Share

Chapter 6. Blood Type

SHIN'S POV

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko kay Sir Janvir.

Hindi nya ako sinagot. Nagtuloy lang kami sa paglalakad habang hawak ang kamay ko.

Pumasok kami sa isang private room sa isang sikat na restaurant.

Napaawang ang labi ko sa ganda ng lugar na to. May lamesa sa gitna na may centerpiece na bulalak.

Inalalayan nya akong maupo sa upuan pagkatapos ay umupo na sya sa kabila.

"Ano ba to sir?" naguguluhang wika ko.

"Please drop the formality, tawagin mo ako sa pangalan ko" sagot.

"Okay, Ano ba to Janvir?" ulit kong tanong.

"Isn't it obvious? We're having a date! " ani nya.

"Bakit ako? Katulong mo lang ako" nakayukong wika ko.

Binaba nya ang kubyertos na hawak nya at inabot ang kamay ko.

"I love you" ani nya na kinagulat ko. Ang kabog ng puso ko ay parang tambol.

Natawa ako sa sinasabi nya pero nakatitig lang sya sa akin.

"Joker ka pala" natatawang ani ko.

"I'm serious Shin. Alam ko rin na mahal mo ako. " seryosong wika nya.

Ano ba to? teka nga. Mahal nya ako? Ay tarayy, effective ang beauty ko.

"You are mine now" ani nya.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Nagdate lang tapos sasabihin mo sayo lang ako? Haler, hindi ka pa nga nanliligaw ." ani ko sabay irap para hindi naman halata na kinikilig ko. Chariiizzz!

Napangisi sya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Hindi kita liligawan kasi ikaw ang nanliligaw sa akin diba? Kaya sinasagot na kita" mapang-asar na wika nya.

What?! Seriously?

Napabuntong hininga ako sa sinabi nya. Hindi ko akalain na ganun ang sasabihin nya. Oh my god. Sira-ulo pala tong lalaking to.

Pagkatapos naming mag "Date" kuno nagtungo naman kami sa isang resort.

Nakaupo lang kami sa buhangin at tinatanaw ang karagatan.

"Anong iniisip mo?" basag nya sa katahimikan namin.

"Iniisip ko lang kung totoo ang mga sinasabi mo. Ayoko lang may masaktan sa atin sa bandang huli" malungkot kong ani.

"Bakit ? may balak ka bang saktan ako?" tanong nya.

"Wala akong balak na saktan ka pero hindi natin alam kung ano ang pagsubok na ibibigay ng tadhana" paliwanag ko.

"Edi haharapin natin ang mga pagsubok na yun" determinado nyang sagot.

"May mga dapat pa akong malaman sayo at may mga dapat ka ring malaman tungkol sa akin. Dapat makilala natin ang isa't isa" ani ko pa.

Inuunat nya ang kamay nya at dahan dahan akong inakbayan na hindi ko naman inalis.

"Huwag kang mag-alala ipinapangako ko sayo na ikaw lang ang mamahalin ako" paninigurado pa nya.

Bumuntong hininga na lang ako . Niyaya nya muna akong magpahinga sa villa pero nagpaiwan lang ako.

Nagdadalawang isip ako kung kung pagbibigyan ko na ang puso ko. Kaya ko na bang makipagsapalaran sa pag-ibig.

---

"Shin!" tawag ni Drake sa akin.

"Hi, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Nakita nya kasi ako sa gilid ng kalsada. Nandito kasi ako sa talipapa ngayon para bumili ng panghanda ni Jaleel. Apat na taon na sya bukas kaya nagpa day off ako kay Janvir. Tumanggi kasi ako na sa alok nyang tigilan ko na ang pagiging maid nya.

"Wala naman, may papunta ako sa opisina ngayon napansin lang kita" ani nya habang nakangiti.

Nasa ganoon kaming pag-uusap nang isang malakas na busina ang aming narinig. Paglingon ko , bumungad sa akin ang anak kong wala ng malay.

"Annaaaaakkk!" sigaw ko at patakbong lumapit sa kanya.

Lumabas na rin si Drake sa kotse nya para tulungan ako.

"Shin sumakay ka na, dalhin natin sya sa ospital" ani ni Drake habang buhat ang kamay ko.

Nauna akong naupo sa likurang bahagi ng sasakyan at kinandong sa akin ni Drake ang anak ko .

"Anakk, sorrryyy" pagtangis ko.

Tumawag naman na si Drake sa kanyang ospital kaya mabilis ang pagkilos ng mga doctor.

Nandito kami sa tapat ng emergency room para hintayin ang sasabihin ng doktor.

"Sshhhhh Shin, tama na ang pag-iyak" ani ni Drake at niyakap ako.

Para akong bata na nag-iiyak sa kanyang dibdib.

Tatlumpong minuto ang lumipas at lumabas na ang doktor.

"Doc kumusta po ang anak ko?" tanong ko nang lumapit ang doctor sa amin.

"Nothing serious naman po, wala naman pong fracture pero kailangan po kasi nating salinan ng dugo ang pasyente. Sa dami po kasi ng sugat na natamo nya mula sa aksidente kaya maraming dugo ang nawala sa kanya. Kailangan lang po ng blood donor na may AB- na blood type. Isa din po kasi ito sa mga rare na blood type." paliwanag ng doktor.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib pero saan ako kukuha ng ng ganoong bloodtype.

"Ako ang magdodonate" pakli ni Drake.

"Pero Drake?" ani ko.

"Gusto kong makatulong Shin, dahil din naman sa akin kaya nangyari yan sa anak mo. Doc let's go" ani nya at tuluyan na akong iniwan para kuhanan ng dugo si Drake.

----

Nandito na ako sa private room na pinagdalhan sa anak ko. Si Drake na rin ang nag-provide ng mga kakailanganin naming mag-ina. Mahihinang katok ang pumukaw sa akin kaya pinagbuksan ko to.

"Drake, dapat nagpapahinga ka. Kakakuha lang ng dugo sayo tapos kung saan saan ka na nagpupupunta" ani ko sa kanya.

"ano ka ba? parang s****p lang ng lamok to sa akin." natatawang ani nya.

Naupo kami sa sofa na nandito sa loob ng kwarto ng anak ko.

"May itatanong sana ako" nahihiya kong wika kay Drake.

"Ano yon?" ani naman nya.

"Bakit hindi ka nagtatanong tungkol sa amin ng anak ko?" ani ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya bago nagsalita.

"Matagal ko ng alam na may anak ka. Narinig ko lahat ng pag-uusap nyo ni Kiara" sagot nya.

So tama ako ng hinala, narinig nya lahat yun. Kaya isang buntong hininga ang binigay ko.

"Hindi ko alam kung paano ko to sasabihin kay Janvir" ani ko.

"Well, kung mahal ka nya talaga . Tatanggapin ka nya kahit may anak ka na" ani nya sabay tayo.

Napasunod lang ako sa kanya at lalapitan ang anak ko.

Isang kamay nya ang humaplos sa pisngi ng anak ko at para syang na estatwa.

"May problema ba?" tanong ko kaya umiling sya.

Binalik nya ang mga kamay nya sa magkabilang bulsa ng pants nya.

"Ang gwapo naman pala ng anak mo, nasaan na pala ang ama nya?" tanong nya.

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ni Drake.

"Hindi ko alam" matipid kong ani.

Isang tapik sa balikat ko ang ginawa ni Drake.

"Mauuna muna ako sa iyo ha, Madami pa akong trabaho sa opisina" aniya.

"Teka, hindi ka ba muna magpapahinga?" wika ko.

Umiling lang sya at umalis na..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status