Sold To My Disguised Best Friend

Sold To My Disguised Best Friend

By:  AmiorGracia  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel18goodnovel
0.0
Not enough ratings
131Chapters
3.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Isla Davina is a woman who will do everything for her family. As most people say ─ the eldest child of the family is one of the bravest people in the world. She sold herself to someone she did not know in exchange for money. When she gets naked, she's getting dressed for work. Tobias Adam Martin, best friend of Isla Davina, pretending to be poor, fat, nerd and weak but little did the people know he is the only heir and CEO of M&M Company, (Marshall&Martin Company), one of the richest and successful businesses in Asia. He bought her best friend, Isla, in exchange for her body. What if she finds out that the man who bought her and the Adam Marshall who has been her best friend for very long years are the same─ person?

View More
Sold To My Disguised Best Friend Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
131 Chapters
CHAPTER ONE
ISLA’S POV   “Adam! Pumasok ka, anak! Sumabay ka na sa aming kumain. Si Isla natutulog pa, pakigising na nga rin! Hay naku talaga itong batang ito. Alam na may pasok pero ang late gumising sabagay at late na rin naman siyang umuwi kagabi. Pasok ka na lang, Adam!” Nagising ako sa ingay sa labas. Ang ingay talaga ni Mama lagi, inaraw-araw niya na ang pagiging maingay. Hays! Nagtakip ako ng unan sa mukha. Inaantok pa ako, ramdam ko ang sakit ng likod ko.    Pagod ako kagabi, madami kasing tao sa restaurant na pinagta-trabahuan ko kaya pinag-over time kami. Pero okay lang basta may pera.    Naramdaman kong may tumabi sa akin.    “Hoy! Gisingin daw kita sabi ni Tita.” Tsk! Maaga pa naman. Alas-dyes pa ang unang klase ko, utang na loob patulugin niyo muna ako. Bago ako natulog kagabi ay itinuloy ko pa iyong plates ko. Hindi ko siya pinansin at nagtulog-tulugan. Nagkunwari pa akong humihilik
Read more
CHAPTER TWO
ISLA’S POV   Maaga ang klase ko ngayon kaya maaga rin akong gumising para magluto ng pagkain namin at ipaghanda si Papa ng baon niya. Tulog pa si Mama dahil masakit daw ang ulo niya, hinayaan ko muna para makapagpahinga siya.    “Oh, ‘Pa! Napaghanda na kita ng almusal at saka iyong baon niyo po. Gusto niyo po bang magkape? Sandali po at magtitimpla ako.” Nagpunas muna ako ng basang kamay para iabot kay Papa ang kanyang baon, kasalukuyan kasi akong naghuhugas ng mga ginamit ko sa pagluluto. Tapusin ko na lahat ng gawain para wala nang gagawin si Mama mamaya.    “Nako, hindi na anak. Nagmamadali ako, kailangan kong maaga ngayon dahil napagalitan ako kahapon pero ayos lang. Salamat, anak.” Napatigil ako sa aking ginagawa. Napahigpit ang hawak sa cup na kinuha ko. Humarap ako kay Papa, ngumiti para hindi halatang na naawa at nalungkot ako.    “Sige po, ‘Pa. Ingat po kayo! Dagdagan ko na la
Read more
CHAPTER THREE
ISLA’S POV   “Excuse me po?” Napabitaw ako sa yakap kay Adam nang tawagin ako ng nurse na tumingin kay Papa. Hindi na ako umiiyak pero ramdam ko ang bigat at pamumugto ng dalawang mata ko.    “Papirma na lang po ito Miss.” Inabot niya sa akin ang papel na hawak niya. Bakit ba atat na ata ang mga tao na ito sa bayad? Oo, mahirap kami pero hindi naman kami tatakbo! Kita na nilang may nag-aagaw buhay pera pa rin iniisip nila! Tinignan ko siya ng matalim na tingin at pahablot na kinuha ang inaanot niyang papel. Muntik na akong matumba sa laki ng babayaran! Pero pera lang ito, mas importante pa rin si Papa. Kung kinakailangan kong ibenta itong katawan ko para makabayad ay gagawin ko! Pinirmahan ko ang papel.    “Ano pa?” tanong ko sa nurse na halatang kabado. Malamang nakita niya iyong ginawa ko kanina sa kasama niyang nurse. Umiling siya at saka umalis.    Martin Hospital ang pangalan ng h
Read more
CHAPTER FOUR [PART 1]
THIRD POV Hindi namalayan ni Isla ay nakatulog siya sa labas ng operation room ng hospital. Nagising lang siya noong ginising siya ng isang nurse. Tila kakatapos ang operasyon ng kanyang Papa dahil lumabas na ang ibang nurse at sumunod ang Doctor na nakausap niya noong nag-aagaw buhay ang kanyang Papa. Pinuntahan at hinarang niya agad ang Doctor, hindi na alintana kung anong itsura niya ngayon. Nanginginig man ay nagawa pa rin niyang makapagsalita. “Doc! Doc, ka-kamusta po ang Papa ko? Maayos po ba ang naging operasyon?” Napahinto ang Doctor at awang-awa niyang tinignan si Isla. Humuhugot ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo. Kahit naman kasi sanay na siya sa propesyon ay hindi pa rin niya maiwasang maawa sa mga pasyente at pamilya ng pasyente, lalo na sa mga katulad nilang kapos sa pera. He cleared his throat bago siya tuluyang nakapagsalita. Naramdaman naman
Read more
CHAPTER FOUR [PART 2]
THIRD POV “Dito sa parte na ito ng ulo niya, may namuong bukol, iyon ang nagiging dahilan kung bakit lagi siyang nakakaranas ng pananakit ng ulo at minsan ay pagkahilo.” Bukol? Bukol sa ulo? Tumingin siya sa tinuturo ng Doctor, hinahanap niya kung saan iyong bukol na sinasabi ng Doctor pero wala siyang makita bukod sa itim. “I’m sorry… may tumor ang Mama mo, kailangan niya ng agarang gamutan at operasyon bago pa mas lumaki at lumala ang bukol sa ulo niya.” Tumor. Tumor. Tumor. Nagpaulit-ulit ito sa isip niya, parang sirang plaka. Napailing siya ng ilang beses dahil sa narinig. Gusto pa nga niya sanang tumawa.“Do-doc, baka naman nagkakamali lang po kayo ka-kasi malakas naman po si Ma─” “Miss, kung gusto mo magpa-second opinion ay pwede kitang i-refer sa kaibi
Read more
CHAPTER FIVE [PART 1]
THIRD PERSON’S POV Halos twelve midnight na ng matapos si Isla sa gabihang trabaho niya. Ginagalaw-galaw niya ang ulo dahil sa pangangalay nito gawa nang napakadaming trabaho kanina. “Oh, Davina! Sahod mo!” Abot sa kaniya ng manager niyang laging galit sa kaniya ng sobreng puti. Hindi niya alam kung bakit napakainit ng ulo nito sa kaniya. Wala naman siyang maisip na ginawang hindi maganda sa kaniya. Nagpasalamat siya at binuksan agad ang sobre, pero napansin niyang kulang ito. “M-miss, kula─” “Kinaltas sa mga utang mo, huwag ka nang magtanong!” sigaw niya na naman kay Isla. Hindi na siya nakapagsalita dahil pakiramdam niya ay wala rin naman siyang karapatan. Napapahiyang napangiti na lang siya nang pilit sa mga kasama niya. Dismayado si Isla na umuwi ngayon dahil sa natanggap niyang sahod. Iniisip niya pa lang kung paano niya pagkakasyahi
Read more
CHAPTER FIVE [PART 2]
THIRD PERSON’S POV “Ayon! Kumpleto na tayo, so shall we start?” bungad ng principal sa kaniya. Malalaking hakbang ang ginawa niya at tumabi sa mga kapatid. Hindi siya mapakali dahil nag-aalala siya sa babaeng kapatid. Hinawakan niya ang mga kamay ng mga kapatid para iparamdam na nandito siya at hindi na nila kailangang matakot. “A-ate,” nanginginig na tawag sa kaniya ni Ashleigh. Napatingin siya sa kapatid at hinalikan ang noo. “Shh. Nandito na si ate,” pag-aalo niya sa kapatid. “Ang kapal naman talaga ng mga mukha niyo! Sa dami ng utang niyo sa amin nagawa niyo pang saktan ang anak ko! Mga wala kayong utang na loob!” Nagulat siya nang biglang sumigaw si Mrs. Meiji, parang umuusok ang ilong nito sa galit. Napadako ang tingin niya sa pasa ng anak ni Mrs. Meiji. Hindi siya makapaniwala! Si Asher ba ang may gawa niyan? Pinigilan niyang tumingin kay A
Read more
CHAPTER SIX
THIRD PERSON’S POV “Bakla, gising na! Nandito na si Ma’am.” Naalimpungatan si Isla nang makaramdam siya nang mahinang pagtapik sa balikat niya. Ayaw pa sana gisingin ni Sasa ang kaibigan dahil alam niya ang pagod at puyat nito ngunit kailangan niyang kausapin ang kanilang Professor, iyon lang naman ang ipinunta ni Isla sa eskwelahan. Nakausap niya na ang iba nilang Professors. Buti na lang at nagbigay sila ng considerations para sa kaniya. Kinailangan niya munang manatili sa school para hintayin ang oras ni Mrs. Manuel, ito lang naman ang mahigpit sa lahat ng Professors nila. Nagkusot ng mata si Isla nang makita na papasok na ang kaniyang terror na Professor. Nanginginig na ang kaniyang tuhod sa kaba, magaling kasing mamahiya ang Professor na ito. Hindi nagbibigay ng konsiderasyon kaya tahimik silang magkaibigan na nagdadasal na sana ay magkaroon ng himala bigla. Rinig na rini
Read more
CHAPTER SEVEN [PART 1]
ISLA’S POV Kanina ko pa tinatawagan si Adam pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Sa tagal na naming magkaibigan, ilang beses na rin naman kaming nagkatampuhan at nag-away. Kahit kasalanan ko, siya pa rin ang unang kakausap sa akin o minsan, tatawag lang ako tapos sasagutin niya tapos magkakaayos na. Ngayon niya lang ako binalewala ng ganito kasi hindi niya ako kayang tiisin eh. At hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ayoko na galit siya sa akin. Hindi ko naman sinasadya. Nakukuha ko rin naman ang punto niya.  “Ate, ayos ka lang ba? Nahihilo na kami sa palakad-lakad mo.” Napatingin ako kay Asher nang sabihin niya iyon. Napakagat-labi ako nang ma-realize na nandito pala sila, kasama ko. Tumigil ako at umupo na lang sa kusina. Hawak-hawak ko pa rin ang cellphone ko. Paulit-ulit ko ibababa sa lamesa at saka kukunin pabalik. Tinawagan k
Read more
CHAPTER SEVEN [PART 2]
ISLA’S POV Nakita ko ang paglapit niya at binuklat ang bag na dala ko. Bago ko pa pigilan ay hawak-hawak niya na sa kamay iyong red na dress! “Wow! May date ka? Sino iyan, ha?” tanong niya habang sinisipat ang design ng dress. Inagaw ko ito sa kaniya at umiling. “Wa-wala! A-ano lang… wala lang.” “Hmm?” Pinaningkitan niya ako ng mata, hinahanap kung nagsisinungaling ba ako. Kaya agad akong nag-iwas ng tingin dahil feeling ko madali lang niya akong basahin. “Tsk! Wa-wala nga.” Okay, ngayon pa lang ay hindi ko na kayang sabihin. Feeling ko maiintindihan niya ako pero nahihiya ako! Umupo siya sa katapat na sofa, kung saan sila nag-ano kanina. Tsk. Tahimik lang siya at inopen iyong TV niya. Parang naging malalim ang tingin niya at biglang naging seryoso. Kinakaba
Read more
DMCA.com Protection Status