Share

CHAPTER 28 - The Proposal

Naalimpungatan si Jade dahil sa walang humpay na pag-alarm ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata sabay napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas-otso na pala, subalit sa palagay niya ay may dalawang oras pa lamang siyang nakakatulog dahil sa nangyaring pagtatalo nila ni Mark kagabi. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Mark. Wala na ito sa hinigaan nitong sofa kaya inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Subalit hindi niya ito makita. Kung kaya't mabilis na tinungo muna niya ang shower room dahil late na rin siya sa trabaho. Hindi siya makapaniwalang puro palpak na performance ang naipapakita niya kay Mark mula nang dumating ito.

Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot na siya ng uniform, mabilis na inayos niya ang kanyang buhok at naglagay ng kaunting make-up. Nang matapos siya ay agad na bumaba sa coffee shop dahil nagbabakasakaling naroon din si Mark. Gusto niya itong makausap nang hindi lasing upang makapagpaliwanag siya. I
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status