Bagama't napapahiya at masakit ang balakang sa pagkakatulak ni Geoff ay nakuha pang ngumiti si Alyson. Ilang saglit pa ay pinilit niya ang sariling tumayo. Namimilipit na siyang agad na napahawak sa kanyang puson. Bakas na rin sa mukha niya ang sakit.
Noon pa lang naalala na nakalimutan niya ang gamot. Idagdag pa na galing lang siya sa sobrang pagdurugo. Sa sobrang dami ng kanyang iniisip ay hindi niya matandaan ang nangyari."Kasalanan niya ito, B-Babe. Gusto niyang mawala ang baby natin dahil naiinggit siya na di kayo magkaanak."Napasinghap ang mga nakarinig dito. Naniwala kaagad sa akusasyon na walang basehan. Ginulo na ni Alyson ang buhok dahil hindi siya makapaniwalang magagawang sabihin iyon ng babaeng ito na parang aspalto sa kalsada ang kapal ng pagmumukha."Ulitin mo nga ang sinabi mo, Loraine! Kasalanan ko ang nangyari sa'yo? Ako talaga?" hindi na nakapagtimpi ay turo ni Alyson sa sarili na saglit nakalimutan ang sakit ng kalamnan. "Sigurado kang ako ang may gawa?"Walang kaamor-amor na tumawa si Alyson. Umayos na siya roon ng tayo."Naririnig mo ba ang sarili mo, Loraine? Huwag kang magpaawa. Huwag kang gumawa ng kwento dahil ikaw ang unang sumugod. Ikaw ang gumawa ng ikakapahamak mo—""That's enough, Alyson!"Humalay sa kabuohan ng shop ang malakas at buong tinig ng galit na si Geoff. Halos magbuhol na ang mga kilay nito sa sobrang pagkapikon."Kahit ano pa ang sabihin mo, kahit ano pa ang gawin mo hindi na mawawala sa isip ko na binalak mong gawan ng masama ang batang walang muwang at nasa sinapupunan pa lang. Grabe ka, Alyson! Napakasama mo. Hindi mo ba matanggap ang desisyon ko?"Akmang mangangatwiran pa sana si Alyson sa bintang ng asawa, ngunit naramdaman na niyang umiikot ang paningin niya. Nahihilo na siya. Bakas na rin sa mukha niya ang pamumutla. Sumidhi pa ang sakit ng puson niya. Para iyong pinipiga kaya napapilipit na siya na parang mauubos ang hangin sa kanyang katawan."Ikaw na ang pinakawalang kwentang babaeng nakilala ko!" duro pa nito sa pagmumukha niya na galit na galit.Mariing itinikom ni Alyson ang bibig niya na halos ay mas mangitim na. Gusto na lang niyang mawala sa harap niya ang dalawa para makaalis na sa lugar. Hindi na niya iyon kaya.Tumayo na si Geoff at akma nang susugod kay Alyson pero nahila na ni Loraine ang laylayan ng damit niya."Huwag mo na siyang patulan, Babe." pinalamlam pa nito ang mukha, "Magsasayang ka lang ng laway."Salit-salitan ang naging tingin ni Geoff kay Alyson at Loraine. Naisip niya na kinabukasan ng araw na iyon ay tuluyan na siyang mawawalan ng koneksyon sa babaeng kaharap nila. Nang muling mapangiwi si Loraine sa sakit ng tiyan ay walang pakundangan na niya itong binuhat. Bridal style iyon. Nahawi ang mga tao sa paligid na nakapalibot sa kanila upang bigyan sila ng daan.Sa pagtalikod ni Geoff ay naiwang mag-isa si Alyson na biglang paupo na namang napasalampak sa sahig. Ilang beses niyang sinubukang tumayo pero pakiramdam niya ay nahahati sa dalawa ang balakang niya. Ilang beses din siyang huminga nang malalim. Nag-iipon ng lakas para subukang muling tumayo. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit na kumalat sa sahig ng shop. Hindi alintana ang bulungan at kung anu-anong akusasyon ng mga tao.'Saan ako kukuha ng perang ibibigay ko bukas kay Mama?' iyon ang unang tumatak sa isipan ni Alyson.Matapos na mapulot niya ang lahat ng gamit ay tumayo na siya. May iba pang onlookers ang nakatingin sa kanya pero taas ang noong lumakad na siya palabas ng naturang shop.Habang pauwi ay hindi mapigilan ni Alyson ang maiyak. Nakailang punas siya ng kanyang luhang pumapatak. Hindi pinansin ang cab driver na panay ang sulyap sa rearview mirror.Pagdating ng bahay ay agad niyang inayos ang sarili. Nag-iisip ng iba pang paraan para magkaroon ng pera. Agad niyang naisip si Kevin. Pinili niya na muli itong tawagan."Kung mag-a-apply ako ng trabaho sa kumpanya niyo, ano bang mostly na design ang kailangan kong ipasa upang ma-qualify lang sa team niyo?""Hindi mo kailangang magpasa. Basta pumunta ka na lang at—""Kailangan ko ng madaliang pera."Hindi sumagot si Kevin sa kabilang linya. Nag-iisip ng isasagot sa kanya."Huwag kang mag-alala, gagalingan ko. Aayusin ko ang design na sa inyo ay pinapagawa. Tulungan mo naman ako. Kailangan ko lang talaga...""Sige, titingnan ko kung ano ang magagawa ko Alyson. Tatawagan kita mamaya. Titingnan ko muna.""Sige, maraming salamat."Matapos na kumain ng late na lunch ni Alyson ay nakatanggap na siya ng tawag mula kay Kevin. Dala nito ang balita na may nahanap siyang project na matagal ng nakatengga sa kanila."Medyo complicated lang ang gusto ng client na blueprint, pero alam ko na kaya mo ito dahil magaling ka.""Gaano ka-kumplikado?""Email ko na lang sa'yo ang details na gusto ng client. Kapag natapos mo ay makukuha mo rin agad ang bayad.""Sige, hihintayin ko."Nagpunta na si Alyson sa harap ng computer niya upang hintayin ang email. Ilang minuto lang ang hinintay niya at dumating ang email ni Kevin."Natanggap ko na ang email, Kevin. Let me check it first. Babalikan kita mamaya kung matatapos ko ito.""Sige."Pinag-aralang mabuti ni Alyson ang design na request ng client nila. Nang matantiya niyang kaya naman niya ay muli niyang tinawagan si Kevin."Ano sa tingin mo, Alyson?""Kaya kong tapusin hanggang bukas.""Sure ka?""Yes.""Sige-sige. Alam mo bang marami ang tumangging gawin iyan? Bukod sa masyadong kumplikado ng design ay baka hindi nila mapangatawanan. Pero ikaw? Malaki ang tiwala ko sa'yo. The best ka eh, magaling ka."Pagak na tumawa lang si Alyson."Kailangan ko ng pera kaya syempre gagalingan ko. Pera ang kapalit eh."Natawa na rin si Kevin sa kabilang linya. Hindi mapigilang humanga pa."Sasabihan kita once natapos na. Pero ang usapan natin ay bibigyan mo ako ng bayad agad—""Oo naman, sige."Matapos na pag-aralan ni Alyson ang plan na gustong mangyari ng client ay nagsimula na siyang mag-sketch. Inabot na siya ng hapon hanggang gabi ay hindi niya pa rin iyon tinigilan."Kailangan ko itong matapos," bulong niya habang pinapaputok ang leeg at nag e-stretching ng kanyang braso.Nagtimpla siya ng chocolate drinks. Iyon kasi ang nagbibigay sa kanya ng energy. Kung sa iba ay kape, sa kanya ay hot chocolate ang mas effective.Pabukang-liwayway na nang matapos siya. Iniwan niya lang iyon sa table matapos kunan ng picture upang i-send kay Kevin. Padapa na siyang nahiga ng kama. Hindi lumipas ang isang segundo at agad ng humalay ang hilik sa loob ng kanyang silid. Alas-otso na ng umaga nang biglang maalimpungatan si Alyson sa walang patid na pagtawag ni Kevin sa kanya."You did well, Alyson! Nagawa mo!""Ha?"Lutang pa ang isip ni Alyson na halatang nasa dreamland pa ng mga sandaling iyon. Hindi niya maalala kung bakit siya tinawagan ni Kevin."Iyong design mo, gustong-gusto ng client Alyson!" bulalas nito sa kabila."OMG! Talaga?""Oo, pwede ka bang pumunta—"Mabilis na napatayo si Alyson dahilan para hindi niya marinig ang kasunod na sasabihin pa ni Kevin. Noon niya lang naalala na may usapan nga pala sila ni Geoff na magkikita ngayon upang pumirma ng annulment."Oh no, Kevin! Mag-usap na lang tayo mamaya. May lakad nga pala ako!"Hindi na niya nagawa pang maligo. Naghilamos lang siya at nagpalit ng damit. Ni hindi nga niya nagawang magsuklay ng buhok na itinali lang niya ng basta sa tuktok ng ulo niya. Kailangan niyang agad makapunta sa Regional Trial Court. Nagkukumahog na bumaba si Alyson ng cab na sinakyan niya matapos magbayad. Subalit nakakaisang hakbang pa lang siya nang bigla siyang makaramdam ng pag-ikot ng buong paningin. Bigla na lang siyang natumba. Dumilim na ang buong paligid. Pagising niya ay nalaman niyang nasa hospital siya.Parang sinusunog ang katawan ni Alyson sa sobrang init nang tuluyang mahimasmasan. Nang tangkain niyang bumangon ay muli lang siyang napahiga dahil sa panghihina. Isabay pa na sobrang nahihilo pa rin siya."Huwag po muna kayong magalaw, Miss. Ang taas pa po ng lagnat mo." saway sa kanya ng nurse sa gilid. Ito lang ang kanyang naabutan pagdilat ng mga mata. Base sa mga kurtinang naghahati sa mga kama ay nalaman niyang nasa ER pa siya."G-Gaano kataas, nurse?"Sinubukan niyang muling bumangon. Inalalayan siya ng nurse na maupo."Umabot po ng 39 ang temperature niyo kanina, medyo nagchi-chill rin po kayo ng dumating dito sa ER."Hindi na tinanong ni Alyson kung sino ang nagdala sa kanya sa hospital. Ang unang sumilid sa isipan niya matapos tingnan ang swero sa kamay ay ang usapan nila ni Geoff ng araw na iyon na magkikita sa RTC."N-Nasaan ang bag ko, nurse?" sapo ang ulo ay bahagya pa siyang napapikit. Alam niyang may mali sa katawan ngunit hindi niya naman pwedeng i-balewala ang appo
PINATAY ni Geoffrey ang tawag niya kay Alyson. Ayaw na niyang makipag-usap dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon. Hindi niya lubos maisip na hahamunin siya ni Alyson na bayaran niya ito. Sa isip niya ay paniguradong may nagsulsol at nagsabi nito na gawin niya iyon. Padabog na sumakay na siya ng kotse. Pinaharurot iyon patungo ng company nila dahil may trabaho pa siya ngayon. Isiningit lang niya sa schedule ang pagpunta sa RTC para sa pirmahan. Wala naman palang mapapala. Malamang una pa lang ay plano na ni Alyson na hindi pumunta para magatasan pa siya nito ng pera. "Inilalabas na niya ngayon ang tunay na kulay. Samantalang dati naman ay wala siyang ibang naging reklamo."Niluwagan ni Geoff ang suot na necktie dahil parang masasakal siya nito. Kinalma niya ang sarili bago bumaba ng kotse. Ilang minuto na siya sa parking ng building ng company nila, pero hindi pa siya bumaba dahil paniguradong mabubuntunan niya ng galit ang sinuman sa mga tauhan niya sa loob. "Sir Geof
HINDI magkandaugaga ang mga staff, nurses at doctor ng hospital na iyon nang makita nilang naroon ang sikat na business tycoon at CEO na si Geoffrey Carreon mula sa Carreon Holdings. Gulat na gulat sila kung ano ang ginagawa nito sa hospital nila. Panay ang irit ng karamihan, kilig na kilig sa presensiya ng lalake. Ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang bumulong sa katabi at manghampas. Walang sinuman ang naglakas ng loob na lumapit sa kanya habang iginagala niya ang mata sa kabuohan ng ER kung saan naroon si Alyson. Hawak pa rin ng lalake ang kurtina na tumatakip sa kamang hinihigaan ni Alyson na nagawa ng makabangon. "Totoo ngang nasa hospital ka."Walang pasubaling binunot ni Alyson ang karayom na nakabaon sa kamay. Dumugo iyon pero hindi niya alintana. Napamulagat na ang mata ni Geoff ng gawin iyon ni Alyson sa harapan. "Nawawala ka na ba sa tamang katinuan, Geoff? Bakit ka narito?!"Hinawakan na siya ni Alyson nang mahigpit sa isang braso at hinila palayo ng kama. May ilang nu
Sa pagtitig ng mga mata ni Geoff kay Alyson habang sinasabi iyon ng babae ay saka pa lang niya naisip na malaki ang pinagbago nito. Kung noon ay hindi nito magawang tumingin sa kanya ng deretso at palaging nakatungo, ngayon ay nagagawa ng labanan ang tingin niya. Sinasalubong na ang mga mata niya. Natatandaan niya pa kung bakit siya nabighani kay Alyson. Kahawig ito ni Loraine pero ang kaibahan lang ay payat ito keysa sa dating nobya niya. "Alyson, may mga araw naman na mabuti ako sa'yo—""Anong araw? Gabi. Kapag lasing ka. Iyon lang ang sandaling mahalaga ako dahil gusto mong gamitin ang katawan ko. Huwag mo akong gawing sinungaling, Geoffrey!" padyak pa ng mga paa ni Alyson. Natitigilang hindi maituloy ni Geoff ang mga sasabihin niya pa sana rito. "Pagsisisihan mong ipinaranas mo sa akin ang ganito, Geoff!" banta ni Alyson na umayos na ng tayo roon. Akmang magsasalita pa sana si Alyson nang biglang talikuran siya ni Geoff. "Fine. Tara. Let's date! Kung iyon lang ang isa sa pi
TUMIGIL sa paghakbang si Geoff nang maramdaman niyang hindi pa sumunod si Alyson sa kanya. Akma na sanang magsasalita ito para tanungin si Alyson kung ano pa ang tinutunganga nito, subalit napigilan iyon nang malakas na tunog ng kanyang cellphone sa loob ng bulsa. "Anong hinihintay mo? Sagutin mo."Mula sa screen ng cellphone niya ay napalingon na si Geoff kay Alyson. Hindi niya namalayan itong lumapit. Ang akala niya ay nasa likod pa rin. "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magsasalita para iparating sa kanya na kasama mo ako ngayon." ngisi pa ni Alyson na nababasa na ang tinatakbo ng isipan ni Geoff. Sinamaan na ng tingin ni Geoff si Alyson. Duda siya sa sinasabi nitong hindi ito magsasalita. Malamang ay magagalit si Loraine oras na marinig nito ang boses ni Alyson. Magseselos at baka pag-ugatan pa ng away nila. Kilala niya ang unang kasintahan. "Sige na, sagutin mo na. Magagalit iyan sa'yo kapag hindi mo sinagot. Ikaw din ang magdudusa. Hindi ako."Umatras na si Geoff upang
"Oh, narito na pala ang soon to be ex-hipag ko." nang-aasar na bungad ni Xandria, bunsong kapatid ni Geoff pagkabukas pa lang nito ng pintuan. Hindi nagawang pumalag ni Alyson nang kaladkarin na siya papasok ng sasakyan ni Geoff upang isama sa bahay nila. Ano bang panama niya sa lakas ng lalake? Nanghihina pa siya. Bukod doon ay malakas ang pwersa ng asawa. Wala siyang panama rito. "Nice naman, alam mo bang narito rin ang other woman ni Kuya sa bahay?" puno ng sarkasmong dagdag pa nito. Hindi malaman ni Alyson kung inaasar ba siya ni Xandria o nais lang nitong pikunin siya at galitin ngayon. Sinigurado niyang hindi makukuha ni Xandria ang gusto niyang mangyari. Lingid sa kaalaman ni Geoff na ang kapatid niya ang naka-discover ng tungkol kay Loraine. May ilan sa mga kaibigan nito ang nakapagsabi sa kanya na nakikita ang kapatid niya at si Loraine kaya minanmanan niya. At nang mapagsolo si Loraine ay sinita niya. Wala namang choice si Loraine kung hindi ang umamin. Ibinaling na lang
MAGULO ang isipan ni Alyson habang nakabuntot lang kay Geoff. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang pagsasawalang bahala nito sa naging sagutan nila ng kapatid ni Geoff kanina. Kung sa normal na araw lang iyon ay siya pa rin ang magiging mali sa kanilang dalawa kanina. At ito ang kakampihan nito. Ngunit lubos ang pagtataka niya na hindi ito nangyari. Nakatingin lang siya sa malapad na likod nito habang patungo sila sa dining room ng mansion ng mga Carreon. Akma na sana siyang magtatanong kung ano ang nakain ni Geoff para huwag pansinin ang kapatid, pero hindi na niya nagawa dahil narinig na niya ang boses ni Loraine."Alam ko pong mali ang ginawa ko pero mahal po namin ang isa't-isa. Alam niyo naman po iyon, noon pa."Napaismid na si Alyson marinig pa lang ang boses nitong nagpapaawa. Paano pa kaya kapag nakita na niya ang mukha ng kerida ng asaw niya? "Sabi nga po ng matatanda, ang tunay na pag-ibig harangan man ng sibat ay hindi pa rin magpapaawat."Kaharap nito ang pamilya ni Geof
Marahas na hinaklit ni Geoff si Alyson sa isang braso matapos na bitawan niya si Loraine. Hindi niya na maatim ang palitan nila ng mga salita roon. "Bitawan mo nga ako!""Mag-usap tayo ng tayong dalawa—""Para ano? Para pagbuhatan mo na naman ako ng kamay? Nangako ka sa akin, Geoff kahit iyon man lang sana ay tuparin mo ngayon!"Nagngalit pa ang mga ngipin ni Geoff na pikon na pikon na rin kay Alyson. Hindi ito ang inaasahan niyang mangyayari. Iba. Mas kalmado nilang maaayos ang problema ngayon rito, ngunit sa halip na maayos ay lalong gumulo. Hindi na nga naayos ang isyu sa part ni Loraine sa pamilya niya, ito pa, nadagdagan pa rin iyon. "Sa labas tayo mag-usap. Lilinawin ko lang ang lahat ng napagkasunduan—" "Bakit sa labas pa? Bakit ayaw mong iparinig iyon sa kanila? Ayaw mo roon may witness sa kasunduan natin?"Hindi bumitaw si Geoff. Humigpit pa ang hawak nito sa braso niya. Puno na ng warning ang mga mata niya. "Geoff di ba sabi mo barya lang iyon? Ano pa ba ang inirereklamo