Chapter 4: Acquaintances
'Yong pakiramdam na ikaw ang sentro ng atensiyon sa buong silid na napalilibutan ng hindi pangkaraniwang tao-Aeons, hindi ordinaryong Aeons na nagtataglay ng malalakas na kapangyarihan at maaaring pinakamalakas na mga nilalang sa mundong ito; ay isa sa pinakanakahihiyang pakiramdam na naramdaman ko.
Matapos akong ipakilala ni Alex ay kaagad na itong nagpaalam. Ibinilin ako nito sa mga kapuwa ko Sentinels na siyang hindi ko natutulan dahil sa bilis nitong nawala.
Nakahihiya lang dahil halos hindi na inaalis ng mga Aeons na 'to ang kanilang paningin sa akin. What's creepier is that their stares are as if dreadfully seeking through my mind and soul.
Nasabi ko nga kanina, akala mo'y sinusuri nila ang buong pagkatao ko sa uri ng tinginan nila.
Nabalot ng matinding katahimikan ang buong silid, ngunit mayamaya'y binasag naman ito ng isang matinis na tili.
"OMG! Am I seeing this right now, Shahne?"
Napatingin ako roon sa nag-iisang babae ng Sentinels na siyang bumasag sa katahimikan. Hindi pa man ako nakakilos mula sa aking kinatatayuan ay halos mapasigaw ako sa biglaang pagsulpot nito sa aking kiliran.
Teka, nandoon siya kanina sa kabilang dulo ng silid! H-How-
"You're really here! Hi, I'm Brielle Liondel. It's nice to finally meet you!"
Hindi ko nagawang makapagsalita sa bilis ng pangyayari. I was stunned because of this girl's enthusiasm. Nakalahad na kaagad ang kamay nito sa aking harapan na dahan-dahan namang tinanggap ng aking nanlalamig na mga kamay. It was just a short hand shake and she was already blabbering things again.
"Nakita mo naman ang mga kapangyarihan namin kanina, 'di ba? Huwag kang mag-aalala, magkakaroon ka rin ng sa 'yo sa mga darating na araw," mabilis nitong usal habang nakangiti at kinuha na mula sa akin ang kamay nito. Bigla na lang siyang nagpalabas ng tubig na nakapormang bilog sa kaniyang mga palad na nagpaatras sa akin.
Nanlaki rin ang aking mga mata. A water ball?
"Here, try on my bubble shield."
Nagulat na lang ako nang mapalibutan ako ng tubig. Impit akong napasigaw nang mapag-alamang nasa loob na ako ng bola ng tubig na ginawa ng babae. Nababasa na ako ng tubig habang palutang-lutang sa loob. I was trying to swim and did my best to get out of this huge ball, but the current is just too strong!
Is she trying to kill me?!
"Breathe, try to breathe. My bubble works only when you breathe."
I heard her said in a distorted voice. Anong breathe? Papatayin na ba talaga nila ako?
"Bri, you're scaring her. Pakawalan mo na siya."
Sunod kong narinig ay isang boses ng lalake. Hindi ko lang maaninag kung sino dahil hindi ko sila nakikita mula rito sa loob.
My surroundings seems so dark and I am running out of air! Dito na ba talaga ako mamamatay?
"Pero siya ang una kong gustong sumubok sa bubble shield ko."
Umiling-iling ako sa loob ng tubig dahil hindi na talaga ako makahinga. Should I trust her with what she've said earlier?
Wala akong nagawa kung hindi ang pakawalan ang aking hininga. Bubbles came out from my nose as the air tried to escape. I slowly tried breathing and was astounded to discover that nothing happened-wait, nothing happened?!
"She did it! My bubble shield worked!" The girl shrieked in happiness and success, while I slowly and weakly lay down inside the bubble.
Nawala na ang tubig na nakapalibot sa akin kanina at ngayo'y tanging isang elastic, transparent bubble na lang ang nakapaligid sa 'kin. I can already see all of them clearly from the inside. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lang na may umalalay sa aking katawan.
"Are you alright?" tanong ng isang lalake. Kung hindi ako nagkakamali ay siya itong may kapangyarihang apoy kanina. Kung alam lang nitong ilang beses akong malapit na mamatay dahil sa kaniyang mga apoy, siguro'y hindi ako lalapitan nito ngayon dahil sa hiya . . . o baka'y wala talaga silang hiya?
Umiling-iling ako. "I-I'm dripping w-wet . . ." I weakly replied. Ipagpapaliban ko na lang iyong ginawa niyang pagpakawala ng apoy sa aking direksiyon. Tutal, mukhang hindi naman iyon sinadya ng lalake.
A soft chuckle filled my ears. "My bad. But don't worry, Gust can handle it," ani no'ng babaeng nagpakilala sa akin na Brielle.
Hindi pa man ako nakahuma sa aking naranasan kanina nang mawindang ulit ako dahil halos liparin ako ng isang malakas na hangin. Napakapit ako roon sa lalakeng apoy na nakaalalay sa akin at napapikit.
These people are crazy! Do they even know what they're doing?
Ilang sandali lamang ay tumigil na ang napakalakas na hangin. Napaayos ako nang tayo dahil biglaang nagising ang diwa ko sa mga nangyayari. Ikaw ba naman ang paulanan ng malakas na hangin habang basang-basa pa ang iyong katawan? I bet you'll feel numb by the extreme coldness.
"There, you're good as new!" Napapalakpak si Brielle habang nakatingin sa akin, ngunit napangiwi rin kalaunan. "O-Oh, you're hair . . . it just needs a little make over. Come on!"
Hindi ko na nagawang magreklamo at nagpatianod na lang nang hilahin ako nito sa kung saan. Naramdaman kong sumunod sa amin ang tatlong lalakeng parte rin ng Sentinels ngunit hindi ko na sila pinagtuonan pa ng pansin.
Ang iniisip ko na lamang ngayon ay kung paano ako mabubuhay kasama ang mga nilalang na 'to.
⚜ ⚜ ⚜
Nakita ko na lang ang aking sarili na kasama pa rin ang apat na nilalang, ngunit ngayo'y nakaramdam na ako ng ginhawa.
Brielle had already apologized to what she's done to me earlier. She said she didn't mean to scare me by imprisoning me in her newly accomplished skill which is the bubble barrier. Nais niya lang talagang ako ang unang makararanas ng ginawa niya dahil special daw ako.
Hindi ko naman alam kung ano'ng ibig sabihin ng espesiyal na sinabi niya pero ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon.
Ngayon ay narito kami sa malawak na hardin ng palasyo. I was really awed and amazed by how stylish and classy the garden looked like. They brought me on one side of the place where a table made of fine rock and chairs are attached to the ground. It was surrounded by odd-looking trees na kung tutuusin ay mas mataas lang ng kaunti sa tangkad namin. The whole area was wide and was surrounded by wall-formed bushes that are nearly ten to twelve feet tall.
Namangha ako sa linis at gandang taglay ng hardin. By merely observing, you can easily say that the maintenance in this place is very strict.
The Sentinels told me that they want to hang-out and talk stuffs about themselves and this world. Maayos din naman ang lugar dahil payapa at walang istorbo. If given the chance, I can choose living in this place for a while.
"Nasaan na ba ang Tross na 'yon? Gust, I told you to look for him. Krysta's already with us and the Sentinels are complete!" said Brielle in a high-pitched tone while arranging the food they prepared on top of the table.
The guy named Gust scratched his head. "Hindi ko siya makita. I can't even feel his presence and ability in the palace," he raised his two hands as if surrendering, "I have no trace on where he is."
I heard the girl groaned while placing a big basket full of different fruits at the center of the table. Halos mapatitig ako sa mga nilalaman ng basket dahil kakaiba ang itsura ng kanilang mga prutas dito.
Bahagya kong iniling ang aking ulo at ibaling ang atensiyon sa tanawing nakapaligid sa amin.
A smile crept into my lips as a soft breeze blew in the place. I've never felt this calm and refreshed before. Back in my world, all I am ever thinking is how I can survive and what struggles do I need to accomplish in order to live and take in enough food for my everyday welfare. However, I feel more comfortable and the sense of belongingness in this strange world which could be really odd, right?
Umupo ako sa tabi ni Brielle nang matapos nitong ayusin ang hapag namin. The boys were also seated across us while each of them started to take in fruits or packed food.
"Mga patay-gutom talaga," saad ng babaeng aking katabi na siyang dinig na dinig ko.
Mayamaya ay binalingan ako nito at nginitiang muli. "Again, I am Brielle Liondel, a Wendorian from El Wendor Kingdom and the chosen deputy to save and fight alongside Aerydone's greatest men in defeating Voltur."
Tumango ako at nginitian ito. Based from what Alex had told me regarding the kingdoms, El Wendor is the Kingdom for Aeons who acquire the water mana.
Sunod na binalingan ko ng tingin ay si Bryle sa oras na tumikhim ito, ang lalaking may kakayahang magpalabas ng apoy. Walang dudang kakambal nga ito ni Brielle dahil sa pagkakatulad ng mga wangis nila.
"Bryle Liondel, at your service. The chosen Mordian from Mordor Kingdom who possesses the fire mana." Kasabay no'n ay ang paglabas ng apoy sa isang nakabukang palad nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala at hindi mapigilang mamangha sa mga kapangyarihang nakikita. Pakiramdam ko'y nasa isa akong fairytale book dahil sa mga nasasaksihan.
"Ako naman si Gust Linville, ang natatanging tagabantay na napili ni Haring Aaron sa kaharian ng Asteria upang ipagtanggol ang aming mundo," aning lalakeng katabi ni Bryle at bahagyang yumuko sa akin. Tinanguan ko ito bilang tugon. Siya itong may kapangyarihan ng hangin, kung tama ang aking pagkakaalala.
"Shahne Fabrione, here! From the beautiful kingdom of Floreshia under Queen Alora's leadership, and her chosen Sentinel to represent our kingdom from Voltur's men and his dark magic." Kumaway sa akin ang lalakeng taglay ang kapangyarihang lupa at ngumiti. I smiled back. He's obviously a bubbly guy!
"At ang wala rito ngayon ay si Tross Galvan. Hindi ko alam kung saan nagsuot ang lalakeng iyon at nakalimutang ngayong araw ka namin makikilala," mahinang wika ni Brielle at napabuntong-hininga. "He's a Deander from Deandrelle Kingdom. He obtains the good dark mana," dagdag pa nito na tinanguan ko rin.
Pagkatapos nilang ipakilala ang kanilang sarili ay nagsimula na ang mga itong kumain at mag-asaran.
Habang tinitingnan silang apat ay lubos akong nakaramdam ng inggit sa taglay nilang kasiyahan at kalayaan. Siguro naman ay mararamdaman ko na ang mga iyon dito sa Aerydone? Masiyadong mabilis ang mga pangyayaring dumating sa buhay ko at heto na nga, nakasasalamuha ako ng mga taong hindi ako inaalipusta, ni hinuhusgahan.
They're different, I know, and so as this world. Everything in this place screams surreality.
However, why do I feel belonged?
I may be new to this world, but unknowingly, I can call it a home. My home.
Chapter 5: Amulets Kinabukasan, nang sumapit ang alas nuwebe ng umaga, ipinatawag kaming anim sa isang malawak na bulwagan dito sa palasyo sa kadahilanang may mahalagang ipapahayag sa amin si Alex. Ngayon ay kasama na namin si Tross, ang huling miyembro ng Sentinels na hindi ko nakita kahapon. Base sa aking obserbasiyon, medyo madilim ang awra nito at palagi na lamang seryoso ang ekspresiyon-hindi kagaya nina Gust at Bryle na palaging may pinag-uusapan, at si Shahne na palagi ring may dalang pagkain. Brielle, on the other hand, keeps clinging onto my arms while continuously blabbering. Palagi nitong ikinukuwento sa akin ang mga napagdaanan nito noon. But, me being me, minsan ay hindi ko na siya napakikinggan sa kaniyang mga sinasabi. Sinasanay ko pa rin ang
Chapter 6: Institution of Aerydone Maaga kaming naghanda sa aming pag-alis. Hindi nagkulang si Alex sa pagpapaala at pagbilin sa amin sa mga posibleng kapahamakang aming makasasagupa sa gitna ng aming paglalakbay. "Hinuha ko'y posibleng hinahanap din ni Voltur ang mga agimat. Kakailanganin niya iyon upang mas lumakas ang hukbo niya." Tinapunan kami nito ng isang nag-aalalang tingin. "Kaya mag-iingat kayo. Malaki ang—" "Tsansang makalaban namin ang kaniyang mga alagad sa oras na hahanapin namin ang mga amulets," buntong-hiningang sabi ni Brielle na siyang dumagdag sa dapat sasabihin ni Alex. Napangiti ako sa inakto nito. "Inulit mo na iyan ng halos dalawampung beses, Alex. Magmula pa kanina noong kumakain kami, han
Chapter 7: Assailed"Here's yours, Krysta." Inabot ko ang kahong inilahad ni Brielle sa akin. Medyo mahaba-haba ito at may kabigatan dahilan upang mapabuga ako ng hangin. Alex did really requested a sword for me, huh?"Guys, look!"Dumako ang tingin ko kay Bryle na ngayo'y may hawak na . . . isang metallic boomerang? The weapon's purely made of steel, and from the looks of it, I know that it feels heavy. Kasing-laki at haba ng boomerang ang bisig ng lalake kaya masasabi kong may kabigatan talaga ang sandata nito."Duck!" sigaw nito na siyang nagpayuko sa aming lahat. Kasabay no'n ay ang paghagis nito ng boomerang sa ere na gumawa ng isang matinis na ingay. Umikot ito sa kabuuan ng silid at mabilis ang paglipa
Chapter 8:The Foes Sumugod papunta sa direksiyon ko ang halimaw na kaagad ko ring tinugunan ng isang agarang pagtakbo. Inasahan kong tatalunan ako nito kung kaya'y mabilis akong lumundag pailalim at ginamit iyong pagkakataon upang sugatan ang kaniyang tiyan. Nagdulot iyon ng malakas na paghiyaw galing sa halimaw. Dali-dali akong umayos ng tayo at hinarap ang nagagalit na nilalang. Nanlaki ang aking mga mata nang bumuga ito ng asido sa aking direksiyon. Walang pag-aatubiling tumalon ako sa isang gilid upang maiwasan ang nakamamatay na lason. That was close! I caught my breath as I stand on one side. Hindi pa man ako nakahuma sa ginawa nitong mga pag-atake ay nagsimula na naman itong magpaulan gamit ang matutulis nitong buntot. Napasinghap ako at mabilis na nagpagulong-gulong upang maiwasan ang mga talim nitong hinuha ko’y naglalaman din ng mga lason. Kalauna'y tumigil ito sapagkat bumaon nang husto ang kaniyang m
Chapter 9: The Wildering Woods"Interesting. Ayon sa mapa, bago natin marating ang ilog, dadaan muna tayo sa masukal na kagubatan ng Wildering Woods," pahayag ni Shahne na siyang nagdadala ng mapa.Kasisimula lang namin ng aming paglalakbay patungong Yulka River upang matulungan si Brielle sa paghahanap ng kaniyang amulet."Seryoso?” Brielle retorted. “Nasa hilagang parte ng Deandrelle ang Wildering Woods kaya imposibleng dadaan pa tayo roon." She rolled her eyes and instantly took the map from the guy. "Patingin nga! Baka napuwing ka lang."Ilang segundong katahimikan ang namayani bago namin muling marinig ang pagsinghap ng babae."T-Totoo nga . . ." nanlalaki ang mga matang sambit nito."Ayan, ayaw mo kasi akong paniwalaan. Nasa boundary tayo ng Deandrelle at Breshire. Wildering Woods is stretching from Northern Deandrelle to some portions of Breshire's Northeast. Unfortunately, madadaanan talaga natin ito." Na
Chapter 10: Lost DeanderSeven years ago when I was 10, I decided to leave the orphanage where I grew up so I can learn how to sustain myself without depending my needs on others.At first, it was hard leaving those people in that institution who I treated my family: the nuns and sisters who took good care and fed us, my co-orphans who were still in the venture to seek for their real parents, and some of those friends that I've made.Though the people and children didn't want me to leave, it was a tough decision to make. And since the number of children being admitted in the orphanage is constantly growing, I do not want to become a burden to the nuns anymore. Besides, the ten year that they spared to feed and protect me was more than enough. With a heavy heart and disoriented mind, I left the place when everyone was asleep because I cannot stand seeing them cry and bidding their farewells to me.Isang taon akong nagpaligoy-ligoy at namuh
Chapter 11: Little Bond“What really happened? Why did you curse this forest and trap innocent souls?”I calmly asked Travis who was now moving his head side to side as if it was hard for him to explain everything. His eyes met mine, and all I could do is encourage him through nodding.Hindi ko rin naman gustong madaliin ang lalake sa pagsasalita, subalit kailangan naming malaman sa lalong madaling panahon kung ano ang totoong mga nangyayari sa lugar na ‘to at kung ano’ng puno’t dulong rason kung bakit niya ito naisagawa.He heaved a sigh before speaking. "For all I know, these Aeons are the one's responsible for my parents' death. Ni hindi ko pa nga sila nakikita tapos pinatay na nila ang mga magulang ko!" Mababakas ang lungkot boses ng lalake habang nagsasalita. Narinig ko pa ngang bahagyang pumiyok ito sa mga huling salitang binanggit.Napayuko ang aking mga kasamahan. "We're sorry for your lost," m
Chapter 12: Two Points MeetHindi naman naging matagal ang paglalakbay namin tungo sa ilog ng Yulka. Nagpapasalamat nga ako’t naging payapa ang aming paglalakad at walang kahit na anong naging hadlang upang patagalin pa kami. Magdadapit-hapon na nang marating namin ang kahabaan ng ilog."This river is too big and wide. How are we supposed to find the amulet?" ani Brielle at sinipat ang tubig ng ilog."Maybe there are clues or hints around. Imposible naman yatang walang iniwang palatandaan si Reyna Raiyah patungkol sa eksaktong lokasiyon ng agimat," turan ni Bryle.Nagsimula kaming maghanap ng kung ano sa aming kapaligiran. The guys tried moving big rocks and stones to find clues underneath. Ako naman ay sinusubukang kapain ang mga naglalakihang katawan ng puno sa paligid at nagbabakasakaling may mahanap ako roon. Patuloy namang hinahawakan ni Brielle ang tubig sa hindi ko malamang dahilan.Meanwhile, Travis just stood on one