Share

CHAPTER FOURTEEN

Napasandal na lang ako sa likod ng pintuan ng aking silid habang sapo ang aking dibdib.

"You are such a fool, Cherry! Ba't ka naman umiyak??" pagalit ko sa sarili sabay sapo ko sa aking noo.

Ngayon magtataka na sila para saan ba ang luhang iyon... naalala ko ang gulat sa mukha ni Lennox nang magtama ang aming mga mata.

Nasapo ko na lang din ang magkabila kong pisngi dahil sa labis na kahihiyan ganoon din ang aking dibdib na ang lakas ng pagtibok.

Siguradong kahit si Lennon nabigla rin at hindi niya inaasahan ang inasta kong iyon.

Ano naman kayang paliwanag ang gagawin ko? Anong idadahilan ko? Nagpaikot-ikot ako sa loob ng aking silid... hindi alam kung anong gagawin.

Dumako ang tingin ko sa pinto nang may biglang kumatok mula sa labas, mas lalo tuloy ako nataranta.

"Cherry? Can we talk?" Boses iyon ni Lennon.

Huminga muna ako ng malalim at saka tumungo sa pinto. Hawak ko na ang door knob at mariin muna akong pumikit bago ko binuksan.

"Lennon..." nahihiyang tawag ko sa kanya.

His face
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status