Share

CHAPTER 8: The King’s Headquarters

"It is love that makes the impossible possible."

- Yash Raj Films

****

Kinabukasan ay maagang nag-handa ang grupo namin para sumabak sa isa na namang nakakapagod na labanan. But unlike yesterday, our group was confident enough that we can win this war against the red soldiers.

Our group stayed awake the whole night preparing for this battle, enhancing our grasp to victory. The whole process of making a good tactical plan to defeat our enemies was never easy. The whole research about the demographics of our battlefield, last the whole night, and also we had to put so much effort into designing our battle tactics since we do not have all the existing resources for this plan. I even had to explain each of the terms, because these people don't have any idea about the existing battle resources and weapons from the future.

Good thing that I put extra attention into our science class.

When the gong starts to sounds, the whole battlefield was again filled with dust and earful sounds of the warrior's cry. The sounds of clashing swords and arrows can be heard around the whole ground. Halos magvibrate ang kinatatayuan naming lupa dahil sa sabay sabay at dami ng mga kabayong tumatakbo habang nakikipagsagupaan sa gitna ng battle field.

Muling tumunog ang gong mula sa pangkat namin hudyat na ang grupo naman namin ang isasabak sa laban, ngunit niisa sa pangkat naming mga foot soldiers ay walang kumilos man lamang para sumugod.

Nasundan pa ito ng dalawa pang tunog ngunit wala pa ring nangyare.

Maya-maya pa ay may isang kabalyero na ang lumapit sa aming grupo. Nakasuot ito ng full armor, at nakasay sa isang itim na kabayo na nakaarmor din.

‘Cool!’

May dala itong malaking sibat sa kamay at isang espada na nakasabit sa kaniyang tagiliran. Tumapat ang kabalyero sa tapat ni Alchiel na siyang pirming nakacross arms habang tuwid ang tindig sa may unahan. Sa klase ng kaniyang pwesto at tayo ay parang siya pa talaga ang pinuno ng grupo namin, na hinayaan ko na lamang dahil wala naman talaga akong pakialam. Ang sa akin lamang ay nais ko na makauwi sa mundong kasalukuyan, kung saan wala na akong dapat pang intindihin katulad ng ganito.

"Ano pa’t hindi kayo kumikilos? Wala ba kayong pakialam kung masakop ng kalabang kaharian ang ating bayan?" galit na tanong ng kabalyero kay Alchiel na hindi man lang ito pinansin.

‘Ugok talaga ang isang to.’

Nakita naming nag umpisa ng sumugod ang mga red soldier sa grupo namin, kaya  sa isang kumpas ko ng kamay ay agad na lumabas ang mga kasamahan kong may malalaking pangangatawan. Isa-isa nilang inihulog ang mga malalaking bato sa mga kalaban. Dahil dito ay marami sa mga kalaban ang naipit ng mga gumugulong na malalaking bato.

Nilingon ko ang kabalyerong kanina lamang ay galit na galit dahil hindi kami nakilos. Nakita kong nakamaang ito at bahagyang nakabuka ang bibig. Dahil sa tactic na ginamit namin ay malaki ang nabawas sa bilang ng mga.pulang sundalo. Ngunit dahil marami-rami padin ang natira ay agad naman naming sinindihan ang mga hinanda naming pampasabog.

Isa-isa itong inihagis ng mga kasamahan ko. Isang malalakas na pagsabog ang nangyari dahil sa pinaghalong alcohol at gas. Sunod-sunod ang ginawa naming pagbabato ng mga pampasabog. Maya-maya pa ay nakita namin ang muling paglikas ng mga kalaban.

Isang malakas na sigaw ang aming narinig na nagsasaad na patay na daw ang Punong Heneral ng mga kalaban. Muling nagbunyi ang lahat, habang ang kabalyero na nakasakay sa kabayo ay hindi parin naaalis sa pagkakatigalgal matapos makita ang mga pangyayaring gawa ng isang sundalong alipin.

Nagpakawala akong muli ng isang malalim na buntong-hininga, at balak na sanang umalis sa lugar na aking kinatatayuan, ng salubungin ako ng masayang yakap mula sa aking mga kasamahan.

Sobrang saya nilang nagawa pa akong ihagis sa ere habang nagdidiwang. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginagawa nila o mababanas.

‘Sino ba naman kasing hindi? Eh paano kung mahulog ako dahil sa kalokohan nila?’

Sa halip na matuwa ay natakot pa akong baka mabagok ang ulo ko, oras na mamali sila ng sambot sakin. My heart drums like hell inside my chest, as I keep on shouting at them to put me down.

‘Heck! Sumasakit ang ulo ko sa kalokohan nila.’

Nang matapos sila sa paghagis sa akin ay talagang hindi ko na napigilang hindi masuka, dahil pakiramdam ko ay naalog ang utak at sikmura ko sa klase ng kanilang pag hagis sa akin.

Itinaas ko ng bahagya ang helmet sa aking ulo, saka nag umpisang sumuka sa may gilid ng bato. Tatawa-tawa naman ang mga kasamahan ko sa naging reaksyon ko.

Maya-maya pa ay biglang may dumating na sampung kabalyero mula sa himpilan ng Haring Achilles. Muling nabuhay ang aking kaba ng ipatawag ako, si Alchiel, Nikolai, Zenon at Venoss. May mahalaga raw sasabihin ang Mahal na Hari sa aming lima.

‘Diyos ko! Mukang nakahalata na sila na kami ang nagnakaw ng alak mula sa kulandong na imbakan ng mga pagkain.’

Nais ko pa sana makatakbo at tumakas. Ang balak ko ay iwanan na lamang ang apat at magtago sa kung saan mang pwede kong pagtaguan, ang kaso ay dahil naliliyo pa ako ng bahagya mula sa paghagis-hagis nila sa akin ay hindi ko na ito nagawa.

The knights immediately escorted us to the King's headquarters.

Kapwa namumutla at nanginginig na sa takot ang apat sa aking kasamahan, dahil sa biglang pagpapatawag sa amin ng Mahal na Hari. Bigla ko tuloy naalala yung mga libro from the history na nabasa ko about Achilles the Great.

His title does not end with Achilles the Great, because he is also considered as one of the most cruel King in his era. Ayon nga sa mga nabasa ko ay walang awa niyang pinagpapatay ang libo-libong mga alipin nung mga panahong siya ang namumunong hari.

At dahil sa mga isiping ito ay pakiramdam ko ay biglang tumakas ang lahat ng dugo sa aking katawan. Ramdam ko ang malamig na pawis na tumutulo sa gilid ng aking noo, habang naglalakad papuntang himpilan. Bawat hakbang ko ay ramdam ko ang bigat. Sobrang bagal rin nito na kung maari nga ay wag na ako makarating sa kinaroroonan ng hari, ay gagawin ko...

Nang makarating at makapasok kami sa kulandong ng mahal na hari, ay agad na lumuhod ako sa lalaking nasa aking harapan na nakasuot ng makinang na silver color full armor.

"Mahal na hari! Patawarin niyo po kami ng mga kasamahan ko sa pagnanakaw ng bariles ng alak sa stock room nyo po! Hindi po namin yon sinsadya- ay sinadya po pala namin iyon! Pero ginawa lang po nila ito, dahil sa pag uutos ko!" Halos mangatal na katwiran ko sa paanan ng Mahal na Hari.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status