't maari ay pilit kong binabagalan ang aking paglakad habang hinihiling na sana lumipad na ang sasakyang ito at bumalik sa mundo ng mga tao. "Angelica," tawag sa akin ni papa kung kaya't tuliro akong lumingon sa kaniya at binilisan ang pagkilos sapagkat binigyan na ako nito ng makahulugang tingin."Mukhang hindi komportable ang iyong anak sa akin rama," natatawang saad ni Lucas na ngayon ay  nakatingin sa akin na naging dahilan upang ayosin ko ang aking tindig at pilit na ginagawang normal ang aking mga kilos. Hindi ko maintindihan kung bakit pagkatapos ng nangyari kanina ay may mukha pa rin itong naihaharap sa akin habang ako ay nais ng magpalamon sa lupa sa tuwing nakikita ko ang presensya niya. "Pagpasensyahan mo na lang ang anak ko Lucas, mahaba-haba rin ang panahon ang pagtira namin sa mundo ng mga
Read more
Chapter 5
ANGELICA POVNanginginig kong hinahawakan ang palasong lumipad patungo sa akin habang ang aking paningin ay nanatili sa lumiliyab sa himpapawid. Sunod-sunod na ang pagpatak ng aking mga luha ngunit hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa galit. Nararamdaman ko na ang pag-liyab ng aking kaloob-looban, ang pa-garagal ng aking mga labi at panlalabo ng nanlilisik kong mga mata. Dahan dahan kong inilibot ang aking paningin, doon ko nakita ang mga kawal na patakbong lumalapit sa akin ngunit nakakapagtaka sapagkat napakabagal nila para sa akin. Muli akong tumingin sa itaas, nakikita ko na ang papabagsak na apoy at nasisiguro kong tatama ito sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata, sa sandaling ito hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong marinig mula sa paligid kung hindi ang aking paghikbi, wala akong makita kung hindi ang mabagal na pagbasak ng lumiliyab na sasakyan ng aking ama, wala na akong ibang nararamdaman kung hindi ang galit at sakit. Gusto kong sumig
Read more
Chapter 6
ANGELICA POVUnti-unti kong iminulat ang aking mga mata na naging dahilan upang bumungad sa akin ang malagintong kisame. Sandali ko itong tinitigan hanggang sa pumasok na naman sa aking isipan ang mga nangyari kanina, ang nangyari kay papa."Angelica anak," tawag sa akin ng pamilyar na boses ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Nanatili akong nakatitig sa kisame, hindi gumagalaw at hindi nagsasalita."Angelica may dala akong pagkain, kumain ka na muna ana—""Nahanap na ba ang katawan ni papa?" Pagpuputol ko sa mga sinasabi niya kung kaya't natigilan ito."Wa..wala pang balita galing kay Lu—""Kung gano'n umalis ka na!" Malamig kong usal saka tumalikod sa kaniya at doon nagsimula ang pagkibot ng aking mga labi kung kaya'
Read more
Chapter 7
Angelica Pov         Tahimik kong pinapanood ang pagbaba ng bandila ng Xeria na sinabayan ng nakakakilabot na tambol. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mga naglilipalarang palaso habang umuugong sa aking pandinig ang hagulhol ng mga nakapaligid sa amin. Ngayon ang araw na ipinapaalam sa lahat na napaslang na ang rama ng Xeria, marami ang nagulat at marami ang nagluluksa. Nasa veranda kami ng palasyo, katabi ko ngayon ang hara na pilit na pinipigilan ang emosiyon, nasa tabi niya ang tatlong konsilyo o mambabatas ng kahariang ito habang nasa baba ang mga mamamayan ng Xeria na ngayon ay nagluluksa dahil sa namayapa kong ama."Gusto ko ng magpahinga," malamig kong saad na naging dahilan upang mapunta sa akin ang attensiyon ng mga nasa taas. Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin
Read more
Chapter 8
ANGELICA POV        "Devashtaji isa kang taksil! Hindi ako makakapayag na magtagumpay ka sa binabalak mo! Haaya!" Mariin na sigaw ni Lucas at awtomatikong tumaas ang aking kilay nang makita ko ang gigil na paghiwa ang mansanas gamit ang kaniyang espada. Napailing-iling na lamang ako sa itsura nito na animo'y may nagawang kasalanan ang masanas dahil sa talim ng titig nito. "Sa wakas patay na ang kalaban! Lahat gagawin oo para sa Xeria! para sa Xeria! hahahahaha! Siya nga pala mansanas para sa'yo mahal na haleya," natutuwang ani nito habang iniaabot sa akin ang piraso ng mansanas na marahan kong inabot. "Palaisipan pa rin sa akin kung bakit mo tinanggihan ang trono? Kung nasaktan ka dahil sa sinabi ng mga konsil—" "Angelica!" Hindi na naituloy ni Lucas ang
Read more
Chapter 9
ANGELICA POV          Taas noo akong naglalakad papasok ng palasyo habang binabalelwala ang higpit ng posas na nakapulupot sa mga kamay ko. Sa paraan ng pagtitig ng mga nilalang na aking nadadaanan, mukhang nakarating na sa kanila ang mainit na balita na nagpapalisik sa kanilang mga mata. Napangiwi na lamang ako sa kanilang reaksyon, sinong mag-aakala na ganito kabilis kumalat ang isang balita kahit walang teknolohiya, kamangha-mangha."Bigay pugay!" dinig kong sigaw ng isang kawal nang marating ko ang napakalaking pintuan na dahan-dahang bumubukas kung kaya't taas noo akong tumindig saka maawtoridad na naglakad papunta sa gitna ng bulwagan. Hindi ko itinungo ang aking ulo simula noong marating ko ang palasyo. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili, paparusahan at linabag ko ang sinasamba nilang b
Read more
DMCA.com Protection Status