Habang nakasakay sila sa kotse ay mas lalo pang naramdaman ni Annie ang pananakit ng kanyang tiyan. Bago pa man sila sumakay kanina sa kotse ay binilinan na ni Lucas si Kian na painitin na ang loob ng kotse upang kahit papano ay mabawasan man lang ang ginaw na nararamdaman nilang dalawa.Ngunit kahit na nga mainit na ay hindi pa rin magawang mapalagay ni Annie dahil patuloy pa rin ang pagsakit ng tiyan niya. Kaya niyang tiisin ang sakit ngunit hindi niya maiwasang hindi mag-alala sa sanggol dahil baka kung ano ang mangyari rito.Dahil sa naisip niyang iyon ay umahon ang takot sa dibdib niya at hindi lang basta takot kundi takot na takot siya.“Lucas gutso kong dalhin mo ako sa ospital ngayon na.” sabi niya rito.Agad naman itong tumingin sa kaniya at mabilis na tumango. “Sige. huwag ka ng mag-alala, dadalhin kita kaagad sa ospital.” sabi nito at pagkatapos ay inabot ang kamay niya at marahang pinisil. “Matulog kana muna at gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa ospital.”
Niyakap ni Annie ng mahigpit ang beywang ni Lucas at pagkatapos ay isinandal niya ang kanyang ulo sa likod nito. Nang maramdaman naman ni Lucas ang pagkakadaiti ng kanilang mga katawan ay bigla itong nanigas sa kinatatayuan nito.Humugot ito ng malalim na buntung-hininga at pagkatapos ay sumagot sa kaniya. “Sige.” mahinang sagot nito sa kaniya.Bagamat napakaliit na bagay nito ay hindi maiwasang hindi maging masaya ni Annie. Pagkauwi nila ng bahay nila ay mabilis na pinuno nito ang bathtub ng tubig at pagkatapos ay pinaligo na siya nito doon kaya nagbabad din naman siya.Hanggang sa mga oras na iyon ay malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas at nang makauwi sila ay halos mag-aalas dos na ng hapon. Halos isang oras din yata siyang nagbabad bago tuluyang umahon at pagkatapos niyang maligo ay kaagad niyang naramdaman na uminit na rin sa wakas ang katawan niya at hindi na siya giniginaw pa.Nang tingnan niya rin ang sarili sa harap ng salamin ay umayos na rin ang itsura nito at hindi na
Naalala niya bigla ang huling hiling ng matanda sa kaniya at kung ipipilit pa rin nito sa kaniya ang pakikipaghiwalay ay papayag pa rin siya sa kabila ng lahat at hindi siya tututol sa gusto nito at makikipagkooperasyon siya sa pakikipaghiwalay rito, ngunit kailangan niya munang subukan.Nakakunot ang noong nakatitig sa kaniya si Lucas. “Ikaw na ang mauna.” sabi nito sa kaniya.“Sigurado ka ba?” nagdadalawang isip na tanong niya rito.Tumango ito. “Mauna ka na.” dagdag pa nito sa kaniya.Bigla siyang kinabahan ng mga oras na iyon at halos maglabasan ang pawis sa kanyang noo at maging ang kanyang mga palad ay pinagpawisan din. Kanina pa paulit-ulit sa isip niya ang gusto niyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang pagsasabi nito rito.Sa huli ay ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata ay pagkatapos ay huminga ng malalim bago nagsalita. “Gusto ko lang sabihin sayo na kung pwede lang ay huwag na tayong maghiwalay. Ayoko na, ayoko ng maghiwalay pa tayong dalaw
Sa kabila ng kagustuhan ni Annie na protektahan at isalba ang pagsasama nila ni Lucas dahil lang sa hiling sa kanyang ng matanda ngunit ngayon na si Lucas na mismo ang nagdesisyon na ayusin ang pagsasama nila ay ayaw niyang maging isang sunud-sunuran na lamang rito.Kaya ngang magtiis na makasama pa si Lucas sa iisang bubong dahil nga sa hiling ng matanda sa kaniya at tanggap niya na sa kabila nito ay hindi pa rin siya nito mahal pero ang hindi niya matatanggap ay ang pakikipagkita pa ni Lucas kay Trisha ngayong napagkasunduan na nilang iurong ang paghihiwalay nilang dalawa.Kung magiging ganuon pa rin ang ugali nito ay ano na lang ang magiging papel niya rito?Pagkaalis ni Lucas ay bigla naman siyang nakatanggap ng tawag mula kay Olivia.“Hello Annie, labas tayo, nakauwi na ako! Masarap ngayon magkape.” agad saad nito sa kaniya.Agad na nagulat siya sa sinabi nito. “Nakauwi ka na ba talaga? Diba ang sabi mo ay next month ka pa makakauwi?” tanong niya rito sa kabila ng kasiyahan niya.
Agad silang nag-order ng kape at pagkatapos ay mabilis na naghanap ng mauupuan nila. Ilang sandali pa nga ay dumating na ang kanilang order. Nang ilapag ng waiter ang kape sa kani-kanilang tapat ay nakita niyang mabilis na kinuha ni Lucas ang kanyang kape at ininom iyon. Hindi pa rin ito nagsasalita hanggang sa mga oras na iyon kaya siya na ang nagbukas ng usapan.“Lucas masaya ako na nakipagkita ka sa akin ngayon at labis akong nakikiramay sa nangyari kay lolo.” pag-uumpisa niya. “Kaya mo ako niyaya rito ngayon dahil nakapagdesisyon ka na hindi ba?” nakangiting tanong niya rito.Hindi siya sinagot ni Lucas dahil nanatili pa rin itong humihigop ng kape na tila ba may malalim na iniisip.…Nakita niyang masamang nakatingin si Olivia sa gawi nina Lucas at Trisha. Nagulat na lamang siya nang bigla na lamang itong tumayo at kahit hindi nito sabihin sa kaniya kung ano ang gagawin nito ay alam na nito kaagad na susugurin nito ang mga ito. Agad niyang hinawakan ang kamay nito upang pigilan s
Napailing si Trisha at pagkatapos ay napakagat-labi ng wala sa oras pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Lucas. Mabilis din na nag-init ang sulok ng kanyang mga mata at pagkatapos ay bumagsak ang luha sa kanyang mga pisngi. Napatitig siya kay Lucas bigla habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.“I’m sorry Trisha kung nasaktan kita.” sabi nito sa kaniya.“Bakit bigla mo na lang akong gustong hiwalayan Lucas? Ano ang dahilan mo para gawin ito? Gusto kong malaman ang dahilan dahil hindi ako papayag sa gusto mo kapag hindi mo sinabi sa akin.” patuloy niya.Nakita niyang napatitig ito sa kaniya at bakas sa mukha nito na nahihirapan itong gawin iyon sa kaniya, ibig lamang sabihin ay napipilitan ito sa ginagawa nito. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at pagkatapos ay inabot ang kamay nito. “Lucas tell me please, may karapatan naman siguro akong malaman ang dahilan mo hindi ba?” tanong niya rito.“Kailangan mo pa ba talagang malaman?” tanong nito sa kaniya na ikinatango niya naman
Sinubukan niyang pagalawin ang kanyang wheelchair upang sundan ang papalayong si Lucas nang bigla na lamang may isang tao na humarang sa daraanan niya at nang mag-angat siya ng kanyang ulo ay kaagad niyang nakita ang isang magandang binibini na nakasuot ng sunglasses at black jeans at nakapameywang sa harapan niya mismo.“Excuse me, please.” sabi niya rito.“I’m so sorry but I won’t give you a way.” mataray na sagot nito sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kilay niya dahil rito at pagkatapos ay nilingon si Lucas ngunit humarang na naman ito sa kanyang harap. “Ano bang problema mo ha? Bakit mo ba ako hinaharangan?” inis na tanong niya rito at pagkatapos ay inirapan ito.Nakita niya na may linginon ang babae kaya gad niya rin naman itong sinundan ng tingin at agad niyang nakita sina Lucas at Annie. “Nakita mo ba iyon? Sila ang tunay na mag-asawa dahil nabasbasan sila at higit sa lahat ay may marriage certificate silang tinatawag at ikaw naman ay isa ka lamang panggulo sa pagsasama nilang
Sa kabila ng pagpili ni Lucas sa kaniya ay alam ni Annie na hindi siya nito pinili dahil mahal siya nito ngunit hindi niya maiwasan na hindi maging masaya dahil rito. Labis pa rin siyang nagpapasalamat rito dahil sa kabila ng lahat ay siya pa rin ang pinili nito.Dahil siguro sa pagbubuntis niya ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkaantok habang sakay sila ng kotse pauwi. Ilang beses siyang napahikab at pagkatapos ay bigla na lamang niyang naramdaman na ininunat ni Lucas ang mga braso nito upang makasandal siya rito. “Pwede kang matulog muna dahil halata namang inaantok ka yata.” sabi nito sa kaniya.“Salamat.” sagot niya at pagkatapos ay mabilis na humilig sa balikat nito at pagkatapos ay ipinikit ang kanyang mga mata.Sa totoo lang ay mukha siyang kalmado pero sa loob-loob niya ay napapaisip siya kung tama nga ba ang naging desisyon niya, isa pa ay hindi pa rin mawala sa isip niya kung kaya nga ba talaga nitong talikuran ang pinakamamahal nitong babae para sa kaniya.Pero kat