Share

CHAPTER 9 - Cursed Gift

NAGISING si Mark na may tinatawag na pangalan. Nasambit niya ang pasasalamat nang mapagtantong panaginip lang pala. Napakasama ng kanyang panaginip. Sa kanyang panaginip ay nagtagumpay ang kaaway na kunin ang kanyang mga magulang. Sa isang eksena naman ng kanyang panaginip ay kasama niya si Jade at muli siyang nakipaglaban sa mga halimaw. Subalit hindi niya naprotektahan si Jade at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Sa kanyang panaginip ay tila ba may malapit siyang kaugnayan sa dalaga. Hindi niya maintindihan pero ramdam niya ang matinding kalungkutan nang mawala ito. Makailang beses niyang tinawag si Uriel upang humingi ng tulong subalit hindi ito dumating.

Lumabas siya ng silid at tinungo ang minibar na malapit sa living room. Nagsalin siya ng alak sa baso. Ilang gabi na siyang dinadalaw ng mga masasamang panaginip na pakiwari niya ay parang totoo. Muli siyang nagsalin ng alak sa baso nang maubos niya. Gusto niyang makatulog nang mahimbing dahil halos isang oras pa lamang siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status