Just a Job

Just a Job

By:  sonorouspen  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
0.0
Not enough ratings
82Chapters
2.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

After witnessing Ares' accident, Vera had felt she has the responsibility to take care of him. There's a lot of options to do, but she chose to take off the heave on her chest which was to go and look for the reasons why that accident happened and become his bodyguard, nurse and driver. She thought those were the only things she need to handle, but her Captain still demanded her to act as a fake fiancée of her friend for some reasons. Working for Ares made her more attached to him which shouldn't be happening, but will she be able to stay with Ares just like a job and finish her mission-or is her story bound to be more complicated?

View More
Just a Job Novels Online Free PDF Dowload

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
82 chapters
SIMULA
Tahimik ang kalsada marahil lumalalim na ang gabi. Isang motorsiklo ang pumarada sa tapat ng isang convenience store at mula sa motorsiklo ay bumaba ang isang dalagang nagngangalang, Verania Portier. Pagtanggal sa suot na helmet, lumitaw ang isang napakagandang mukha ng dalaga. Ang buhok ay may kahabaan at tila hinangin pa ito nang maialis sa ilalim ng helmet. Pero kung pakiramdaman ang dalagang ito, malalaman mong hindi siya basta-bastang babae. Sa suot pa lamang, maaari mo na itong masabi. Naka-military boots at black pants, sa itaas ay isang racerback na gray na pinatungan ng leather jacket. Sa kanyang tindig, sinisigaw na nito ang angas na dala niya. Pagkaayos sa kanyang motor, dumiretso siya agad sa loob ng convenience store sabay kuha ng one gallon ice cream mula sa freezer na agad niyang dinala sa counter. Nang makabayad, agad siy
Read more
Chapter 1
Vera’s Point of View "Kasalukuyang naghahanap ng taong magiging bodyguard ang anak ni Mayor," wika ni Captain sa amin, dahil kagagaling niya sa ospital para makausap ang Mayor.  Agad akong tumaas mula sa aking pagkakaupo nang sabihin niya iyon, kaya agad na dumapo ang paningin niya sa aking kinalulugaran.  "First Lieutenant?" patanong na saad niya, dahil mukhang nagtaka siya sa ikinilos ko.  "I volunteer for this mission," saad ko na nagpataas ng kilay niya. Sabi na eh, nagtaka nga talaga siya. "Sigurado ka ba? Balak ko sanang magbigay ng mas magandang misyon sa 'yo," wika niya, pero umiling ako agad sa nais niyang i-offer.  "I need to do this, Captain," wika ko at napasinghap sabay na napatango na lamang siya at napasinghap muli bago sumagot. "Well if you insist," bulalas niya, sabay abot sa aki
Read more
Chapter 1.2
Vera’s Point of View"Mayor, este Tito, alam po ba ni Madam Charlotte ito?" tanong ko na pinatutungkulan ay ang asawa niya.  "Tita na lamang din ang itawag mo kay Charlotte. Anyway, wala rin siyang alam dito. Ako at ang mga kasamahan mo lamang sa trabaho at syempre, kasama ka na ang nakakaalam lamang nito," pahayag ni Tito Stan.  "Ah, okay po. Paano niyo po nasabi kay Tita Charlotte ang tungkol dito sa kasal kuno?" pang-uusisa ko pa.  "Noong una, ayaw niya pero, pumayag na rin dahil, tumatanda na rin daw si Ares kailangan na niyang makakilala ng taong pwede niyang pakasalan. Kaya sinabi ko, ang araw na ito ang pagdating ng babaeng napili ko. Wala akong sinabing pangalan dahil, akala ko iba ang darating. Nabalitaan ko lang kanina na ikaw pala iyon, hija," saad ni Tito Stan na nagpatango sa akin.  Unang lumabas si Tita Charlotte na nakasuot lamang ng is
Read more
Chapter 2
Vera's Point of View  "Breakfast ready!" sigaw ko, nang makapasok ako nang tuluyan sa kwarto ni Ares. Oo, breakfast in bed ang mokong, tamad daw siyang umalis sa kama, iyon ang narinig ko sa mga kasambahay kaya sa kwarto siya mag-aagahan. Kahapon nalaman ko na magkatapat lang kami ng kwarto at pareho kaming nasa ground floor lang din dahil mahirap bumaba sa hagdan ng naka-wheelchair. "Put it here tapos, pwede ka nang umalis." masungit na wika niya kaya umikot ang aking mga mata. Umagang-umaga, ang sama ng timpla! Hanggang ngayon ba naman, masungit ang nilalang na 'to? Ano ba ang ikinakagalit niya? Ang mismong ideya ng pekeng kasal na hindi niya alam na peke o iba pang mga dahilan na tanging siya lang ang nakakaalam dahil, ayaw niyang magsabi? Hay ewan, napaka-unpredictable talaga minsan ng utak ni Ares eh, minsan gusto ko nalang siyang sapakin. Joke, baka matang
Read more
Chapter 2.2
Vera’s Point of View Gaya nga ng sinabi ko, lumabas ako at lumingon-lingon muli sa paligid. Ligtas kami rito dahil walang suspicious sa paligid.  Habang kasalukuyan akong nakatingin sa entrance at exit ng hospital, halos mapatalon ako nang may tumawag sa pangalan ko.  Noong una akala ko si Ares, pero nang lumapit ito sa akin ay agad na nagbutil ang pawis ko.  Hindi dahil sa takot kung hindi sa kaba, sa nerbiyos at hindi mapaliwanag na bagay-bagay. Si Alder ang nasa harap ko. Kaibigan kong doktor din at ngayon  ko lang naalala na rito rin pala ang ospital kung saan siya naroon.  "Alder!" agad na bati ko at pilit na kinalma ang sarili.  "Anong ginagawa mo rito?" manghang tanong niya kaya, agad akong napalingon sa sasakyan. Tinted ang salamin na meron iyon pero mukhang naintindihan niya ang nais kong iparating
Read more
Chapter 3.1
Vera’s Point of ViewAraw ngayon ng sabado. Hinihingal na napahiga ako sa sahig ng aking kwarto matapos ang 8 minutes na pagtalon sa jumping rope at 3 minutes na push ups, 5 minutes na squat thrusts at 5 minutes na hip dips. Hinihingal na tumayo ako mula sa exercising mat ko. Nanghihinang iniabot ko ang tubig at ininom ito ng diretso. Agad akong dumiretso sa bathroom ng kwarto at naligo ako agad. 6:00 na nang umaga at 7:00 ang oras ng pagbisita ni Clara na siyang girlfriend na ngayon ni Ares. Sinabi niya kasi sa akin ang bagay na iyon kaya alam ko. Sinabi niya rin hindi raw dapat akong ma-late sa pag-aayos dahil may balak siyang ipagawa sa akin. Nang matapos ang ilang minuto tapos na akong maligo at nagbihis na agad. Sinuot ko ang asul na fitted t-shirt ko at track pants na kulay gray. Sinuot ko rin ang kulay puti kong cap at ang tsinelas na pambahay. Saktong six-thirty nang lumabas ako ng aking kwarto at dinerets
Read more
Chapter 3.2
Vera’s Point of ViewPagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang napakaraming kasuotan na naka-arrange na talaga ayon sa kung saan sila karapat-dapat suotin. "Ano bang style ang gusto mo?" tanong ko habang isa-isang sinisilip ang mga polo shirt niyang branded pa. Mapapa-sana all ka nalang talaga kapag harap-harapan mong nakita ang mga damit at gamit ni Ares. "That polo shirt your holding, ayos na ba 'yan?" tanong niya sa isang polo shirt na nahawakan ko. Kulay navy blue ito kaya kinuha ko ito at naglakad ako papalapit sa kanya sabay takip sa litaw na litaw niyang pang-itaas. "Oo, suot mo na," saad ko at nakaramdam na naman ako ng pag-iinit ng pisngi nang bahagya siyang natawa. Tini-trip niya ba ako?! "Siguro naman may underwear ka na ano?" inis na saad ko sabay kuha ng isang khaki shorts na ipapasuot ko sa kanya. Ayos na ang ganoong porma dito lang naman sila sa bahay ni Clara, h
Read more
Chapter 4.1
Verania's Point of ViewDahil nga naitulak na ako sa pool ng kapatid ni Clara, wala na akong choice kung hindi samahan nang magtampisaw sa tubig ang batang 'yon. Mabuti na lamang at may doble akong cycling shorts kung hindi magtatampisaw ako rito ng naka-track pants."Mabuti at marunong kang lumangoy," puri ko kay Sandra na ang galing magpalutang ng sarili sa tubig."Ate Vera dito ka raw nakatira?" mataray na tanong niya sa akin."Oo, bakit?" umarko ang kilay ko nang ibato ko sa kanya ang patanong na sagot kong iyon. Bakit kasi ang taray taray niya..."Hindi ka naman mang-aagaw ng jowa 'di ba?" tanong niya pa na nagpalaglag ng panga ko.Aba't kay bata-bata alam na ang mga ganoong bagay!"Hindi 'no!" agad na depensa ko kaya napasinghap siya."Sure? Boyfriend siya ni Ate..." wika niya kaya napailing ako."Oo naman, aanhin ko si Ares? Nagtatrabaho lang naman ako dito ano, nurse, driver, bodyguard..." wika k
Read more
Chapter 4.2
Verania's Point of ViewTwo months ago nang magsimula ang death threats sa kanya tapos labas pa rin siya ng labas? Aba't napakakulit naman talaga ng nilalang na 'to! Lagot 'yan sa akin, sermunan ko mamaya."Anyway magpinsan kayo ni Alder 'di ba?" tanong ko at napatango siya agad habang bumubunot."Oo Ate, pinsan ko 'yon. Gwapo no? Paano mo nga pala siya nakilala?" mayabang ang tono na saad niya sa unang sinabi bago ang tanong."Ah, kaibigan ko," maikling sagot ko sabay baba ng baraha ko na agad niyang kinuha at halos masamid ako nang kalahati ng baraha niya ay ibinababa niya sa binaba kong 'yon."Kaibigan? So gwapo nga?" tanong pa ni Sandra."Eh ano naman kung gwapo siya?" mataray na tanong ko at napahagikgik siya."Crush mo ba si Kuya Alder?" tanong niya kaya nakaramdam ako ng pagpapawis sa aking noo nang bigla niyang itanong 'yon."Huh, hindi ah! May gusto lang akong itanong," pahayag ko naman na
Read more
Chapter 5.1
Verania's Point of View"Birthday ni Archer ngayon pinsan namin, may party sa resort nila. Pupunta kaming lahat, sasama ka?" dire-diretsong bira ni Olivia sa akin gamit ang mataray na tono niya."Of course, Vera would join us. Magiging parte na siya ng pamilyang ito soon, dapat masanay na siyang kasama tayo..." saad ni Tito Stanley na tinapik ako sa balikat.Nasamid naman ako agad sa aking narinig at bahagyang ngumiti na lamang."Tsk, swimming birthday party 'yon, baka gusto mo magdala ng swimsuit," maarte ang tono ni Olivia nang banggitin niya 'yon.Hindi ko na sana papansinin nang magsalita si Ares."Hindi siya magsu-swim suit. Maraming tao roon, hindi niya magugustuhan," saad ni Ares kaya umangat ang kilay ko at nagpigil ng tawa lalo na nang magkatinginan kami ni Tito Stanley.Napailing siya at naunang sumakay sa sasakyan niya na maraming bodyguards."Ares, huwag namang ganyan. Tanungin mo rin ang gusto ni V
Read more
DMCA.com Protection Status