CEO's Obsession

CEO's Obsession

By:  MissBangs001  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
5 ratings
106Chapters
57.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Gaea ay isang romance writer, ngunit hindi kaagad ito nakakabuo ng ideya kapag walang inspirasyon. Kaya nang maghiwalay sila ng kanyang nobyo ay natigil siya sa pagsusulat sa loob ng tatlong buwan. Dahil sa pananakot ng amo niya na matatanggalan siya ng trabaho kapag hindi pa siya nakapasa ng manuscript sa susunod na linggo ay napilitan siyang maghanap ng inspirasyon kasama ang kaibigan niyang si Samantha. Nakita na lamang niya ang sarili sa isang club at hinahabol ang lalaking gusto niyang maging parte ng kanyang bagong libro na isinusulat. Sumang-ayon naman ito pero sa isang kondisyon, iyon ay ang ibigay niya ang katawan sa bawat session na kanilang gagawin. Makakaya kaya niyang ibigay ang hiling nito? Paano na siya kapag natapos ang kwentong isinusulat niya? Mau mabubuo bang pag-ibig sa kanilang dalawa?

View More
CEO's Obsession Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
user avatar
Marlyn Alaman
nice story
2023-09-25 16:12:02
1
default avatar
Selena W Lin
Please translate this book to English. I would love to read it. :)
2023-06-27 00:56:11
2
user avatar
RIAN
Worth it basahin!
2022-09-08 08:52:22
1
user avatar
Evelyn Malto Laqui
paopen naman po ng chapter bg CEO OBSESSION please
2021-12-13 12:33:42
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2021-11-04 01:00:55
1
106 Chapters
CO 01:
•Gaea•"Samantha naman! Kailangan ko ng inspirasyon hindi ang maingay na lugar na iyon!" Napakamot ako sa batok ko nang bigla niya akong binatukan.Inilapag nito sa kama ang mga mini dress na napili at umupo sa aking tabi. Saglit ko lang siyang tinignan at ibinalik na sa screen ng laptop ko ang aking paningin.Kaninang umaga lang nakatanggap ako ng mensahe sa editor ko na ipapatanggal ako ni Boss Ricky kapag hindi pa ako nakapagsubmit ng bagong manuscript sa susunod na linggo."Kaya nga tayo pupunta sa club para humanap ng inspirasyon mo!" Naririnig ko naman siya pero hindi ko pa rin siya nililingon. Sumasakit ang ulo ko sa susunod na eksena dahil walang ideyang pumapasok sa utak ko. "Hello! Earth to my pretty Gaea?"Bumuntong-hininga at malungkot na tumingin sa kanya. Mahal ko ang trabaho ko at ayaw kong mawala iyon sa akin, pero simula nang maghiwalay kami ni Russu ay nawalan
Read more
CO 02:
•Gaia•Nakadapa lang ako sa kama habang tinitingnan ang screen ng laptop ko na wala pa ring laman kahit isang salita. Napapikit ako saglit habang inaalala ang mukha ni Clyden."Huy, magandang binibini! Isang linggo mo nang ginagawa 'yan." Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Samantha. "Tawagan mo na kasi!"Iminulat ko ang aking mata nang maramdaman ko ang mahinang pagdampi ng isang bagay sa aking braso. Nakita ko roon ang business card ni Clyden kaya kaagad ko iyong kinuha, saglit na tiningnan bago inilagay sa tabi ng laptop ko.Kahit pa sobrang gwapo ni Clyden ay di ko pa rin pwedeng ibigay sa kanya ang katawan ko. Makakakita rin ako ng ibang inspirasyon, dati naman di ko kailangan ng lalaki para lang makapag-sulat."Dahil may boyfriend ka naman noon!" Tiningnan ko si Samantha nang nakataas ang kilay. Naririnig niya ba ang sinasabi ko sa aking isipan? "Huy, baliw!
Read more
CO 03:
•Gaea•Pinagmamasdan ko lang si Clyden habang na nakatayo sa aking harapan. Ang gwapo nitong tingnan habang nakapamulsa at kagat ang ibabang labi."Paano tayo magsisimula kung nakaupo ka lang diyan?" Nanlalaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. "Bakit ang ganda mo pa rin kahit   nandidilat ka sa akin?""Are you flirting with me?" Tumawa lang ito at tumabi sa aking kinauupuan. "Sasabihin ko na sayo hindi ako mahuhulog sa ganyan—"Napatigil ako sa pagsasalita nang magdikit ang aming noo. Halos hindi ako makahinga habang nakatingin sa nangungusap niyang mata."Kahit ganito tayo kalapit?" nang-aakit niyang tanong. Napalunok ako at kaagad na iniwas ang tingin sa kanya. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata. "Nahuhulog ka na ba, Miss Gaea?"Mabilis ko itong itinulak palayo sa akin ng hindi ko maintindihan
Read more
CO 04:
•Gaea•Kanina pa ako nagsusulat at mabuti na lang at nakapagtapos ako ng anim na chapter ngayon. Mas mabilis ko yatang matatapos ang libro ko ngayon.Bumuntong-hininga ako bago pinuntahan si Clyden na nakatulog na sa sofa. Gusto nito sa kwarto niya ako magsulat dahil pagod daw siya sa trabaho, pero di ko siya pinagbigyan. Hirap ng magtiwala sa manyakis na'to!"Uuwi na ako," saad ko habang tinatapik ang kanyang tuhod. Nagising naman siya kaagad at nagkusot ng mata. Napangiti ako dahil sa itsura. Para itong inosenteng bata na ginigising ng kanyang ina. "Clyden, mag-aayos muna ako ng mga gamit ko sa apartment bago bumalik dito—""Ipagluto mo ako," mahina niyang saad. Tiningnan ko siya nang nakataas ang kilay. Gusto ko sana siyang pagalitan nang bigla nitong hinawakan ang tiyan niya. "Gutom na ako."Inismiran ko siya ngunit pumunta rin naman sa kusina para ipagluto."Matututo pa yata akong mag-alaga ng bata nito," pagpaparinig ko sa kanya.  "Clyd
Read more
C0 05:
•Gaea•Inimbitahan ko sa loob ng apartment si Clyden dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumakalma. Nakakuyom ang mga kamao nito habang namumula ang buo niyang mukha. Kumuha ako ng maginaw na tubig sa loob ng ref at ibinigay iyon sa kanya. Tiningnan muna niya ang kamay ko na may hawak na baso bago ako tiningala nang nakakunot-noo. "Anong gagawin ko d'yan?" Hindi ko siya sinagot sa halip ay kinuha ko ang dalawa niyang kamay at inilagay roon ang baso. "Hindi ako nauuhaw, Gaea—" Umikot ang aking mata bago siya tinaasan ng kilay. "Inumin mo iyan para naman kumalma ka," naiinis kong saad sa kanya. Tiningnan naman ako nito na para bang nababaliw na ako. "Kalmado naman ako, ah?" seryoso niyang sambit. Umupo ako sa tabi nito at inakbayan siya, iyong mahigpit na akbay. "Bakit? Ano na naman ang kasalanan ko?" Sa halip na tanggalin
Read more
CO 06:
•Gaea• Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto. Kinuha ko ang laptop ko, dumapa sa aking kama at nagsimula nang magsulat. Mas mabilis matapos, mas maayos para makapagpahinga ako kaagad.  Pakanta-kanta pa ako habang nagta-type, ngunit nang matigil ako at mabasa ulit ang aking ginagawa ay halos mapatili ako sa sobrang inis. Paano ba naman isinusulat ko iyong ginawa kanina sa akin ni Clyden. Nanayo ang balahibo ko at umupo sa aking kama. Bakit ko ba naiisip ang lalaking iyon bukod sa estranghero siya sa akin ay isa rin siyang pervert. "Pretty Gaea?" Napatingin ako sa aking pintuan nang marinig doon ang boses ni Samantha. Hindi pa ako nakakasagot nang binuksan niya ang pinto. Tumingin ito sa akin at bigla na lang kumunot ang kanyang makinis na noo. "Bakit ka namumula d'yan?" "Ha?" gulat kong usal at hinawakan ang aking pisngi. Ma
Read more
CO 07:
•Gaea•   Cheating? Nanlalaki ang mga mata ko di Makapaniwala sa kanyang sinabi. Hindi ko naman aakalain na si Russu pala ang kakilala ni Cybell.   "I-I just need to talk to him," nauutal kong saad. Hindi ko mapigilang kabahan lalo na sa mga tinging ipinupukol niya sa akin. "Wait for me."     Maglalakad na sana ako papunta kay Russu nang inilagay nito ang kanyang kamay sa aking ulo, at idiniin iyon para di ako makagalaw.   Sinamaan ko siya ng tingin. May mga tao pa naman sa loob ng coffee shop at tumitingin sa amin.   "Anong ginagawa mo, Clyden?!" inis kong tanong sa kanya. Ngumisi lang siya at mas inilapit ang kanyang ulo sa akin hanggang sa tumama ang kanyang labi sa aking baba na malapit sa kaliwa kong tainga.   Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon. "I hate it." Kumunot ang noo ko sa sinabi niy
Read more
CO 08:
•Gaea•Akala ko ay iuuwi muna ako nito sa apartment para kumuha ng gamit, ngunit bigla itong lumiko sa may Binondo, at huminto sa may Keanston. Kung saan nakapwesto ang kompanyang Lee Empire, Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya. "Anong gagawin natin dito, Clyden?" Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ako ngayon ng pinakamalaking kompanya sa Y City. "Magka-kape?" taas-kilay niyang tanong sa akin. Napangiwi ako dahil sa isinagot niya, sarap lang tampalin iyong pagmu-mukha, nagtatanong nang maayos iyong tao, eh. "Alam mo naman na kailangan ko ng pera para sa pamilya ko—" Nahinto ako sa pagsasalita nang tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang isang daliri.  "Give me their number and name of your mom. Iuutos ko na lang sa sekretarya ko," seryoso niyang usal. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya, ano na naman kaya ang kap
Read more
CO 09:
•Gaea•   Simula nang makaupo si Clyden sa harapan ng kanyang mesa ay pareho na kaming naging abala. Hindi naman ako nagre-reklamo roon, dahil mas gusto ko naman ang tahimik na lugar kapag nagsusulat.   Tumayo ako saglit para kumuha ng kape sa pantry. Hindi naman ako nakakatagal sa pagsusulat kapag wala akong kape. Halos makaubos ako ng limang baso sa isang araw. Pagkatapos kong mag-timpla ay bumalik na ako sa sofa, kumunot ang aking noo nang makita si Clyden na nakatayo na ngayon sa may glass window nito at may kausap sa cellphone.   Hinayaan ko na lang ito at bumalik na sa aking kinauupuan. Magtitipa na sana ako ulit nang napansin ko na nawala ang cellphone ko na nasa tabi lang ng laptop ko kanina.   "Clyden, nakita mo ba rito ang cell—" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang cellphone na hawak niya. Kaparehang-kapareha iyon ng ginagamit ko ngayon. "Cellphone ko ba iyan?"  
Read more
CO 10:
•Gaea• Malapit na akong matapos sa ikalawang chapter na ginagawa ko nang lumapit si Clyden sa akin. Suot pa rin nito ang nakakainis na ngisi na ginamit niya kanina. Kung pwede ko lang itong pagalitan ng husto ay ginawa ko na.  "May kailangan ka ba?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Itinukod nito ang kanyang dalawang kamay sa aking mesa at tiningnan ako sa mata. "I don't want to waste my time, Mr. Lee, so if you—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang itong nagsalita. "Would you mind if I invite you for lunch?" Mabilis na dumapo ang aking mata sa relo kong suot dahil sa sinabi niya. Hindi ko man lang namalayan ang oras. "So?" Kumakalam na iyong sikmura ko pero gusto ko sanang matapos muna ang chapter na isinusulat ko ngayon at baka makalimutan ko ang susunod na mangyayari rito. Minsan talaga kapag tumatayo na ako sa mesa ko kahit hindi ko pa t
Read more
DMCA.com Protection Status