My One and Only Love

My One and Only Love

By:  R.M.  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating
23Chapters
1.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Alexander Romano. Istrikto, dominante, at walang puso. Sa kabila ng ilan sa mga negative na ugali nito, marami padin ang nahuhumaling sa lalaki. Bakit ba naman hindi, bukod sa pagiging panganay na anak at taga pag mana ng Romano Corp. (isa sa pinaka malaki at kilalang kumpanya sa bansa), si Alexander ay marami na ding napatunayan sa sarili niya. Graduate ng Magna Cum Laude sa kursong BS Management Engineering at nakakuha ng maraming awards sa iba't ibang sports ng University na pinasukan, tulad ng swimming, lawn tennis at marami pang iba. May tangkad na 5'11, makakapal na kilay, mga matang kulay kape na tagos hanggang kaluluwa kung tumingin, ilong na makipot at matangos, at mga labing maninipis na ni minsan ata ay hindi dinapuan ng ngiti ngunit lalong bumagay sa pangahan nitong muka na nagbibigay ng 'mysterious' effect sa pagkatao nito. Maraming kababaihan ang nahuhumaling dito at inggit naman sa kalalakihan. Mga bagay na hindi alintana ng binata ngunit wala naman siyang pakielam sa mga opinyon at nararamdaman nito. Namumukod tanging si Jessica Pantaleon lang ang nakakakausap ng maayos dito bukod sa pamilya niya. Si Jessica ang kababata at bestfriend na din ni Alexander. Alam nito lahat ng pinagdaanan ng binata sa unang babaeng minahal na si Mara, kaya siya lang din ang nakakaintindi sa binata. Boyish pero maganda at sexy si Jessica. Natural na straight at itim ang kanyang buhok na hanggang bewang. Bagay sa balingkinitan na katawan, morenang kutis at 5'6 na height niya. NBSB siya at hindi din nagpakita ng interes sa mga nagtangkang manligaw dito. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagising nalang si Jessica sa tabi ni Alexander. Pareho silang walang suot na damit. Paano nalang ang mangyayari sa kanila lalo na ngayong bumalik na si Mara sa buhay ni Alexander?

View More
My One and Only Love Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
user avatar
Nestchell Digdigan Gutierrez
sana po may update maam
2022-10-03 11:59:15
0
23 Chapters
Chapter 1 The Start of it all
Alexander's POV   "Rise and shine!." Gising ni Jessica sa mahimbing na natutulog na si Alexander. "Hoy! Gumising ka na at baka malate pa tayo sa school." Pupungas pungas naman si Alexander na pinipilit bumangon pero humiga ulit pagkalipas ng ilang segundo. "Inaantok pa ko Jess. Pwede bang bigyan mo pa ko ng kahit 5 minutes? Lumabas ka muna ng kwarto". Sabi ni Alexander habang nakangudngod pa ang ulo sa unan. "Hindi pwede! Late ka na naman natulog kakakausap kay Mara. Kasalanan mo yan at hindi tayo pwedeng malate sa school ngayon dahil may exams tayo, ano ka ba?". Ani ni Jessica. Late na naman nakatulog si Alexander dahil kausap niya si Mara. Ang kaklase, kinakapatid at best friend na din ng bunso niyang kapatid na si Althea. Nasa 1st year college na si Alexander at Jessica habang nasa 2nd year high school palang sina Althea at Mara. Noong bata pa lamang sila, nakababatang kapatid lang din ang tingi
Read more
Chapter 2 Stubborn Heart
Jessica's POV   Hindi na mapakali si Jessica simula pa kanina sa kwarto ni Alexander. Simula kasi ng magkakilala sila at maging magkaibigan noong mga bata pa, ito ang unang beses na magkalapit ang mga muka nila ng ganun kalapit at iyon lang din ang unang beses na tinitigan siya ng ganun ka intense ni Alexander. Bata pa lang siya ay may crush na siya kay Alex. Kaya nga inalam niya ang mga gusto nito at inaral mabuti para meron siyang dahilan para makapag bonding kasama ang lalake. Nag kilos boyish din siya para hindi mahalata nito na may iba siyang intensyon sa pakikipag kaibigan dito at hindi din ito mailang sa presensya niya. Naging magkaklase sila simula elementary hanggang high school. First time ngayong college na hindi niya ito kasama sa ibang major subjects dahil magkaiba ang kursong kinuha nila. Kumuha ito ng BS Management Engineering dahil ito ang panganay na anak ng CEO ng Romano Corp at magiging taga pag mana ng kumpanya pag tagal at ka
Read more
Chapter 3 The harsh truth
Mabilis na lumipas ang apat na taon.Naghahanda na ang bawat estudyante sa pag aayos ng clearance, habang ang iba ay naghahabol pa ng grades para makapasa. Samantalang sila Alexander at Jessica ay kalmado lang at walang masyadong iniintindi.Sa darating na graduation kasi, si Alexander ang Magna Cum Laude at si Jessica naman ang Suma Cum Laude. Natapos na nila ng isang araw lang ang clearance nila at ngayon ay nagpapahinga nalang sila at nag iintay na lumipas ang araw.Hapon, malapit na ang uwian. Naiinip na si Jessica sa room nila kaya naglibot libot siya sa campus nila. Napadaan siya sa building ng Nursing. May narinig siyang nagsalita na babae sa loob ng isang bakanteng classroom. Pamilyar sa kanya ang boses nito kaya na-curious siya at dahan dahang lumapit."Naiintindihan ko ang nararamdaman mo para sa akin, at nagpapasalamat ako doon." Turan ni Mara. "Pero Kuya lang talaga ang tingin ko sayo at hindi na magbabago yun." Dugtong pa nito sa kausap.
Read more
Chapter 4 Facing reality
Makalipas ang ilang oras sa ganung pwesto, napagdesisyonan na din ni Alexander ang kumalas sa pagkakayakap kay Jessica at tumigil na sa pag iyak. Unang una sa lahat, hindi bagay sa isang katulad niya na may magandang image sa school nila ang umiyak dahil nareject ng isang babae, pangalawa, graduating naman na sila. Magiging busy na siya sa pag aaral kung paano patatakbuhin ang kumpanya at magkakaroon na siya ng dahilan para makalimutan si Mara. Malinaw na sa kanya na kaya hindi siya magustuhan ng dalaga ay dahil may ibang gusto ito. Pero sa dami ng lalake, bakit ang kapatid pa niya. Bakit si Aaron pa na palaging kakompitensya niya sa lahat ng bagay magmula ng maliliit pa lang sila. Naupo sa tabi ni Alexander si Jessica, hinawakan ang kamay ng binata saka tumitig dito ng makahulugan. " Kaya mo yan Lex, basta palagi mong tatandaan, nandito lang ako palagi, hinding hindi kita iiwanan." Sabi ni Jessica. Hindi na din napigilan ni Alexander na hawakan din ang kamay
Read more
Chapter 5 Dependent
Alexander's POVNatapos ang Graduation ceremony pero hindi na ulit bumalik si Jessica sa venue. Hanggang sa makauwi ay pilit na tinatawagan ni Alexander ang dalaga ngunit nakapatay ang phone nito. Sinubukan na din niyang tawagan ang kapatid nito pero wala namang sumasagot. Hindi na niya tinangkang kulitin ang mga ito pero late na siya nakatulog dahil sa guilt feelings niya para kay Jessica.Aminado si Alexander na naging selfish ang desisyon niyang pag punta ng America. Matapos kasi siyang ireject ni Mara, kinausap niya ang ama na gusto niyang magpakadalubhasa sa larangan ng negosyo nila at gusto niyang marami pang matutuhan. Nang tanungin siya nito kung ano ang nasa isipan niya, sinabi niyang pupunta siya ng America para kumuha ng magagandang experience sa kumpanya doon para mas mapalawak na din niya ang koneksyon pag siya na ang nagpalakad ng kumpanya.Labis namang ikinatuwa ng ama ang narinig mula sa panganay na anak, sa wakas ay nag seryoso na ito at mag fof
Read more
Chapter 6 My confidante
Jessica's POV Masamang masama ang loob ni Jessica kay Alexander. 15 years of friendship, but still, sa iba pa niya unang nalaman ang pag alis nito. And the worse part is, nalaman niya ito a day before his departure. Ang buong akala pa naman niya ay makakasama niya ito at magiging inspirasyon hanggang sa makamit niya ang pangarap na maging Doctor balang araw. Parang nagunaw ang mundo niya ng malaman ang plani nito na pag punta sa America. Nawala lahat ng excitement niya ng araw mismo ng graduation nila. Nawalan na din siya ng gana na tapusin ang seremonya kaya pinili na din niyang umalis nalang. Kinausap din niya ang kapatid na wag na wag sasagutin ang tawag ni Alex kung sakaling tumawag ito. Naguguluhan man pero sumang ayon nalang ang kapatid niyang si Jerry. Buong araw pinatay ni Jessica ang telepono niya. Hindi siya agad umuwi ng bahay sa takot na baka sundan siya ni Alex sa bahay nila at hindi niya alam kung paano haharapin ito, kaya nag ikot muna
Read more
Chapter 7 Hard to say Goodbye
Sabay sabay na napatingin ang mag anak na Romano sa ginawang pag tawag ni Jessica sa pangalan ni Alex.Lihim namang napangiti si Althea dahil alam niyang kanina pa ito iniintay ng kuya na at muntik ng mawalan ng pag asa na hindi ito dadating."Oh siya, doon lang muna kami ng makapag usap kayong dalawa" Sabi ng Papa ni Alex. "Yung oras Alexander ha? Baka hindi mo mapansin, maiwan ka pa ng eroplano." Dugtong pa nito at pagpapaalala sa anak."Opo Pa. Salamat". Magalang na sagot naman ni Alex sa ama.Lumapit si Jessica kay Alexander. Matagal silang nakatitig lang sa isa't isa at walang salitang lumalabas sa bibig nilang pareho. Wari'y nagtatantiyahan sila ng nararamdaman ng bawat isa at mukang parehong naubusan ng mga sasabihin. Maari rin naman na sa dami ng gusto nilang sabihin, hindi nila alam kung saan at paano sisimulan.Tinampal ni Jessica ang noo ni Alex at saka sinabing, "Ano? Magtititigan nalang ba tayo dito? Wala ka bang gustong sabihin saken?
Read more
Chapter 8 Secret Feelings
Althea's POVBatid ni Althea at ng buong pamilya nila ang nararamdaman ni Jessica para sa kapatid. Hindi ito magaling magtago ng pagmamahal para sa kuya niya pero siguro talagang manhid lang ang kuya niya para hindi mahalata iyon sa tagal ng pagiging magkaibigan ng dalawa.Sa totoo lang, gusto nila si Jessica para sa kuya niya pero iba ang napusuan ni Alexander. Nahulog ito sa matalik na kaibigan ni Althea na si Mara.Mabait din naman si Mara, mabuting tao ito at karapat dapat din maging parte ng pamilya nila. Ang kaso lang ay wala itong anumang nararamdaman para kay Alexander. Simula mag kaisip ito, tanging si Aaron lang ang nakita nito na tamang lalake para sa kanya. Si Aaron ang gitna sa magkakapatid na Romano. Isang taon lang ang pagitan nina Alexander at Aaron, kaya kung minsan, napagkakamalan pa ngang kambal ang dalawa.Alam ni Althea na mahal na mahal ni Mara si Aaron at ang sabi pa sa kanya ng kaibigan ay hinding hindi ito mag papakasal kung hindi
Read more
Chapter 9 We meet again
Jessica's POVMabilis na lumipas ang dalawang taon.Kasalukuyang nagtetake ng Master's Degree si Jessica. Isang taon nalang ay matatapos na niya ito at hindi na siya makapag intay na magsimula sa Doctoral's Degree niya. Pagkatapos nun ay magpapakadalubhasa naman siya sa pangarap na maging surgeon.Masaya si Jessica sa tinatakbo ng buhay niya. Nakikita na niya ang pag abot sa pangarap kahit maraming taon pa ang kailangan niyang gugulin para dito. Bukod doon ay constant ang communication nila ni Alexander kahit nasa ibang bansa ito.Tumatawag ang binata once a week sa pamilya nito at ganun din sa kanya. Simpleng kamustahan at biruan na hindi din nagtatagal dahil pagod din sila sa kanya kanya nilang araw. Pag tumawag ito sa gabi ay naghahanda na si Jessica na matulog habang ito naman ay naghahanda palang sa pag sisimula ng busy na araw nito.Sumunod na din dito ang kapatid na si Aaron pagkalipas lang ng isang taon na magpunta ito sa America, kaya hind
Read more
Chapter 10 The most awaited day
Mas mabilis ang dalawang linggo kesa sa dalawang taon, pero pakiramdam ni Jessica ay ilang dekada ang inintay niya sa araw ng pag uwi ni Alexander mula ng sabihin nitong uuwi na siya.Maya't maya ay nakatingin siya sa orasan at hindi gaanong nakapag focus sa summer class niya. Buti nalang ay nandoon din ang kaibigan na si Bridget at palagi siya nitong tinutulungan sa mga na missed niyang lessons nila.Nakilala lang din niya sa summer class si Bridget at mabilis naman silang nagkasundo. Bukod sa kaugali ito ni Alexander na masayang kasama, katulad din niya itong walang kaarte arte sa katawan. Hindi ito pala make-up pero maganda ang dalaga. Mabilis silang nagkasundo at masasabi niyang isa itong anghel na bumaba sa lupa dahil kahit papaano ay hindi siya masyadong nalungkot sa dalawang taon na nakalipas na wala si Alexander sa tabi niya.Pero iba ang nakalipas na dalawang linggo. Para bang napakabagal ng oras at gustong gusto na niyang hilahin ito para matapos na ng
Read more
DMCA.com Protection Status