The Nerd's Diary

The Nerd's Diary

By:  Frindel Kindel  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel4goodnovel
0.0
Not enough ratings
11Chapters
1.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ken Zanders is the Civil engineering student and dean's lister of Xavier University but he is weirdo and introverted; he is often the subject of pranks and bully of his classmates and mostly the team of Nico, the Alpha team. While Julie, his childhood friend and classmate, always defends him against bullies. In the first time, Ken falls in love when he met the lady named Irish, the famous vlogger in the campus. That time when they are in relationships, Irish has changed him completely by his hygiene and conducts. Everyone surprises for his new version and transformation. Although, Ken was broken after he was cheated by Irish. On the other note, Julie secretly admires Ken and she wrote their Childhood's reminiscence until they have grown up. That time during the submission of the lectures, Julie unfortunately submitted her diary without knowing Ken read her diary. Whose love will win? Will it be a love at first sight? Or a love from Childhood?

View More
The Nerd's Diary Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
11 Chapters
Chapter 1 (The damn day)
Mahimbing ang tulog ni Ken nang biglang kumuliling ang alarm clock ng kanyang cellphone. Naalipungatan s'ya mula sa pagbangon nito na nakadapa sa kanyang kama, at may sleep mask na nakapiring sa kanyang mga mata. Bahagyang ibinaba ang sleep mask, at pinatay ang tumutunog n'yang alarm clock. Suot nito ang damit pantulog na abot palad at talampakan ang haba.Antok na antok pa rin siya kaya muli itong humiga at nagtakda ng panibagong oras sa kanyang alarm clock at muling sinuot ang piring. Isang sandali ang nakalipas nang tila may narinig s'yang kruk-kruk o mahinang tunog malapit sa kanyang kama ngunit pinagsawalang bahala na lamang niya ito dahil sa sobrang antok at di pa kayang idilat ang kanyang mga mata. Siya ay tila nananaginip ng pantasya. Mga ilang sandali lang ang lumipas nang di n'ya namalayang may sumagi sa kanyang naka-brace na ngipin at tuluyang dumaloy sa kanyang nakangangang bibig na animoy isang masangsang na krema. Mga ilang segundo pa ang nakalipas nang big
Read more
Chapter 2 (Romance in the bus)
Mabagal ang maneho ng school bus dahil sa daloy ng trapiko subalit hindi alintana ang pagkainip ng mga studyante sa halip pinuno ito ng ingay at tawanan. May kanya-kanya silang gawain at estilo sa buhay na tila walang pakialamanan. May nagkakantahan, may nagkukuwentuhan, may tugtugan at kulitan, at meron din namang abala sa pagsi-cellphone at pagre-review habang nasa biyahe. Bagama't tahimik na nanood ng vlog video si Bethany katabi si Jerry na abala rin sa paglalaro ng online game. "Jerry, tingnan mo! Maraming views na 'yong ginawa nating prank kay kuya!" natutuwang bulong ni Bethany. "Lagot ka n'yan kay Kuya, ate. Magagalit 'yon 'pag napanood 'yan," malumanay na sagot ni Jerry habang nanood. "Prank lang naman 'to, e," sagot ni Bethany. Samantalang may isang studyante, na nagngangalang Kyle Rodriguez, ang lumapit at pinausog nito ang isa sa mga tropa nito sa kabilang upuan katapat ni Jerry at nakiupo. Nakasuot ito ng uniporme at may pulang sombre
Read more
Chapter 3 (Ken's encounter)
Bumababa si Ken mula sa sinakyang bus, at nadapa dahil naapakan nito ang nakalawlaw na sintas ng kanyang sapatos at agad n'ya itong itinali bagama't nagsitawanan ang mga estudyante sa labas ng gate mula sa kanyang pagkakadapa. Si Ken Zanders o mas kilala sa tawag na Ken ay nasa ika-apat na taon sa kolehiyo, at nag-aaral ng Civil Engineering at isang Varsity player ng badminton sa kanilang campus.Siya ay matalino, magaling sa klase at isang Dean's lister mula noong freshman hanggang third year college sa kanilang campus ngunit madalas tuksuhin ng mga kaklase nito dahil patpatin, badoy manamit, naka-brace ang ngipin at may sariling mundo na kung tawagin ay "Nerd" sa kanilang campus.  Pumasok siya sa sports room patungong locker upang ilagay ang kanyang sports attire at ang dala nitong badminton subalit lumapit ang kanyang mga kaklase na sina Nico Alvarez kasama ang tropa nitong sina Jeremiah Cruz at Jericho Enriquez na pinakamalapit tropa at matalik niya ring
Read more
Chapter 4 (The hilarious posts)
Mag-aalas sinko na ng hapon nang dumating si Ken sa kanilang bahay galing sa paaralan. Suot nito ang sports attire na noo'y naglaro ng badminton rehearsal. Nadatnan niyang nag-aalis at nagsusungkit ng mga sinampay si Aling Cora sa kanilang bakuran at lumapit ito upang magmano. Nakatalikod si Aling Cora habang abala sa ginagawa kaya kinalabit n'ya ito. "Mano po, Aling Cora," magalang na sabi ni Ken."Nan d'yan kana pala, Ken." Sandaling iniabot nito ang kanyang kanang kamay kay Ken habang hawak naman ng kabila ang naka-hanger na sinampay. "Salamat, pagpalain ka ng Diyos.""May nalabhan po ba kayong damit pang-sports?" mahinahong tanong ni Ken. "Oo, natuyo na. Isinilong ko na do'n sa loob." "Salamat po," sabi ni Ken. "Ah, sige," sabi ni Aling Cora habang patuloy sa ginagawa. Matamlay at pagod na pumasok si Ken sa loob ng kanilang bahay, at nadatnan niyang walang tao sa roon kaya sandaling lumabas upang tanungin si Aling Cora. Nakita n
Read more
Chapter 5 (Bethy's realization)
Magha-hating gabi na nang hindi pa rin makatulog si Bethany habang tahimik na natutulog ang mga kasama nito sa kwarto ni Franchesca. Siya ay nagmumuni-muni sa kabila ng nangyaring alitan sapagkat napagtanto nito ang pangungutya at masasakit na salitang binitawan ni Xyra na tumusok sa kanyang dibdib na patungkol sa cyberbullying na kung saan kabilang ang kanyang nakakatandang kapatid na si Ken. Bumangon siya sa kama na noo'y magkatabing natutulog kasama si Franchesca habang sa kabilang kama naman ang kambal. Binuksan nito ang pinto habang dala nito ang laptop at ang naka-shut down niyang cellphone na noo'y hindi man lang nahawakan at ginamit sapagkat nagpokus na lamang ito sa thesis. Iniwanan nito ang kwarto habang mahimbing na natutulog ang kambal subalit naidilat naman ni Franchesca ang kanyang mata dahil sa bahagyang kalantog ng pinto.Tuluyang naggising si Franchesca, mga ilang minuto ang lumipas, bumangon din ito sa kama at sinundan si Bethany kung saan siya naroroon
Read more
Chapter 6 (Mother's heart)
Alas nuwebe na ng umaga subalit mahimbing pa rin ang tulog ni Ken na nakahilata at nakanganga sa kanyang kama. Yakap nito ang libro sa subject na environmental engineering na noo'y nag-review para sa prelim exam nito bagama't nakakalat naman ang mga notebook na pagmamay-ari ng alpha team sa mesa nito na ginawa niya noong hating gabi. Malakas ang hilik nito at tuluyang sumagi sa kanyang pisngi ang tumutulo niyang laway ngunit di kalauna'y naggising ito mula sa malakas na katok sa kanyang pinto. Nailpungatan siya at inilapag nito ang yakap na libro sa mesa bagama't kinuha nito ang salamin sa mata at sinuot. Bumangon siya at tumayo mula sa kama at pinunasan niya ng kanyang palad ang iniinda niyang malapot na laway sa kanyang pisngi. Lumakad siya nang pakitong-kitong at may lutang na isip papuntang pinto bagama't noong buksan niya, laking gulat na lamang nito sa nakita. "Ahhh!" malakas niyang sigaw. "Itigil mo na nga 'yang kasisigaw mo para kang tanga
Read more
Chapter 7 (The mean guys)
Naglalakad nang mag-isa si Ken sa hallway patungong sports room subalit pinagbubulungbulungan siya, at pinagtatawanan ng mga estudyanteng naroon. Tila maraming mga mata ang nakitingin, at maraming hintuturo ang nakaturo sa kanya habang naglalakad mag-isa ngunit di niya na lamang ito pinansin, at patuloy na lamang siya sa paglalakad. Di kalauna'y pumasok na siya sa sports room, at tumungo sa locker upang ipasok ang mga gamit nitong dala datapwa't naririnig niya pa rin ang ngaw-ngaw ng mga estudyanteng naroon, at inda niya na siya ang pinag-uusapan ng mga ito kaya pinalabas niya na lamang sa kabilang taynga habang nagliligpit ng gamit sa locker bagama't biglang tumambad sa kanya ang Alpha team. "Hoy Ken! Nagawa mo ba 'yong assignment namin?" maangas na saad ni Nico at umakbay sa kanya habang nakapaligid rin ang ibang myembro ng Alpha team. "Ah... Oo, nagawa ko na," mahinahong tugon ni Ken. Kinuha nito ang mga notebook sa bag at iginawad nito sa Alpha team."
Read more
Chapter 8 (Pathetic nerd)
Natapos na ang klase sa subject ni Mrs. De Castro, at naglabasan na ang mga estudyante dito. Nag-uusap habang naglalakad naman sina Ken at ang mga kaibigan nito kasama si Andrew sa labas ng hallway, at di kalauna'y sandaling huminto malapit sa study area. "Salamat pala Andrew sa pagtulong mo kanina sa 'kin," aniya Ken."Oo nga pala, dahil sa 'yo nalaman namin kung sino 'yong naglagay ng paskil," sabad ni Julie. "Wala 'yon... Ginawa ko lang 'yon kasi 'yon ang tama. Kung hahayaan lang natin na maging mahina tayo lalo nila tayong aapihin.""Correct ka d'yan! Ang tapang mo kanina, ah. Di ako makapaniwalang kaya mo palang supalpalin 'yong mga gagong 'yon, " nanggigil na saad ni Gemmalyn. "Mga kupal na 'yon! Wala talagang magawa sa buhay kundi ang mang-alipusta ng kapwa. Sana matapos na ang paghahari-harian nila," nayayamot na saad ni Andy. "Kelan pa ba? E, matutupad lang 'yang hiling mo 'pag graduate na tayo at malamang lilisanin na natin 'tong X
Read more
Chapter 9 (No girlfriend since birth)
Biyernes na ng umaga nang biglang kumuliling ang alarm clock ng cellphone ni Ken na nakapatong sa mesa malapit sa kanyang kama. Nakahiga siyang nakatihaya at nakanganga at di kalauna'y kinamot niya ang nangangati niyang singit sa loob ng kanyang dilaw na may polka dots niyang pajama pants na terno rin sa suot niyang pantaas. Sunod-sunod ang tunog ng alarm clock niya sa cellphone ngunit di pa rin natitinag ang kanyang pagiging tulog mantika. Mamaya-maya pa ay kumuliling ulit ang alarm clock at di kalauna'y pinilit niya na ang sarili na gumising.Kaya naalipungatan siya mula sa pagkabangon at pagkakaupo nito sa kama na may itim na eye sleep mask na nakapiring sa kanyang mga mata subalit tila nakapikit pa rin ang mga mata nito mula sa pagkabangon. "Yes! It's Friday na! Saturday na naman bukas... Walang pasok! Thanks lord!" Sigaw niya na may namamaos na boses marahil may natuyong laway na bumara sa lalamunan niya sabay taas ng dalawang kamay. Tila dinilat nito ang k
Read more
Chapter 10 (In denial)
Bumaba si Ken ng hagdan galing sa library, dala niya ang libro sa engineering mechanics na noo'y hiniram niya roon, at di kalauna'y umupo siya sa may study area.Sandaling nagbuklat ng libro at nagbasa kahit maingay naman sa paligid niya dahil sa ngawngaw, katuwaan at tilian ng mga estudyante, bagama't biglang dumating si Andy at sandali siyang tumigil sa pagbabasa. "Hoy, Ken! Magla-lunch break na. Di ka pa ba magla-lunch?" bungad ni Andy. "Mamaya na, 15 minutes pa bago mag-lunch break... Review muna tayo.""Ang sipag mo mag-aral, baka malipasan ka ng gutom, magkakasakit ka n'yan," pag-aalalang wika ni Andy.  "May recitation kasi mamaya, kay ma'am Lopez. Sigurado ako, magko-call on nanaman 'yon," tugon ni Ken. "Oo nga pala. Pa-picture na lang ako ng topic." Agad kinuha ni Andy ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.  Bagama't nagkagulo ang ibang estudyante sa kabilang dako dahil dumaan ang Alpha team. Maangas at ta
Read more
DMCA.com Protection Status