Masakit na masakit ang dibdib ko dahil sa natuklasan kong panloloko sa akin ng dalawang taong itinuring ko na siyang pinakamalapit sa akin. Wala akong kaalam-alam na isinusuka na pala ako ni Ted. Na habang ginagawa namin ang ginagawa ng mga mag-asawa ay ibang babae pala ang iniisip niyang kasiping. At ang matalik ko pang kaibigan. Nagsisisi ako kung bakit ipinagkatiwala ko pa sa kanya ang aking sarili. Kung bakit ko pa siya nakilala at minahal.Dahil sa sakit ng dibdib ay ipinasya kong magtungo sa isang bar. Gusto kong magpakalunod sa alak. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak para kahit paano ay pansamantala kong makalimutan ang sakit na dulot ng mga natuklasan ko."Miss, saan ang punta mo?" tanong sa akin ng driver na puno ng pagtataka ang mukha. Marahil ay nagtataka ito kung bakit siya umiiyak."Dalhin mo ako sa pinakamalapit na bar," sagot ko habang sumisinghot."Sa tingin ko ay dapat na umuwi ka na
Ang sakit ng ulo nang magising ako. Ito na yata ang tinatawag na hangover. Naparami kasi ako ng inom kagabi kaya parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Although I drinks alcohol but I seldom got drunk. Patikim-tikim lamang kasi kung uminom ako ng alak kaya hindi ko naranasang malasing talaga at magka-hangover. Ngayon lang.Akmang babangon na ako sa kinahihigaan ko nang ma-realized kong nasa loob ako ng kuwarto ng bahay ni Rafael. Biglang napakunot ang aking noo. I don't remember that I came home after I got drunk. So how did I came here?"Mabuti at gising ka na, Feelin," sabi ni Rafael na biglang pumasok sa nakabukas palang pintuan. Seryoso ang anyo na iniabot niya sa akin ang isang tableta at isang basong tubig. "Heto ang gamot. Inumin mo para mawala ang hangover mo."Akmang ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang maramdaman ko ang paghilab ng aking sikmura. Agad
"Can you repeat what you just said?" tila nabingi kong tanongĀ sa kanya. Sa tingin ko ay imposibleng magahasa si Rafael ni Feelin. Ang laki nitong lalaki at isa pa itong pulis. Kaya malamang ay binibiro niya lamang ako."You heard what I said so I will not repeat it again," tugon niya sa akin sa seryosong anyo."It's ridiculous! How can rape a strong man and also a police like you?" bulalas ko nang makita na mukhang nagsasabi siya ng totoo. "Yes, it's ridiculous. But you did. And it's a shame once the people know that a police captain like me was raped by spoiled woman like you. People will laugh at me that's why I choose to marry you," hindi humihiwalay sa akin ang mga paningin na sa sagot niya.Ilang beses akong napakurap-kurap habnag nakatingin sa mukha niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Feelin ang bagay na 'yon dahil sa sobrang pagmamahal nito kay Rafael. At kahit hindi naman ako gumahasa sa ka
Kinakabahan ako habang papasok ako sa condo kung saan narito ang aking condo unit. Baka kasi hindi ako papasukin ng guard dahil hindi naman ako nakatira rito, I mean, si Feelin pala. Mas mahigpit ang guard ng condo ko kaysa sa tinitirahang condo ni Ted. Sabagay, mas mahal kasi ang condo na tinitirahan ko kaysa kay Ted kaya siguro ganoon. Abot-abot ang dasal ko na sanay ay hindi ako mapansin ng guard lalo pa at may mga kinakausap itong customers. Kapag sinita niya ako at hindi pinapasok ay tiyak na sa isang mumurahing apartelle ako ngayon matutulog. Mabuti na lamang at hindi ko kinalimutang dalhin ang pera na pinagbentahan ko ng wedding ring ni Feelin. Sorry na lang Feelin at ibinenta ko ang wedding ring mo. Gipit lang talaga ako at saka ikaw lang naman ang nagpapahalaga sa pagsasama ninyong dalawa. Ganoon talaga siguro kapag pinikot mo lang ang asawa mo. "Sandali lang, Miss!" malakas n
Paano nangyaring nandito ang pangalan ni Feelin? At nakasulat na talagang sa kanya ko nga iniiwan ang lahat ng mga pag-aari ko pati na ang condo na ito sakali mang may masamang mangyari sa akin. At kapag may masamang mangyari naman kay Feelin ay saka pa lamang mapupunta kay Ted ang mga pag-aari ko. Lihim akong napangiwi sa huling nabasa ko. Bakit ko ba isinulat pa ito? Para ko na ring sinabi kay Ted na patayin niya si Feelin para mapunta dito ang lahat ng mga pag-aari ko. Pero hindi bali na. Sa ibang araw ko na lamang iisipin ito. Ang mahalaga ngayon ay ako ang mananalo sa aming dalawa ni Ted. Hindi ako mapapalayas sa condo ko dahil may katibayan na akong hawak na pirmado pa ng isang abogado na siyempre'y kilala ko dahil siya ang aking abogado."O bakit hindi ka na nakagalaw diyan? Ano iyang mga papeles na binabasa mo?" tanong ni Ted sa akin. Tila nainip na siya sa paghihintay sa akin kaya nilapitan na niya ako at pahablot na kinuha sa akin ang mga
Biglang naningkit ang mga mata ni Rafael nang marinig ang mabilis kong pagpayag sa alok niya. Siyempre, bakit naman hindi ako papayag kung kapalit ng pag-arte ko bilang loving wife sa harap ng pamilya niya ay ang aking kalayaan?"Inuulit ko. You are my loving wife. Alam ng family ko kung gaano ako kamahal ni Feelin kakaya kapag malamig ang pakikitungo mo sa akin at tila ba gusto mong tumakbo kapag nasa harapan ako ay tiyak na makakahalata sila," nakasimangot na paalala niya sa akin. I just rolled my eyeballs. Kung hindi ko lamang alam na pinikot lamang siya ni Feelin ay iisipin kong may gusto siya sa asawa niya."Rafael, I miss you. I love you, Rafael," malambing kong sabi sa kanya pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan na tila ba ngayon lang siya nayakap ng isang babae. Hindi ba siya niyayakap ni Mitzy? B
"What are you doing, Rafael?" mahina kong tanong sa kanya when he pinned me in the wall and hugged me. "Shut up and just follow my lead," mahinang sagot naman niya sa akin.Naguguluhan ako sa inakto niya ngunit agad ko ring nalinawan kung bakit weird ang ikinilos nito nang marinig ko ang boses ng mommy nito na nagsalita. Iyon pala ay nasa labas ng pintuan nang kuwarto ang mommy nito at nakatingin sa amin habang matamis ang pagkakangiti."Feelin, hayaan mo munang magbihis ang asawa mo. Naku, kayong dalawa talaga oo. Hindi na ako magtataka kung malalaman ko na buntis ka na agad," nakangiting lumapit sa amin ang mommy ni Rafael para hilahin ako na nananating yakap pa rin ni Rafael.Pinamulahan ako ng mga pisngi dahil sa sinabi nito. Kahit imposibleng mangyari iyon at mali ang iniisip nito ay nahuhilaan ko na ang iniisip nito sa aming dalawa ni Rafael. Nang tingnan ko ang lalaki ay hindi nakaligtas sa mata
Pakiramdam ko ay nalunok ko ang dila ko nang marinig ko ang sinabi ng mga magulang ni Rafael. Gusto nilang magkaroon kami ni Rafael ng anak? No way! Sa muli nilang pagbakasyon ay tiyak na hiwalay na kami ni Rafael that time."Mom, huwag mo naman biglaan si Feelin. Bago pa lamang kaming mag-asawa kaya natural lamang na ini-enjoy muna namin ang isa't isa. Pero darating din tayo sa bagay na iyan," ani Rafael matapos hawakan ang kamay ko at bahagyang pinisil para iparating sa akin na huwag na akong magsalita.Hindi ko maintindihan ngunit tila nakaramdam ako ng isang mainit na bagay na tumulay mula sa kamay ni Rafael papunta sa kamay ko. Hindi ko tuloy napigilan ang mapatitig sa mukha niya. Iniisip ko kung naramdaman din kaya niya ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko? Saglit ko siyang in-obserbahan ngunit walang senyales na naramdaman din niya ang naramdaman ko kaya nagkibit na lamang ako ng balikat at nagpasyang huwag ng pansinin ang