Drifted to you

Drifted to you

By:  Mnémosynce  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
40Chapters
1.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Dahil sa isang dahon ng papel nagkakilala sina Sierra at Quirou, dalawang nilalang na hinubog ng magkaibang mundo. Isang nilalang na halos sumpain na ang pagkabuhay, at isa na iniibig ng lahat. Nagtagpo ang kanilang mga sulat isang umaga sa kabundukan, hanggang sa ang una ay nasundan pa, at nagtuloy tuloy pa. Hanggang saan sila kayang dalhin ng mga dahon ng papel? Hanggang saan ang kayang abutin ng mga salitang pinasayaw nila gamit ang tinta? Hanggang saan ang kayang ilaban ng mga pusong musmos pa sa walang kasiguraduhang bukas?

View More
Drifted to you Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
40 Chapters
Prologue
Maingay ang mga kuliglig, pati na rin ang mga ibon sa parang na wari ba'y nakikidalamhati sa bigat na aking nararamdaman. “Pagod na rin ako, Sierra,” banayad ngunit tila sigurado niyang sabi. Nang dahil sa isang dahon ng papel, nagkakilala kami. Ganoon lang kabilis, ganoon kabilis ko siyang nakilala at naging bahagi ng buhay ko, sana ganoon kabilis lang din siyang mawala sa sistema ko. Sana katulad ng dahon ng papel na mabilis na inanod ng tadhana sa akin sana ganoon lang din siya kadaling mawala sa akin, pero bakit ang bigat, ang hirap, ang sakit-sakit?Katulad ng kadalasang nangyayari sa mga musmos na pag-ibig, nahulog din kami sa ganitong usapan— ang pagtatapos.“Kung gayon ay...” sagot ko sa mas mahinang boses. “Ito na ang huli?”Muling nag-ingay ang mga ibon, maging ang hangin ay tila nagsasaad na ng matinding pagtutol ngunit may mga bagay lang talaga na mas maigi ng ‘wag ipagpatuloy
Read more
Chapter 1
"Napakatahimik niya at weird, baka may kung ano ng tumatakbo sa isip niyan." Tila humaba yata ang aking tainga sa aking narinig. Malakas na bulong iyon mula sa aking likuran.Naglalakad ako ngayon papunta sa aking pahingahan nang marinig ko ang mga binibining nag-uusap, hindi naman sana maaagaw ng kanilang hindi kagandahang tinig ang aking atensyon kung hindi lamang ako pamilyar sa kanilang pinag-uusapan."Hindi niya man lang naisipang itali ang buhok niyang umabot na sa tuhod. Ang creepy!" bulong ng isa pang babae."Bakit ba gumagala 'yan? Baka may lumuwag pala na turnilyo diyan sa utak niya kaya di nagsasalita, bigla na lang mananakmal."Di ko na napigilan pa ang sarili ko, napalingon na ako sa nagsalita. Isang babaing sa wari ko ay edad labing anim, may kahabaan ang itim na buhok at bilugan ang mata. Nagmamadali itong nag-iwas ng tingin na para bang nahuli sa krimeng ginawa.Ramdam ko rin ang mga mata ng mga kausap niya na nang tingnan ko ay sabay-sa
Read more
Chapter 2
01-12-15Maingay man ang mundo at magulo ay mayroong kapayapaan. May liwanag sa gitna ng dilim. Kung may mga mapanghusga ay mayroon namang mapang-unawa, maaaring hindi mo man nababatid ngunit mayroong nakakaunawa sa iyo. Cheer up, Sierra!-QuirouPagdating ko kanina dito ay hindi ko napansin ang sulat na 'yon, nakapaskil ito sa punong sinasandalan ko, kung hindi ako sumandal doon marahil ay hindi ko rin iyon mapapansin. Nakasulat ito sa isang malinis na dahon ng papel. Maaga akong nagising kaya nagdesisyon akong magpahinga muna sa aking tambayan. Hindi pa masakit ang pagtama ng araw sa aking balat ngunit pakiramdaman ko ay nag-iinit ang aking ulo, saan nanggaling ang sulat na ito? Alam pa pati ang pangngalan ko. Stalker ko ba ito?Kinalma ko ang aking sarili. Binasa kong muli ang sulat at paulit-ulit na inintindi ang nilalaman. Napalitan ng ngiti ang kanina'y pagdikit ng aking mga labi. Pinalalakas niya ang loob ko, nauunawaan niya ako, at na
Read more
Chapter 3
03-01-15 Nasanay ako sa bangis ng tigre sa kagubatan, sanay akong masaktan ng tigreng iyon ngunit isang araw nakita ko ang baboy ramo na sinasaktan ang parehong tigre na nanakit sa akin. Nasasaktan ako at nag-aalala para sa tigre. Mahal ko ang tigreng iyon. -Sierra 03-02-15 Punong puno ka ng metapora, mahilig ka sa tayutay, ngunit nais kong malaman mo na hindi lahat ng problema at kaisipan ay nararapat mong ipagdamdam at alalahanin. Masyado ng mabigat ang palayok na hawak mo, 'wag mo ng dagdagan pa, sa halip ay kumalma ka. Kalma, Sierra. -Quirou 03-11-15 Salamat, Quirou! Ikaw? Wala ka bang nais na ibahagi? Mainit ngayon at nakakapagod umakyat dito sa bundok? Maiintindihan ko kung di ka makakasagot sa mga sulat ko minsan. Kumusta ka naman pala? Ibahagi mo sa akin ang ilang parte ng iyong buhay. -Sierra 03-12-15 Walang anuman, Sierra. Masaya ako sa kung anong meron sa buhay ko at mas naging masaya
Read more
Chapter 4
"Quirou?" hindi makapaniwala kong tanong.  "Ikinagagalak kong makilala ka, Sierra." Naglalaro pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi niya.  Hindi ko kailan man inasahan na may makakatagpo akong ganito kakisig na nilalang, sanay akong makakita ng makisig sa telebisyon ngunit sa ganito kalapit ay nakakatulala.  Nakakahiyang titigan ang mahahaba niyang pilikmata na mas mahaba pa nga siguro sa akin. Umangkop naman iyon sa makapal niyang kilay at sa matangos niyang ilong na parang bibihira sa mga purong Pilipino. At sa labi niya ay may di maalis na ngiti, dumagdag sa kakisigan niya ang mga ngiting iyon at ang biloy niya sa kaliwang pisngi.  Paano pa kaya pag nagseryoso siya? Baka katulad ng kadalasang sabihin ng mga kasing edad ko, baka maihi na ako sa kilig.  "Sa ganyang paraan ka ba bumati sa isang kaibigan? Tititigan mo na lang ba ako, Sierra?" wika niya na k
Read more
Chapter 5
Maingay ang silid aralan namin kaya nagdesisyon akong lumabas na lang muna, bakante kasi ang skedyul namin ngayon. Alas diyes pa lang ngunit parang alas dose na dahil sa init ng araw. Bahagya ko munang ipinusod ang hanggang tuhod kong buhok. Saka ako naghanap ng pwesto na pwede kong upuan, magsusulat na lang ako. Isang upuan sa lilim ng puno sa likod ng silid aralan namin ang nakita ko, maingay pa rin pero hindi na gaano. Malakas ang himig ng mga dahon dito, at maingay din ang mga kulisap. Magandang pwesto nga. "Hi! Pwede ba akong tumabi sa'yo?" Isang babaing nakangiti ang lumapit sa akin, naka-pony tail ito at medyo weird ang fashion sense, malaking bilog na hikaw, pulseras na parang sa manghuhula, at kwintas na patong patong. Hindi siguro ako kilala ng babaing ito, hindi kasi natakot sa akin. "Pangako! Di ako mag-iingay! Magbabasa lang ako, tahimik ka kaya ikaw ang nilapitan ko. Ako nga pala si Razee! Gawin mo lang ang
Read more
Chapter 6
Umaawit ang mga ibon sa puno ng kaymito sa aming bakuran. May mga maya roon, at mayroon ding naliligaw na mga itim na kalapati, ngunit umaalis agad pag nakikita nilang teritoryo na iyon ng mga maya. Tipid akong napangiti, sa totoo lang ay hindi naman sila ang tinitingnan ko kanina pero nawili na rin akong tingnan sila. Nabaling lang sa kanila ang aking paningin, pero mas napangiti pa nila ako kaysa sa tinitingnan ko.Mataman akong nakatitig sa labas, nagmamasid sa kung ano ang nasa baba. Mula sa ikalawang palapag ng aming bahay ay inoobserbahan ko ang mga dumaraan at paparating na sasakyan. Ilang sandali na lang ay magdidilim na.Magga-gabi na ngunit wala pa rin sina mama. Sabado na, at Huwebes pa ng gabi sila umalis. Saan kaya sila nagpunta? Sana kahit ang konting impormasyon man lang na 'yon ay nalaman ko para di ako gaanong nag-aalala ngayon.Kinuha ko muli ang aking kwaderno at nagbasa ng nagbasa. Pinipilit kong ituon ang konsentrasyon ko r
Read more
Chapter 7
Halos tatlong oras kaming nag-ikot-ikot kagabi. Tumambay lang kami saglit sa mga pasyalan, at kumain. Gayunpaman ay sobrang naging masaya ako, unang pagkakataon ko 'yon na mahawakan ang oras at kalayaan ko. Masaya pala talagang maging malaya. Mas napangiti ako nang maalala ko ang kakulitan at pagiging malambing ni Quirou, hindi niya talaga binitawan ang kamay ko sa buong oras na magkasama kami, maliban na lang pag nagdadrive siya. Hiyang hiya ako sa namamawis kong kamay, pwede palang maging masaya sa nakakailang na pangyayari.Hanggang ngayon ay naiwan ang ngiting hatid ng ala-ala ng nangyari kagabi. Kung may pagkakataon, sana ay maulit iyon. Mas lalo akong napangiti sa mga ideya na pumasok sa isip ko, ngunit isang siko ang naramdaman ko sa aking tagiliran, siniko ako ng kapatid ko."Nakangiti ka na naman, nakatingin na sa'yo si mama. Yari ka," mapang-asar na bulong sa akin ni Ana. Sa edad nito ay pantay lang ang tangka
Read more
Chapter 8
Masarap na dumadampi sa aking ilong ang amoy ng aking kwaderno, nakayuko ako at nag-iisip. Alas dose na ngunit di pa rin ako nakakapag-isip. Wala kaming pasok ngayong hapon ngunit gusto kong makita si Quirou, kung mananatili ako sa bahay ay hindi kami magtatagpo. Nag-isip ako ng mga posible kong gawin para makaalis sa bahay habang nakahiga ako at nakapatong sa aking mukha ang aking bukas na kwaderno.Paano ako lalabas ng walang tanong mula sa aking ina? Ayokong magsinungaling, paano ba? Pinadyak ko ang aking paa sa ere, ginalaw ko ang aking mga kamay, baka makapag-isip ako sa paraang ganito. Makalipas ang ilang segundo ay bigla na lang akong bumangon, nalaglag ang aking kwaderno sa aking kandungan na ikinatawa ko.May ideyang pumasok sa isip ko. Di ko yata matatagalan na di makita si Quirou ngayong araw na ito. Gusto ko siyang makita. Nangingiti ako sa ideya na magtatagpo ang mga mata namin, tapos ay hahawakan niya ang mga kamay ko. Di ak
Read more
Chapter 9
Tahimik ang bahay pag-uwi ko, walang nagtatalong Shawie at Ana, wala rin akong narinig na pag-iinarte mula kay Shano. Nakakapagtaka ito at medyo nakakagulat. Nang tuluyan akong makapasok ay saka ko napansing wala palang tao sa bahay. "Nasaan na naman kaya sila?" mahinang bulong ko. Pinulot ko ang mga nagkalat na laruan sa lapag, mga transformer na laruan at power rangers. Paniguradong kay Shano ito. Nasaan na ba sila? Gusto kong makatanggap ng maraming halik kay Shano ngayon. Naglinis na lang muna ako ng bahay at nagluto na rin habang naghihintay sa kanila, ngunit anong oras na ay wala pa ring bakas nila. Saan ba sila pumunta? Sa pagod marahil sa byahe at paglilinis ay di ko namalayang bumagsak na pala ang talukap ng mga mata ko habang nakahiga ako sa mahabang upuan sa sala. Hindi ko alam kung gaano kahaba ang tulog ko pero nagising ako nang maramdaman ko ang marahang pagdausdos ng isang kamay sa aking braso paakyat sa
Read more
DMCA.com Protection Status