The CEO Compensation

The CEO Compensation

By:  Death Wish  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
14 Mga Ratings
169Mga Kabanata
73.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Angie, isang mahiyain na babae at normal na empleyado. Halos nga walang sino man ang nakakapansin sa kanya. Ngunit labis na mapagmahal na nobya kay Julius at mabait na kaibigan kay Trisha. Ngunit hindi niya aakalain na dalawang ahas ang inaalagaan niya. Nang isang gabi, dahil sa ginawa ni Julius na itaya ang pagkababae ni Angie sa isang sugalan, aksidenteng naka-One Night Stand niya ang isang arrogante at makapangyarihang CEO na si Mr. Zayruz Choi. Pilit siyang binayaran nito dahil ang akala sa kanya ay isang bayaring babae, ngunit hindi niya tinagap. Lumaganap ang scandal ni Angie at tinuring siyang basahan ng mga katrabaho niya. Marami siyang masasamang naririnig sa kanya. Nakipag-hiwalay si Julius dito at si Trisha ang nangunang taga-sira sa kanya. Hangang sa isang buwan ang nakalipas, di alam ni Angie na nagdadalang tao na siya, nang muling pinagtagpo ang landas nila ni Sayruz at kaagad siyang nawalan ng malay. "F*ck. How dare she is carrying my child?!" Usal ni Sayruz ng matuklasan nga nilang buntis is Angie. Na siyang ikinatuwa din ng Grandma ni Sayruz.

view more
The CEO Compensation Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Maria Elena
bka my full story Po kayo nito baka pd mkabahagi po
2023-09-18 15:54:11
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-11-03 06:40:46
1
user avatar
Mary Joy Padilla G
pa unlock naman po sa isang chapter napaka mahal 368 po di naman kasunod ng series na binabasa ko. please po pa unlock muna..
2022-10-03 00:25:15
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-09-07 18:44:24
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-09-07 18:42:33
1
user avatar
Death Wish
Thank you so much sa pagbabasa at supporta. ......️
2022-08-24 12:55:34
1
user avatar
Jenny Masulot Gudi
diko maiintindihan bakit subran tanga ni angie.. lahat nalang sa paligid satanas
2022-06-27 03:46:16
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-05-19 00:18:16
1
default avatar
Corazon
napano na to ,,, wla pa bang update
2022-05-14 07:42:45
1
default avatar
Corazon
update po pls
2022-02-02 13:11:04
1
user avatar
Mercy Billones Sumiga
nice ms.A....silent reader po ako
2022-01-24 23:13:24
1
user avatar
Death Wish
May I heard your voices dear readers ...
2022-01-21 15:38:05
0
default avatar
Corazon
hindi ko naintindihan ang story ,,,biglang nagiba
2022-03-26 11:22:14
0
user avatar
Jose Dagala
mahal naman dapat 12 limits pababa
2022-10-30 07:44:19
1
169 Kabanata
Chapter 1 I Slept with the Wrong Person
(Angie POV)Naglalakad ako pauwi ng bahay. Masayang nagtatampisaw at sumasayaw sa ilalim ng ulan. Walang paki-alam sa mga taong nakatingin sa akin. Malamig ang bawat patak ng ulan, ngunit napakasarap at masuyong niyayakap ako ng napakagandang pakiramdam. Binabati ko ng ngiti ang mga taong hindi pamilyar ang mga mukha nila sa akin. Niyakap ko ang aking dalang bag, saka hinubad ang aking pulang high-heel. Malayang inapak ang walang saplot kong mga paa sa kalsada. Ang ganda talaga sa pakiramdam. Ang pakiramdam na ito ay sapat na para maging mapayapa ang buhay ko dito sa mundo. Nang dumating ako sa bahay namin, tumila ang ulan. Biglang nagpakita si haring araw na hindi ko malaman kung bakit sa oras na ito magpapakita pa lamang siya sa silangan. Medyo nasilaw ako ng malaginto niyang sinag, kaya pumasok na ako sa tarangkahan namin at maririnig ang tunog ng nagkiskisang bakal. Kahit basang-basa ako hindi ko parin maramdaman ang ginaw na papawi ng
Magbasa pa
Chapter 1 (2) I Slept with the Wrong Person
(Angie POV) Dalawang taon na kaming magka-relasyon ni Julius. Nakilala ko siya sa unibersidad namin. Talaga namang tagahanga niya ako. Matalino, isang atleta at siya pa ang Student President sa campus namin. Maraming nagkakagusto sa kanya at hindi lang ako. Pero sa dami ng babaeng magkandarapa sa kanya, ako yung maswerteng pinili niya. Di ko alam kung ano ang nakita niya sa akin. Mas magaganda naman yung mga babaeng naghahabol sa kanya kesa sa akin. Pero ako talaga ang pinili niya. Biyaya na sa tingin ko pinagtadhana nga talaga kaming dalawa. Naniniwala ako sa tadhana. Napakabait niya sa akin. Nasa probinsya ang kanyang mga magulang habang siya naman nangungupahan at naghihintay ng result ng board exam niya. Parang tanga man pakingan, ngunit ako ang nagbabayad ng upa niya. Minsan pinag-gogrocery ko pa siya at lahat ng maibigan niyang bagay na nais niyang bibilhin, sinusupresa ko siyang mabili ko ito. Bakit ko ito ginagawa? Kasi yung s
Magbasa pa
Chapter 2: I’m Not a Prostitute
  (Angie POV) “I will give you five million dollars to keep silent about this night.” Inilapag niya sa mesa ang cheque. Anong ibig niyang sabihin? Tumalikod na siya sa akin para lumabas sa silid. “Teka lang!” Natigilan siya sa paglalakad. Hinihintay ang susunod kong sasabihin ngunit di ko mahanap ang aking boses. Hangang siya na nga itong nagsalita. “Don’t tell me Miss, hindi pa sapat ang perang yan.” Nanginginig ang buo kong katawan. Ang lamig ng boses niya. Sa tingin ba niya isa akong bayarang babae? At biglang tumulo ang luha ko sa aking pisngi. “Nagkakamali ka sa inaakala mo.” At bago pa man siya humarap sa akin, pinunasan ko ang aking pisngi. Malabo ang paningin ko, at medyo nga nahihilo ako. Kailangan ko ang aking salamin, ngunit di ko alam kung saan ko ito hahanapin. “Paano ka nakapasok sa silid ko?” Naitanong ko sa kanya. “Kasama pa ba ito sa mapapanalunan ko na may… Edi sana di na lang ako
Magbasa pa
Chapter 3: I’m not Slut
Chapter 3: I’m not Slut (Angie POV) Nang magising ako sa katotohanan na, yung binasag ng lalaki… Yun ang regalo ni Mama sa akin ng makapagtapos ako sa kolehiyo. Nataranta akong pulutin ito, at di namalayan na basang-basa na talaga ang pisngi ko ng aking luha. Lahat ng bagay na ibinibigay sa akin ng mga mahal ko, pinapahalagaan ko. Bakit kailangan pa basagin ng lalaking to ang phone ko. Umangat ang paningin ko sa kanya. Siya naman, napapasabunot sa sarili, hangang sa napatitig siya sa akin. Nang biglang kinampihan ng ulan ang aking luha, lalo na… ang hardin na’to wala namang bubong. “Anong ginawa sayo ng phone ko… Bakit mo binasag!?” Nangangalaete kong tanong sa kanya. May nagtangkang payungan siya ng tinulak niya ito palayo sa kanya. Hinayaan niyang mabasa rin ang sarili. “Di naman yan mamahalin para mangalaete ka ng ganyan Miss. Kahit ilang unit ng phone at kahit yung mamahalin pa, kayang-kaya ko ibigay sayo!” “Nagkak
Magbasa pa
Chapter 3 (2) I’m Not Slut
Chapter 3 (2) I’m Not Slut (Angie POV) Ako na ang kusang tumayo. Sa mga mata niya nakita ko ngang biktima rin siya sa nangyari sa aming dalawa. Ngunit talagang sira na ang pagkatao ko. Di ko alam kung paano magsisimula. Natatakot ako… Ngumiti ako sa kanya, at umiling dito. “Ayokong may manakit sa kanila.” “Talaga bang ganyan ka ka-martyr? Nakakasama yan. Lalo na kapag napaka-bait mo, na halos pinagka-itan mo na ang sarili mo. Tao lang tayo, hindi ka diyos para di makagawa ng pagkakamali sa minamahal natin. Minsan nga, yang pagkakamali, yan pa ang nakakatulong sa kanila para mas lalo ka nilang mahalin. May karapatan kang magalit. May karapatan kang gumanti… ako na ang magsasabi niyan sayo.” Umiling parin ako. Napabuntong-hininga ang stranghero. “Kung ganyan ka lang naman, bakit di ka na lang pumasok sa kumbento. Ahahaha. Kahit nga doon, may mga nangyayaring ganyan. Walang perpektong tao sa mundo at kapag pinilit mo yan, kawawa
Magbasa pa
Chapter 3 (3) I’m Not Slut
Chapter 3 (3) I’m Not Slut (Angie POV) “Talo ka na Pre.” Si Julius. “Oo. Malaki ang chansa naming panalo kami. Ninety-nine percent kami ang panalo.” Segundo ni Trisha. “Bakit di ka na lang sumang ayon na malas ang babaing yan!” Biglang tumawa ang katabi ko. Ang mga tao sa paligid namin, nakatitig na rin sa akin. Sobra akong nahihiya. “My dear open it.” Ulit niyang utos sa akin. Kinakabahan man ako, pero kailangan ko nang ipakita sa kanila… Napapikit ako… Muling tinanong sa nakakataas kung talaga bang deserve ko na mapahiya ng ganito. Na talaga bang ang malas-malas ko. Sana naman ang kamalasan ko hindi ko nahawaan ang kasama kong stranghero na gusto lang naman niyang bigyan ako ng hustisya. Yung kagustuhan niya, ay sapat na sakin, pero sana hindi na niya ito ginawa. “Trust me.” Napatitig ako sa kanya… at napatango ako. Nang binuksan ko… napahiyaw ang dalawa sa tuwa… at napatitig ako sa kanila… Panalo ba silang dalawa? P
Magbasa pa
Chapter 3 (4) I’m Not Slut
Chapter 3 (4) I’m Not Slut (Angie POV) Hinatid ako ng driver sa aking nirerentahang apartment na mas mura nga kesa sa apartment na kinuha ni Julius. Mas minahal ko nga siya kesa sa sarili ko. “Angie!” Biglang bungad sa akin ng custodian. “Pumunta dito ang Papa mo. Hinahanap ka.” “Po? Bakit po?” “Walang sinabi pero galit na galit. Siguro dahil sa nagkalat na sex scandal kaninang umaga. Hindi ka yun diba? Medyo kasi malabo na ang paningin ko. Alam ko naman na hindi mo yun magagawa. At sabi mo may seminar lang kayo, kaya di talaga ako naniwala na ikaw yun. Sinabi ko sa Papa mo na umattend ka ng seminar, hindi naniwala. Kaya sinabi niyang umuwi ka daw sa inyo. Lasing na lasing ang papa mo nang pumunta dito.” Bigla akong natigilan. Napasugod si Papa dahil sa… Kaya pumara ulit ako ng taxi, at kailangan ko umuwi para nga linawin sa kanila na… Yun ang totoo, naaksidente ako. Ako pa naman ang panganay na babae at baka m
Magbasa pa
Chapter 4 The CEO is Coming
Chapter 4 The CEO is Coming (Angie POV) “Angie, siguraduhin mong ma-encode lahat ng kailangan sa meeting bukas. Pati yung sasabihin ni Manager Peng.” Napatango ako sa katrabaho ko na pinatungan nga ulit ang tambak na folder sa mesa ko. Saka ang monitor ko… puno na ng sticky notes. Di pa sapat ang monitor, pati yung dingding ng dingding na humahati sa katabi ko. Halos di parin nagbago nga ang ikot sa opisina at lalong lumala. “Angie, di pumasok yung janitress, maari mo bang linisin muna yung restroom?” Medyo di maganda ang gising ng supervisor namin at di ko naman maaring tangihan. “Sige po.” Kaya binitiwan ko muna ang ginagawa ko at pumunta na nga sa restroom. Habang kinukuha ko yung panlinis sa may pinakadulo ng restroom, at may dalawa ngang babae na abala sa harapan ng salamin. “Siya ba ang maglilinis? Kawawa naman.” Ani ng isang babae. “Sus. Wag ka dyan maawa. Nararapat lang yan sa kanya. Malandi yan. Alam m
Magbasa pa
Chapter 5 The Unexpected Pregnancy
Chapter 5 The Unexpected Pregnancy(Sayruz POV)Bumukas ang elevator at tumampad kaagad sa paningin ko ang babaeng napakaraming dala. May dumaang mga lalaki sa kanya, at mga bastos, ni isa wala man lang tumulong sa kanya. Anong klase silang mga lalaki. Bwisit.Nang kukunin ko sana ang pansin ng mga bastos ng biglang nawala sa balanse ang dala ng babae dahilan upang sinalo ko siya bago pa man ito bumagsak sa sahig. Ngunit di ko inaasahan na ang mukha niya… pamilyar sa akin. At di ko rin inaasahan na muling magku-cross ang landas namin. Sa katunayan nga… di ako pupunta dito, kung di lang dahil sa pangungulit nga ng matanda. At kung may anong enerheyang humihila rin sa mga paa ko.Pero ang di ko maintindihan… Kung bakit ng makita ko mukha ng babaing ‘to… ay parang napawi ang uhaw ko sa loob nitong nakaraan na buwan. Natatawa ako sa sarili ko. Ngunit ang babaing ‘to ngayon… wala ngang ma
Magbasa pa
Chapter 6 ESCAPED
Chapter 6: Escaped(Angie POV)Easter Sunday, at nasa parke ako. Masaya ang mga bata na nagtatakbuhan at abala magsihanap ng mga nakatagong itlog. Meron akong dalang basket, at di ko maintindihan kung bakit parang kasali ako sa larong to. Hangang sa may nakita nga akong itlog. Kinukuha ko ang pansin ng ilang bata para ituro ang itlog na nakikita ko, ngunit sadyang hindi ata nila ako napansin. Kaya lumapit na lamang ako at aktong pupulutin ko ng biglang inunahan ako… Umangat ang paningin ko kung sino man ang pumulot…Isang lalaking matipuno… at talagang pamiliar sa akin. “Sa tingin mo, kailangan mo ba talaga ng itlog na’to?”At naalala ko ang mukha niya… Yung stranghero! Ngumisi siya sa akin at bakas sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa nangyayari.Kaya bigla na lamang ako napabalikwas ng bangon… Naghahabulan ang aking hininga dahil nga sa mga mata niyang nakakamatay.Ng
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status