Share

Chapter 4

Cammie

‘‘What?! Pumayag ka talaga?’’

‘‘Oo nga, paulit-ulit?’’ Naiinip kong sagot, kanina pa ito naninigurado sa akin.

Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang naging reaction ni Alisha. Kanina nga habang nasa opisina ni senator inalok niya akong maging personal maid sana ng pangatlo niyang anak na si Aciaean. Noong una ay hindi ako pumayag, mahirap na baka totoo talaga iyong kwento ni Alisha sa akin about kay Sir Aciaean lalo na rin at hindi ko pa nga ito nakilala. Kalaunan ay inalok ulit ako ni Madam Felicia, inalok niya ako na siya na lamang ang magpapaaral sa akin sa susunod na pasukan, tataasan niya rin ang sahod ko nang sa gano’n ay madali kaming makabayad sa mga utang namin at kung papayag ako pa nga ako ay maaaring sila na lamang ang tutulong sa amin na mabayaran ang lahat ng mga utang namin.

Sayang ang opportunity na lumalapit sa akin, chance na rin ito para mabayaran ang mga utang namin. Magiging yaya lang naman ng anak nila, hindi ba? Kaya ko naman sigurong gampanan iyon kapag nagsimula na, bago ako lumabas ay may pinabasa muna sila sa akin na contract. Nakapaloob sa kontrata na sa loob ng isang taon ay magiging personal maid ako ni Sir Aciaean, nakasulat din sa kontrata na kahit anong mangyari babantayan ko ang anak nila alokin man ako ni Sir Aciaean ng mas malaki pa sa alok nila para tigilan ko ang pagiging personal maid ay hinding-hindi dapat ako papayag dahil may pinirmahan na akong kontrata.

‘‘Bakit ka nga pala pumayag, Cammie?’’ biglang tanong ni Alisha sa akin habang nagtutupi ito ng mga damit.

‘‘Hindi ko alam, sayang kasi ang opportunity na lumapit sa akin upang makabayad kami ng utang.’’

‘‘Sabagay, inalok nga ako nila kanina na tataasan ang sahod ko at sila na ang magpapaaral sa akin pero ayaw ko. Baka mabali ko iyong isang taon na kontrata masyadong masungit si Sir Aciaean.’’ Napatango naman ako.

‘‘Tama ka naman but ‘yong palay na nga lumalapit sa manok ‘di ba?’’ nagkibit balikat lamang siya. ‘‘Kung hindi man kami magkakasundo ni Sir Aciaean ay hahayaan ko na lang, ang importante wala nang iisipin sila mama about sa utang namin.’’

Kinagabihan nga ay agad kong pinaalam sa mga magulang ko ang naging desisyon kong tanggapin ang alok nila sa akin. Noong una nga ay tutol sila, kaya naman daw nilang bayaran ang utang at hindi ko na raw kailangan pang magsakripisyo ulit para lamang makabayad agad ng utang. Pero noong naikwento ko na nga na may konrata akong pinirmahan ay biglang wala silang nasabi, alam nilang mabisa ang kontrata at hindi ‘yon basta-basta na lamang.

‘‘Hindi mo naman talaga kailangan ang pumayag, anak. Makakabayad naman tayo kahit na paunti-unti,’’ pagpapaliwanag ni mama.

‘‘Alam ko naman, ma. Ang sa akin lang naman ay sayang ang opportunity kung tatanggihan ko para na rin kung sakali ang panaderya na lamang ang pagkakaabalahan ni’yo na lumago pa.’’

Kung ano sa tingin ko ang tama ay gagawin ko. Pakiramdam ko naman ay tama itong magiging decision ko kahit na alam kong mahihirapan ako sa haharapin.

‘‘Nasa sa ‘yo naman talaga ang magiging desisyon mo, anak. Ang sa amin ay gabay lamang, huwag mo masyadong pahirapan ang sarili mo, anak,’’ makahulugang paliwanag niya.

‘‘Oo na po, ma. Huwag na kayong mag-alala ni papa pati ni bunso, ako na ang bahala sa lahat,’’ sambit ko habang nakangiti. ‘‘Kaya huwag kayong mag-alala sa akin kaya ko pa naman, ma, at kakayanin ko ano man ang mangyari.’’

‘‘Ayos na, anak, mag-iingat ka na lamang d’yan.’’

‘‘Opo, mama, kayo rin. Matulog ka na, ma, gabi na at matutulog na rin ako," inaantok na talaga ako. ‘‘Mahal ko kayo!’’

Pipikit na sana ako nang biglang pumasok si Alisha, umalis ito kanina habang nag-uusap kami kasi tumawag ang tita niya. Hindi ko alam kung bakit bumalik itong bagsak balikat nais ko naman sana itong tanungin pero agad itong pumasok sa banyo.

‘‘Alisha, ayos ka lang ba?’’

‘‘Oo naman, bakit?!’’ pasigaw nitong sagot.

‘‘Wala naman, let me know if may problema ka baka may maitulong ako, alam mo na.’’ mungkahi ko bago bumalik sa pagkakahiga.

Bukas panibagong araw na naman. Hindi ko pala natanong kung kailan ako magsisimula bilang personal maid ni Sir Aciaean.

Bakit nga ba ako pumayag?

Ang alam ko lang naman ay nakumbinsi nila ako, may alok si Madam Felicia na alam kung magiging tama ang desisyon ko kapag pumayag. May weird feelings din akong nararamdaman isa na roon ang pumayag dahil gustong makilala ang anak nila at kung anong pakiramdam na naramdaman sa sinabi ni Madam Felicia tungkol sa anak nila.

‘‘Sana naman hindi ako makaramdam ng kung anong pagsisisi sa naging desisyon,’’ bulalas ko.

Nawala lamang ako sa mga iniisip ng biglang lumabas si Alisha sa banyo halatang umiiyak dahil sumisinghot-singhot pa ito. Napabalikwas ako ng wala sa oras at agad siyang tinanong. ‘‘Anong nangyari?’’

Niyakap niya ako ng makaupo na siya sa higaan niya kaya mas niyakap ko rin siya pabalik. Pakiramdam ko hindi lang basta-basta na problema itong iniiyakan ni Alisha. Sa loob ng halos isang buwan ay naging malapit na ako sa kanya naging kapatid na nga ang turing ko sa isa’t isa. Isang beses ay naikwento niya sa akin ang hirap na dinanas nila kaya naman ngayon ay nandito siya namamasukan biglang isang kasambahay kasama ko.

‘‘Anong nangyari, Alisha? May masama bang nangyari?’’ sunod-sunod kong tanong habang inaalog siya.

Umiling-iling ito at patuloy sa pag-iyak pero nang kalaunan ay nagsalita ito.

‘‘M-Masamang kaibigan ba ako, Cammie?’’ umiling ako. ‘‘Masamang a-anak ba ako? Hindi ba hindi?’’

‘‘Hindi, hindi ka masamang kaibigan at hindi ka masamang anak,’’ umiling-iling ako habang sumasagot. ‘‘Bakit, ano ba ang nangyari?’’

‘‘M-masama ba na ako ang naging kapatid at ate nila?’’

‘‘Shh, hindi ka masamang anak at hindi ka rin masamang kapatid para sa akin ikaw ang pinakamabuting anak,’’ nakikinig lamang ito sa akin.

‘‘P-pero, bakit gano’n sila sa a-akin? Bakit pinapahirapan nila ako? Bakit sa akin nila sinisisi, ang sakit na eh. Ang sakit-sakit na, ang sakit na ganito na lang palagi.’’

Hindi ko alam kung ano na naman ang nangyari nais kong alamin pero alam kong hindi niya sasabihin sa akin. Bata pa lamang ay si Alisha na itong kawawa sa kanilang magkakapatid. Sa batang edad ay maaga niyang hinarap ang hindi mabuting trato ng kanyang ina, hindi niya alam kung bakit pero nahahalataan niyang mas paborito ng kanyang ina ang mga mas nakababata niyang kapatid. Sa murang edad ay natuto siyang magtrababo habang nag-aaral. Mahirap lamang sila, ang kanyang ina ay isang ganap na labandera habang ang kanyang ama ay tricycle driver mayroon namana siyang tatlong kapatid. Simula nang maaksidente ang kanyang ama sa pamamasada ay nagbago ang takbo ng buhay nila mas lumala ang pagmamalupit ng kanyang ina sa kanya na mas lumala pa dahil nakisali sa na rin ang kanyang tiyahin nang lumipat sila ng matitirahan.

‘‘Cammie?’’

‘‘Hmm?’’

‘‘Tama pa ba . . . ang mga naging desisyon ko?’’ nanghihina niyang tanong.

Napaisip naman ako, wala naman akong nakikitang mali sa mga kinikilos at kwento niya sa akin dahil alam kong lahat iyon ay para sa kapakanan ng kaniyang pamilya. ‘‘Hmm, oo naman, bakit?’’

‘‘Pakiramdam ko kasi may pagkukulang ako bilang ate, bilang isang kapatid at anak," umiiyak na naman ito. "Pakiramdam ko kasalanan ko . . .’’ tuluyan na namang bumuhos ang kamiyang mga luha dala sa napapadalas niyang pagsinghot. ‘‘Kasalanan ko kung bakit nabuntis ng maaga ang kapatid ko, kung bakit masisisira ang kinabukasan niya, p-pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat.’’

Nabuntis?

Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko ng marinig ang sinabi niya. Nabuntis, isa lang naman ang nakababatang babae niyang kapatid at iyon ang pinagmamalaki niyang kapatid. Matalino at mabait itong kapatid niya, naikwento pa niya na ni ang pagbasag ng pinggan ay hindi nito magagawa sa sobrang hinhin. Kaya bakit ito nabuntis na lamang?

‘‘K-kasalanan ko ito . . . kasalanan ko kung sana nagabayan ko siya a-at kung sana nasa tabi niya ako.’’ Patuloy lamang itong umiiyak habang ako walang ibang magawa kung hindi ang mas yakapin siya.

May itatanong pa sana ako sa umiiyak na si Alisha ng maramdamang bumibigat na ito sa yakap ko, sinilip ko ito at nakitang nakatulog na pala ito sa kakaiyak. Mugto na ang mga mata niya at mahinang humihikbi nang maingat ko siyang pinahiga, takot na magising siya at baka umiyak na naman.

Kailangan niya ng pahinga para bukas makausap ko siya ng maayos, masyado siyang nabigla at ramdam ko iyon.

Naalala ko naman ang pag-uusap namin ni Alisha, nagkwentuhan kami tungkol sa mga kapatid namin.

‘‘Anong ugali ang mayroon sa mga kapatid mo?’’ minsang tanong ko sa kaniya noong napag-usapan namin ang buhay kapiling ng mga kapatid niya.

‘‘Wala naman masyado bukod sa lahat sila mababait at matalino ay mas angat iyong sumunod sa akin,’’ nakangiti siya tila may inaalala. ‘‘Si Kiesha, mas doble ang bait no’n at mas matalino proud na proud nga kami sa kaniya halos hindi makabasag ng pinggan sa sobrang hinhin,’’ pareho naman kaming napatawa.

‘‘Alam mo, Cams, naiinggit ako sa kaniya. Si mama, alam mo ‘yon? Proud na proud siya sa mga kapatid ko lalo na kay Keisha tipong ako ang palaging nakukumpara na ‘dapat gumaya ka sa kapatid mo’ na dapat daw ganito at ganiyan sa mga nakababatang kapatid ko pero ayos lang naman hindi naman siya masakit nasanay na nga ako, eh,’’ tinawa niya lang iyon, pakiramdam ko naman ay may kung anong libong karayom na tumusok sa puso ko.

‘‘Minsan nga naiisip ko na sa aming magkakapatid, siya iyong sure na sure na ang kinabukasan kasi maraming mga tao ang handa at gustong tumulong sa kan’ya,’’ napangiti naman ito ng mapait na agaran niya namang tinawa. ‘‘Habang ito pa rin ako kinukumpara pinipilit baguhin ang sarili para lamang madama ang pagmamahal nila sa akin.  Nakahinto pa nga ako sa pag-aaral para lamang masigurado ang magiging maliwanag at maganda ang kinabukasan na naghihintay sa kanila.’’

‘‘Huwag mo nga iyang sabihin, alam mo na sa inyong magkapatid ikaw ang pinakamabait at pinakaqmatalino, alam mo kung bakit?’’ umiling naman ito habang ako napairap na lamang.

Masyado niyang nililiitan ang tingin sa sarili.

‘‘Ito ka sa harapan ko, kumakayod para sa kanila habang sinakripisyo ang para sa sarili at iyon na ang pinakamabuti at pinakamatalinong nagawa mo. Willing kang magpakumbaba para mabigyan sila ng masarap na buhay sa hinaharap,’’ kaya naman tinitigan ko siya sa mata. ‘‘Huwag mo nga babaan ang tingin mo sa sarili mo!’’

‘‘Nakakainis ka alam mo iyon?’’ tanong ko sa kaniya, tumawa lamang ito kaya natawa na rin ako.

(**) msidlemind

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status