Share

Chapter 1: Pagbabalik-tanaw

"Maya! Heto na ang paborito nating SIOPAO ala aling Guada!" masayang bungad ni ate sa akin. Agad nitong inilabas ang plastic na naglalaman ng dalawang malalaking siopao.

Kakauwi lang nito galing sa trabaho. Isa itong pharmacist sa isang maliit na botika sa bayan nila.

"Wow! Thank you ate! Never talaga akong nawalan ng pasalubong galing sa 'yo", excited na tugon niya rito. Nakaupo na lamang siya at nagpapahinga dahil tapos na siyang magluto ng kanilang hapunan. Tumayo siya para abutin ang plastic at agad itong binuksan. Napapikit siya nang malanghap ang mabangong aroma nito.

Alam ng ate niya na kompleto na ang araw niya kapag inuwian siya nito ng siopao na binili nito sa tindahan ni aling Guada. Iba kase ang linamnam ng siopao na binebenta ng matanda. Noon pa man, ito lamang ang swak sa panlasa niya at kilala niya kung paano niluto at ginawa. Kaya naman palagi na rin silang ipinagtitira dahil suki na sila ni aling Guada.

Mabilis na binuksan niya ang plastic at kinuha ang isa, kinagatan ang parteng paborito niya. Ang pinakagitna ng siopao.

Naalala niyang bigla ang nakaraan, ang tatay nila ang unang nagpakilala sa kanila sa siopao na iyon.

May dalawang taon na rin pala mula ng mawala ang mga magulang namin.

Kinupkop kami ng tiyahin namin sa side ni nanay. Pero sa totoo lang, gusto ko kila auntie Mercy, sa bunsong kapatid ni tatay, mabait na, mayaman pa. Itong si tita Dulce, masungit na nga nuknukan pa ng damot. Kahit wala naman kaming interes sa pera nila, akala mo laging nanakawan. Hello? Maayos naman kami pinalaki nila tatay at nanay.

Laging sinasabi ni ate na pagpasensyahan na lang, pasalamat nalang daw at meron kaming natutuluyan,. Pero minsan, madalas pala ay nabbwisit din ako, sumosobra na kase sila. Lalo na ang nag-iisang anak niya na buti nalang maputi, kulot na kulot naman ang buhok, kasing kulot din ng asal niya. Tingin sa amin ni ate, ulilang palamunin samantalang kami nga ang gumagawa ng mga bagay na dapat ay siya ang gagawa kung wala kami. Pero hindi kami nagrereklamo, kahit na ako, gustong gusto ko na siya sabunutan. Lage ko lang iniisip si ate.

Mabuti na lang talaga kasama ko si ate Riza. The best ate in the world!

Parehas kaming mahilig kumanta, sa katunayan parehas kami ng paboritong kanta. Nung high school kami, tuwang tuwa sila tatay at nanay kase sa gate pa lang dinig na nila ang malakas na boses naming dalawa.

Kaya nung tumuntong ako ng third year high school kasabay ng pagkapanalo ko sa singing contest sa paaralan, binilhan nila ako ng gitara, reward sa achievement ko.

Licensed Engineer si tatay at nagtatrabaho sa munisipyo, si nanay naman ay simpleng maybahay lang. Parehas naman silang nakatapos ng pag aaral pero mas pinili pa rin ni nanay na pagsilbihan ang buong pamilya namin.

Si ate, mahilig lang kumanta pero ayaw tumugtog ng instrumento, kaya sa tuwing bakanteng oras namin, siya lage ang lead vocalist. Ako naman ang naggigitara at nagssecond voice. Habang nanonood sila nanay at tatay. Simpleng lang ang buhay namin nun, pero napakasaya.

Hindi ko kailanman naisip na mawawalan kami ng magulang nang ganoon kaaga. Bata pa rin sina nanay at tatay nun. Dahil lang sa isang aksidente, nasira ang masaya naming pamilya.

Nawalan ng preno ang minamanehong truck ng nakabangga sa mga magulang namin. Yun ang sabi, pero nung mga panahon iyon, wala ng iba pang kayang tanggapin ang utak ko. Ang tanging hangad ko lang makaligtas silang dalawa para palagi lang kaming maging masaya.

Kaya lang, talagang ang Diyos lang ang magdidikta ng kapalaran ng tao. Dead on arrival sina nanay at tatay, kahit isinugod kaagad sa ospital. Pumailalim sa truck ang motor na sinasakyan nila. Nagkaroon ng hemorrhage sa ulo at iba pang bahagi ng katawan. Kung mabubuhay man ay lantang gulay na rin. Kaya siguro pinili na lang din nila na huwag na kaming pahirapan ni ate. Hanggang sa kamatayan, ang kabaitang taglay ng mga magulang namin pa rin ang nangibabaw.

Hindi agad nag sink in sa akin na ulila na kami. After mailibing ang mga magulang namin, nagulat na lang kami na sumipot ang tiyahin namin na ang tagal naming hindi nakita. Si tita Dulce, pangalan palang parang tigre na. Dala dala niya ang isang envelope na naglalaman ng mga dokumentong pirmado "raw" ng aming mga magulang. Anito, nakasangla ang bahay at lupa namin sa kanila at matagal itong hindi nahulugan at nagpatong patong na ang interes.

Si ate Riza naman, dahil likas na mabait, sumunod na lang sa agos. Wala kang maririnig na kahit anong reklamo. Napakabait at responsable. Kasalungat ng matapang at palaban kong ugali. Pero kapag sinabi ni ate na hindi pwede at huwag kong gagawin, walang pag aatubili, susunod kaagad ako. Kaya naman nung sinabing sa kanila na kami titira dahil wala raw kaming ibang matutuluyan, umoo na lang din si ate. Akala ko magiging masaya ang buhay namin pag sumama kami, pero ginawa kaming alila. Nakatapos naman kami ni ate bago mawala sila tatay at nanay, pero dahil nakikitira lang kami at wala pang nahahanap na trabaho, hindi na kami nagmalaki pa.

Natigil ang paggunita niya sa nakaraan nang walang ano ano'y sumabat ang tiyahin niyang nasa may lamesa pala at tahimik lamang na nanonood sa kanila.

"May pa siopao pa ang ate mo kada uwi, samantalang kakarampot na nga lang ang sinasahod niya. Hindi man lang nga kayo makahati sa mga bayarin dito sa bahay.", parinig nito sa kanila, tumawa ito na tila nang uuyam.

Saglit niyang itinigil ang pagsubo at akmang tatayo upang harapin ang tiyahin. Hindi man lang nito naisip na pagkatapos ng trabaho ng ate niya, ito pa ang maglalaba ng mga damit nila. Habang siya naman ang nakatoka sa pagluluto ng hapunan at paghuhugas ng pinggan.

Hinawakan siya ng kanyang ate, tinapik ng bahagya ang kanyang balikat na para bang sinasabing pabayaan na at huwag na lang pansinin ang sinabi nito.

Lumapit ito sa tiyahin nila at nagmano. Ate niya lang ang gumagawa ng ganoon dito bilang paggalang. Pero siya, kahit anong gawin niyang pilit sa sarili, napapangiwi siya tuwing iisipin pa lang na magmamano sa malupit nilang tiyahin. Sa pakiramdam niya ay magkakasala siya kung gagawin iyon nang hindi bukal sa loob niya.

"Hayaan niyo po tita Dulce, kapag nagkaroon ako ng increase sa sweldo ay tatapong ako sa ibang bayarin natin, pasensiya na po kayo at medyo maliit pa po talaga ang sinasahod ko sa ngayon", paumanhin pa nito sa tiyahin nila

"Aba dapat lang Riza, napakamahal ng bills natin ngayon. Hindi pwedeng ako lang ang magabayad. Madalas maglagi ang kapatid mo dito sa sala para manood ng tv at ang electric fan ay palage ring nakabukas." tumingin ito sa kanya at inismiran siya.

HIndi niya na napigilan ang sariling sagutin ito. Alam rin naman nitong m*****a siya kabaligtaran ng ate niya.

"Ginagawa ko lang naman ho ang mga iyon kapag tapos na ako sa mga gawaing bahay, nagpapahinga lang po ako saglit. Pero huwag ho kayong mag-alala at maghahanap na rin ho ako ng trabaho" inis na turan niya para kontrahin ang sinabi nito.

"Aba, anong gusto mong palabasin? Na nagsisinungaling ako? Ayan! Mabuti naman at naisip mo yan, aanhin mo ang pinag aralan mo kung dito ka lang sa bahay, dagdag ka pa sa papakainin ko sa buong maghapon", inis na wika nito.

Pero kung tutuusin napakaswerte ng mga ito dahil hindi nila kailangan magbayad ng katulong. Kami na ang gumagawa ng lahat. Nakatapos kami ng pag aaral pero ganito ang turing nila sa amin. Lalo na siguro kung sila ang nagpaaral sa amin. Isang malaking biyaya na rin na bago mawala si tatay at nanay ay nakatapos kami ni ate. Darating ang panahon na makakaalis kami rito at mabubuhay ng masaya kasama ang isa't isa. Ako lang at ang ate ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status