PINATAY ni Geoffrey ang tawag niya kay Alyson. Ayaw na niyang makipag-usap dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon. Hindi niya lubos maisip na hahamunin siya ni Alyson na bayaran niya ito. Sa isip niya ay paniguradong may nagsulsol at nagsabi nito na gawin niya iyon. Padabog na sumakay na siya ng kotse. Pinaharurot iyon patungo ng company nila dahil may trabaho pa siya ngayon. Isiningit lang niya sa schedule ang pagpunta sa RTC para sa pirmahan. Wala naman palang mapapala. Malamang una pa lang ay plano na ni Alyson na hindi pumunta para magatasan pa siya nito ng pera. "Inilalabas na niya ngayon ang tunay na kulay. Samantalang dati naman ay wala siyang ibang naging reklamo."Niluwagan ni Geoff ang suot na necktie dahil parang masasakal siya nito. Kinalma niya ang sarili bago bumaba ng kotse. Ilang minuto na siya sa parking ng building ng company nila, pero hindi pa siya bumaba dahil paniguradong mabubuntunan niya ng galit ang sinuman sa mga tauhan niya sa loob. "Sir Geof
HINDI magkandaugaga ang mga staff, nurses at doctor ng hospital na iyon nang makita nilang naroon ang sikat na business tycoon at CEO na si Geoffrey Carreon mula sa Carreon Holdings. Gulat na gulat sila kung ano ang ginagawa nito sa hospital nila. Panay ang irit ng karamihan, kilig na kilig sa presensiya ng lalake. Ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang bumulong sa katabi at manghampas. Walang sinuman ang naglakas ng loob na lumapit sa kanya habang iginagala niya ang mata sa kabuohan ng ER kung saan naroon si Alyson. Hawak pa rin ng lalake ang kurtina na tumatakip sa kamang hinihigaan ni Alyson na nagawa ng makabangon. "Totoo ngang nasa hospital ka."Walang pasubaling binunot ni Alyson ang karayom na nakabaon sa kamay. Dumugo iyon pero hindi niya alintana. Napamulagat na ang mata ni Geoff ng gawin iyon ni Alyson sa harapan. "Nawawala ka na ba sa tamang katinuan, Geoff? Bakit ka narito?!"Hinawakan na siya ni Alyson nang mahigpit sa isang braso at hinila palayo ng kama. May ilang nu
Sa pagtitig ng mga mata ni Geoff kay Alyson habang sinasabi iyon ng babae ay saka pa lang niya naisip na malaki ang pinagbago nito. Kung noon ay hindi nito magawang tumingin sa kanya ng deretso at palaging nakatungo, ngayon ay nagagawa ng labanan ang tingin niya. Sinasalubong na ang mga mata niya. Natatandaan niya pa kung bakit siya nabighani kay Alyson. Kahawig ito ni Loraine pero ang kaibahan lang ay payat ito keysa sa dating nobya niya. "Alyson, may mga araw naman na mabuti ako sa'yo—""Anong araw? Gabi. Kapag lasing ka. Iyon lang ang sandaling mahalaga ako dahil gusto mong gamitin ang katawan ko. Huwag mo akong gawing sinungaling, Geoffrey!" padyak pa ng mga paa ni Alyson. Natitigilang hindi maituloy ni Geoff ang mga sasabihin niya pa sana rito. "Pagsisisihan mong ipinaranas mo sa akin ang ganito, Geoff!" banta ni Alyson na umayos na ng tayo roon. Akmang magsasalita pa sana si Alyson nang biglang talikuran siya ni Geoff. "Fine. Tara. Let's date! Kung iyon lang ang isa sa pi
TUMIGIL sa paghakbang si Geoff nang maramdaman niyang hindi pa sumunod si Alyson sa kanya. Akma na sanang magsasalita ito para tanungin si Alyson kung ano pa ang tinutunganga nito, subalit napigilan iyon nang malakas na tunog ng kanyang cellphone sa loob ng bulsa. "Anong hinihintay mo? Sagutin mo."Mula sa screen ng cellphone niya ay napalingon na si Geoff kay Alyson. Hindi niya namalayan itong lumapit. Ang akala niya ay nasa likod pa rin. "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magsasalita para iparating sa kanya na kasama mo ako ngayon." ngisi pa ni Alyson na nababasa na ang tinatakbo ng isipan ni Geoff. Sinamaan na ng tingin ni Geoff si Alyson. Duda siya sa sinasabi nitong hindi ito magsasalita. Malamang ay magagalit si Loraine oras na marinig nito ang boses ni Alyson. Magseselos at baka pag-ugatan pa ng away nila. Kilala niya ang unang kasintahan. "Sige na, sagutin mo na. Magagalit iyan sa'yo kapag hindi mo sinagot. Ikaw din ang magdudusa. Hindi ako."Umatras na si Geoff upang
"Oh, narito na pala ang soon to be ex-hipag ko." nang-aasar na bungad ni Xandria, bunsong kapatid ni Geoff pagkabukas pa lang nito ng pintuan. Hindi nagawang pumalag ni Alyson nang kaladkarin na siya papasok ng sasakyan ni Geoff upang isama sa bahay nila. Ano bang panama niya sa lakas ng lalake? Nanghihina pa siya. Bukod doon ay malakas ang pwersa ng asawa. Wala siyang panama rito. "Nice naman, alam mo bang narito rin ang other woman ni Kuya sa bahay?" puno ng sarkasmong dagdag pa nito. Hindi malaman ni Alyson kung inaasar ba siya ni Xandria o nais lang nitong pikunin siya at galitin ngayon. Sinigurado niyang hindi makukuha ni Xandria ang gusto niyang mangyari. Lingid sa kaalaman ni Geoff na ang kapatid niya ang naka-discover ng tungkol kay Loraine. May ilan sa mga kaibigan nito ang nakapagsabi sa kanya na nakikita ang kapatid niya at si Loraine kaya minanmanan niya. At nang mapagsolo si Loraine ay sinita niya. Wala namang choice si Loraine kung hindi ang umamin. Ibinaling na lang
MAGULO ang isipan ni Alyson habang nakabuntot lang kay Geoff. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang pagsasawalang bahala nito sa naging sagutan nila ng kapatid ni Geoff kanina. Kung sa normal na araw lang iyon ay siya pa rin ang magiging mali sa kanilang dalawa kanina. At ito ang kakampihan nito. Ngunit lubos ang pagtataka niya na hindi ito nangyari. Nakatingin lang siya sa malapad na likod nito habang patungo sila sa dining room ng mansion ng mga Carreon. Akma na sana siyang magtatanong kung ano ang nakain ni Geoff para huwag pansinin ang kapatid, pero hindi na niya nagawa dahil narinig na niya ang boses ni Loraine."Alam ko pong mali ang ginawa ko pero mahal po namin ang isa't-isa. Alam niyo naman po iyon, noon pa."Napaismid na si Alyson marinig pa lang ang boses nitong nagpapaawa. Paano pa kaya kapag nakita na niya ang mukha ng kerida ng asaw niya? "Sabi nga po ng matatanda, ang tunay na pag-ibig harangan man ng sibat ay hindi pa rin magpapaawat."Kaharap nito ang pamilya ni Geof
Marahas na hinaklit ni Geoff si Alyson sa isang braso matapos na bitawan niya si Loraine. Hindi niya na maatim ang palitan nila ng mga salita roon. "Bitawan mo nga ako!""Mag-usap tayo ng tayong dalawa—""Para ano? Para pagbuhatan mo na naman ako ng kamay? Nangako ka sa akin, Geoff kahit iyon man lang sana ay tuparin mo ngayon!"Nagngalit pa ang mga ngipin ni Geoff na pikon na pikon na rin kay Alyson. Hindi ito ang inaasahan niyang mangyayari. Iba. Mas kalmado nilang maaayos ang problema ngayon rito, ngunit sa halip na maayos ay lalong gumulo. Hindi na nga naayos ang isyu sa part ni Loraine sa pamilya niya, ito pa, nadagdagan pa rin iyon. "Sa labas tayo mag-usap. Lilinawin ko lang ang lahat ng napagkasunduan—" "Bakit sa labas pa? Bakit ayaw mong iparinig iyon sa kanila? Ayaw mo roon may witness sa kasunduan natin?"Hindi bumitaw si Geoff. Humigpit pa ang hawak nito sa braso niya. Puno na ng warning ang mga mata niya. "Geoff di ba sabi mo barya lang iyon? Ano pa ba ang inirereklamo
PINAGMASDAN pang mabuti ni Loraine si Alyson. Mahimbing pa rin itong natutulog. Idagdag pa ang mga gamot na binigay ng doctor sa kanya. "Hindi mo kailangang sundan ako rito, Loraine. Sana ay sa bahay ka na lang at hinintay mo akong umuwi."Muling umangkla ang isang kamay ni Loraine kay Geoff. Dumikit pa ito dito. Out of place na lumayo ang doctor. Ni hindi na nasagot ang tanong ni Geoff. "Akala ko mag-uusap lang kayo sa labas. Matagal na noong hilahin mo siya kaya minabuti kong sumunod. Mukhang hindi na rin naman yata tuloy ang pakikipag-usap ko sa mga magulang mo. Hindi na sila bumalik."Hindi na nagkomento si Geoff at binalikan na lang ang mga nangyari. "Ang Mom mo na lang ang bumalik at alam mo kung ano ang sinabi niya?Ipatanggal ko anumang mangyari." Alam na ni Geoff na ang tinitukoy nito ay ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hilaw na ang naging ngiti ni Loraine. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang trato ng mga magulang ni Geoff sa kanya. Alam niya sa sarili niya kung s