My Mr. Perfect (Girlfriend Series #1)

My Mr. Perfect (Girlfriend Series #1)

By:  _juztine_  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
0.0
Not enough ratings
51Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

She was head over heels in love with her bestfriend. A love that never reciprocated. She thought her heart belongs only to him until she met their university's 'Mr. Perfect'. She fell hopelessly in love with him. Will she finally be loved back? Or will she suffer from another heartbreak? Mr. Perfect? Or so she thought...

View More
My Mr. Perfect (Girlfriend Series #1) Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
51 Chapters
Chapter 1
Jazmin's POV"Oh my god! Jazmin, wake up! Nagising na ang mga kapitbahay pati mga nananahimik na patay sa ingay ng alarm mo pero ikaw tulog na tulog pa din!" Maktol ni Jen, kaibigan at ka roommate ko.Unti-unti kong binuksan ang namimigat ko pang mga talukap at hinagilap ang cellphone kong nag-iingay at agad na
Read more
Chapter 2
Lumipas ng matulin ang mga araw at patapos na naman ang second semester! At syempre itong huling limang araw ang pinaka toxic sa lahat dahil finals na! Busy ang lahat sa pag re review. Tulad nga namin ni Jen ngayon."Ang sakit na ng ulo ko Jaz! Di ko talaga maintindihan to!" She exclaimed. She’s taking up civil engineering at tulad ko ay nasa 2nd year na din."Eh bat ka ba kasi nag engineering eh alam mo namang pareho lang tayong kamote pagdating sa mga numero na yan." Talak ko sa kanya at napailing na lang."Wala naman akong magagawa dahil yun ang gusto ni daddy." Nakasimangot niyang sabi."Na ginusto mo din." Binigyang diin ko pa talaga dahil hindi naman siya pinilit. Pero dahil ayaw niyang ma disappoint ang dad niya ay yun na nga din ang kinuha niyang kurso.Isa kasing successful civil engineer ang daddy nya sa isa sa pinaka malaking kumpanya sa Manila.Umalis ako mula sa aking k
Read more
Chapter 3
"PUNO lahat ng taxi na dumadaan! Ano ba yan! Late na tayo!" Sabay kaway sa mga taxi na dumadaan si Max. Buti na lang at malamig dito sa Baguio at hindi kami pagpapawisan sa paghihintay ng taxi. Ganto kasi dito usually kapag natatapos ang finals. Puro party din ang mga estudyanteng tulad namin. Gusto lang din mag relax at mag unwind.Napansin kong may lumabas na kotseng itim sa gate ng katabi naming apartment. At nagulat ako nang bumusina ito nang tumapat sa amin at tumigil.Unti-unti namang binaba ang tinted window."Hi! Wow! Ang gaganda nyo naman!" Sabi ng lalaki na nag da drive.Siya din yung bolero na nag hi sakin nung nakaraan sa terrace! Napaka gwapo niya at mukha namang friendly. Tsinito sya at matangos ang ilong. May dimples pa sa magkabilaang pisngi.Pero ang talagang kumuha ng atensyon ko ay ang lalaking nakaupo sa passenger's seat. Diretso kasi ang tingin at di man lang nag abalang tumingin. Suplado. At napagtanto ko nga k
Read more
Chapter 4
NANG nakalapit siya, umupo sya sa may tapat ko. Katabi ko naman si Von. Diko maintindihan ang sarili ko o dahil tamado na ako sa alak na nilaklak ko, lalo syang gumwapo sa paningin ko. Para akong na engkanto! Para kasi siyang greek god! At di hamak na mas gwapo siya sa malapitan. Patataubin nito ang mga sikat na artista! Matangkad pa, siguro mga 5'11 o abot sa 6 ft ang height nito. How come di ko siya nakikita sa university? Or baka naman sa ibang university sila. Kasi imposible naman na hindi ko mapansin tong mga lalaking to sa lakas ng dating nila lalo na syempre itong suplado.Eh paano, iisang lalaki lang naman nakikita mo? Sabi ng sutil kong brain!Hay ano ba, naalala ko na naman tuloy siya! Erase! Kelangan kong mag enjoy sa gabing to! Hindi pwedeng siya na lang palagi ang masaya. Samantalang ako ay laging wasak ang puso.Naputol ang iniisip ko nang biglang tumikhim si Von. Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko dahil nakatitig na pala ako sa
Read more
Chapter 5
His lips felt soft and warm against mine. So, this is how it feels like to be kissed..finally! But wait, I suddenly felt the urge to throw up! Teka, huwag naman ngayon. Sandali lang! Bakit hindi ako makagalaw? Baka masukahan ko siya, nakakahiya! Bakit para akong naipako sa kinatatayuan ko? Nagmulat siya ng mata at nakatitig lang sa akin. Wala siyang kahit anumang reaksyon! M-may problema kaya? Hindi ko na kaya, nasusuka na talaga ako! Pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Sana panaginip lang to! Paulit ulit kong inusal na sana nga ay isang panaginip lang to! Hanggang sa hindi ko na talaga kaya at.."Ouch!" Ungol ko dahil bigla akong nagising. Ang sakit ng ulo ko! Hangover is real! Nakapikit ko namang hinahagilap ang cellphone ko at titignan ko kung anong oras na. Bakit kaya ang sama ng pakiramdam ko? Bago ko pa mahawakan ang cellphone ko ay bigla kong naalala an
Read more
Chapter 6
Alas diyes na ng umaga pero tinatamad pa akong bumangon. Maaliwalas ang panahon at pumasok na talaga ang sinag ng araw dito sa kwarto dahil nakalimutan kong isara ang kurtina kagabi. Ito yung mga panahon na masarap sana mag swimming dahil paniguradong mainit sa labas. Summer na summer na talaga.Tuesday ngayon at pangalawang araw ko dito sa bahay ni tita pero para akong nababagot at gusto ko na agad umakyat ng Baguio. Wala din naman kasi akong ginawa kundi humilata dito sa kama buong araw. May klase pa kasi si tita at Andrew kaya wala akong kasama  buong araw.Ay sus ang sabihin mo andun kasi si myloves mo at nami-miss mo na kahit di man lang nagpaparamdam sayo."Haaay! Kung ayaw mo wag mo!!!" Para akong siraulong kinakausap ang sarili ko. Nakagigil kasi si Jeff at hindi na naman nagpaparamdam. Dati naman ay siya tong laging nangungulit. Bigla na naman tuloy akong dinalaw ng lungkot.Dumapa ako at pinanggigilan
Read more
Chapter 7
"Hello, 'my?" Sagot ko, tumatawag si mommy. "Hi anak! Nakarating ka na ba?" Tanong niya sa kabilang linya. Lagi ko kasi ina-update ang mommy ko sa mga ganap ng buhay ko. Kararating namin dito sa Baguio. Ang bilis natapos ng bakasyon. "Heto po 'my kararating lang. Tawag na lang po ako mamaya kasi pababa na po kami ng bus." "Okay, thank God at nakarating ka ng maayos anak. Mag iingat ka palagi diyan ha? I miss you anak. Sige na at papasok na din ako. I love you nak!" Papasok na din siya sa work. Nami-miss ko na ang mommy ko pero wala naman akong magagagawa. Kaya ko din pinag-iigihan ang pag-aaral ko para hindi na kami magkakalayo pa. Mag tu- two years nang di nakakauwi si mommy kaya malapit na ulit siyang mag bakasyon. Every two years kasi ay umuuwi siya. Nasa early 40s pa lang ang mommy ko pero di na din siya nag asawa pang muli. Okay lang naman sa akin kung sakaling umibig pa siya. Ang kaligayahan niya ay kaligay
Read more
Chapter 8
Me: Nakapagpa enroll ka na ba?Tinext ko si Jeff. Diko matiis!After 30 minutes, nag reply naman.Jeff: Hindi pa. Sabay na tayo bukas. Kita tayo sa main gate. 1 pm sharp.Me: okay, see you.Di man lang mangumusta kahit sana bilang bestfriend man lang. Kung hindi ako ang unang mag ti text, di na ata niya ako maaalala. Sakit sa heart. Oo naman, nasasaktan pa din ako. First love ko eh. Dapat na lang ba akong magpasalamat kasi atleast naman siya ang nag initiate na sabay kami mag enroll?  Pero sa kabilang banda naman ng isip ko..tinanong ko kasi kaya siguro nag magandang loob na lang na isabay ako.Napabuntong hininga na lang ako. Ilang taon na din akong in love sa best friend ko. Transferee ako noong second year high school sa school nila. Dati kasi kami sa Quezon City pero nang
Read more
Chapter 9
Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami. Buti hindi naman awkward kahit bago pa lang namin sila kakilala. Pakiramdam ko nga matagal na kaming magkakakilala. Masaya silang kasama, puro lang kami tawanan.Pati nga si Niko ay nakiki join sa kantyawan ng mga kaibigan niya. Diko akalaing kalog din pala siya na malayo sa personality ng Niko na una kong nakilala. Sabagay bago ko pa lang naman siya nakilala."Saan ang next, guys?" Tanong ni Erik na halatang inaantok na. Nakahiga siya sa may damuhan at maging si Von, nakaunan sila sa mga braso nila. Nakaupo naman kami. Nakaka antok dahil nabusog kami masyado. "Saan niyo gustong pumunta, Jaz?" Tanong naman ni Niko sa akin. Magkatabi kaming nakaupo at nakasandal sa puno. Unti-unti akong nagiging komportable sa kanya."Hmm? Rest muna tayo dito at mukhang inaantok si Von at Erik." Sabi ko naman sa kanya. Si Jeremy  naman ay parang walang pakialam sa
Read more
Chapter 10
Mabilis na dumaan ang mga araw. Patapos na ang summer class! Third year na kami sa first sem at magiging super busy na kami dahil mag du-duty na kami sa kung saan-saan na hospital.Nag iiwasan kami ni Jeff. Busy siya sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya kaya pinabayaan ko na lang. Kelangan ko na din talagang tanggapin para makapag move on na din ako at nang di na ako laging nasasaktan.Si Niko naman lagi akong sinusundo o sinasabay sa pagpasok kapag pareho kami ng schedule. Lagi din silang nagtatambay sa apartment. Minsan naman kami nila Max at Jen ang tumatambay sa kanila. Tutugtugan nila kami ng gitara. Nakakatuwa dahil masarap sa pakiramdam kasi para kang hinaharana!Namasyal din pala si tita Jelai at si Andrew nung nakaraan at nag stay sila dito ng one week. Nagtabi na lang kami ni Jen sa bed niya at tabi ang mag-ina sa bed ko. Nakilala din nila ang mga kaibigan namin sa kabilang apartment. At si tita naman lagi
Read more
DMCA.com Protection Status