Share

Chapter 1: Present

A year after…

Bella's POV

Malalalim na asul na mga mata ang taimtim na nakatitig sa akin. Kapansin-pansin din ang itim na linya sa ibabang bahagi nito. 

Inayos ko ang aking uniporme at sinimulang suklayin ang abot balikat kong buhok sa harap ng salamin. Maayos na ring nakasabit ang isang kurbata sa leeg ko. 

Hindi ko maisip na magiging isa na akong ganap na Grade 11 student. Parang kahapon lamang ay kinakabahan pa akong mag-junior high at ngayon kakaharapin ko na ang pangatlong yugto ng pagiging estudyante ko. 

I'm still not ready to be a Senior High student but I have no choice. 

"Bella, tapos ka na ba?" rinig kong tawag ni Nana mula sa baba. 

"Opo, patapos na rin po ako." Lumabas na ako ng kuwarto at dali-daling nanaog ng hagdan pababa. 

"Where's mom?" bungad ko nang tuluyan na akong nakarating sa kusina. 

"Maaga s'yang umalis kanina," she answered without even looking at my direction. Abalang-abala siya sa paghahanda ng pagkain sa lamesa.

After the incident a year ago, Nana recovered from her wounds. Though it limited her from doing certain tasks, she was still able to do some of the household chores. My mother advised her to rest more but she refused it. 

Lumapit ako sa kanya at tumulong na rin sa ginagawa niya. 

"Heto, kunin mo. Pinabibigay ng mommy mo." She handed me a one thousand peso bill. Tinitigan ko lang ito ng ilang segundo sa mga kamay niya. 

"Galit ka pa rin ba sa kanya?" Sa halip na sagutin siya kinuha ko na lang ang perang inaabot niya sa akin. Ayaw ko munang pag-usapan ito ngayon. 

HAWAK-HAWAK ang aking Sherlock Holmes na libro, mabilis akong naglakad sa corridor, nakayuko ang ulo at nakatitig sa sahig. 

Indistinct chatters echoed around the hallway. Students formed in groups, excitedly talking and greeting each other after months of summer vacation. 

Patuloy lamang ako sa paglalakad. Unlike them, I have no friend to greet or to discuss how my summer vacation  was so I did not bother stalling around. 

Dinala ako ng mga paa ko sa harap ng isang malaking puno. 

Its branches were widely spread at its top forming an almost perfect circular shape. Its enomous trunk was a proof of its old age, and its leaves slowly dances with the soothing air. 

At its roots, five benches were placed neatly in a circular pattern. I took a seat on one of them while I silently read my book under the shade of the old acasia tree.

Kakaunti lang ang mga estudyanye at napakatahimik sa bahaging ito ng paaralan. Madalas na talaga akong nagtatambay dito dahil mas nagiginhawaan ako kapag wala akong masyadong mga taong nakikita.

"Busy much." Nagulat ako nang may narinig na nagsalita sa likuran ko.

I turned around and to my surprise I saw Vee . Her short hair bounced as she joined me on my seat. Kuminang ang suot n'yang salamin nang matamaan ito ng sinag ng araw na tumagos mula sa mga dahon ng punong acacia. 

Vee was the only person closest to a friend that I have. She was my sister's best friend and after the incident, we began to occasionally talk with each other. 

There was a minute of silence before one of us decided to break it.

"So...how are things going?" she asked out of the blue.

"It has been great," tipid kong sagot.

"You know…you suck at lying," natatawang saad niya. 

Muling namayani ang nakakabinging katahimikan. 

"You know...Stephanie's the very first person here in the campus who made me feel not alone. I would really be honored if I'll return that favor to her sister." I can see her sweet smile from my peripheral view. Hindi ko siya nilingon at sa halip ay nanatili lamang akong nakatitig sa librong hawak ko. 

"No, you don't have to. She wouldn't have done that to you if she expected something in return."

"Yes, I know but I think if I would return the favor it will lessen your burden."

"No, but I'm glad you think that way." Tumingin ako sa gawi niya at nagpakawala ng isang ngiti. 

Ilang sandali lang ay nagpasya na siyang umalis upang pumasok sa una naming klase habang sumunod naman ako pagkatapos ng ilang minuto. 

MAS maingay pa sa palengke ang classroom na naabutan ko. Nagtatakbuhan, nagsisisgawan, at nagtatawanan ang lahat. Ito na yata ang pinaka-magulong section sa buong buhay ko.

Nagsisiliparan ang mga eroplanong papel sa paligid at nagkalat ang mga piraso ng b****a sa sahig na hindi man lang pinapansin.

Kung iyong iisipin Grade 11 na kami pero heto parang bata kung umasta. 

Isang tunog ng bumubukas na pinto ang nagpatigil sa mga kaklase ko sa kanilang mga ginagawa.

"Good morning, class. Take your seat," bati ng isang lalaking matangkad at moreno. Despite being in his 30's, Sir Tyrron is still physically fit and good looking, making him look a lot younger than his actual age. A few traces of wrinkles were visible on some parts of his face but they were barely visible. 

Mabilis na nagsi-upuan ang mga kaklase ko sa pagdating ng aming guro. Ang dating tila walang katapusang mga sigawan ay napalitan ng katahimikan.

I saw a group of girls giggling at the sight of our teacher. I can't blame them. Sir Tyrron is one of those people who can easily grab your attention. 

Sir Tyrron proceeded with his lessons not minding the seductive stares of few of my classmates, while I just remained silent, lazily waiting for the time to pass by. 

Ngunit may napansin ako. Wala pala si Vee dito sa loob. 

Mas nauna pa 'yon sa akin umalis kanina papunta dito sa classroom kaya imposibleng late siya. Wala rin ang bag niya at tanging blangkong upuan lamang ang nandoon. 

Saan kaya s'ya nagpunta?

Hindi ko na lang ito pinansin at pinili na lang iyuko ang ulo ko sa arm chair. Hindi rin nagtagal ay nagsimula nang maglayag ang isip ko patungo sa kung saan at dinalaw na rin ako ng antok. 

THE morning and afternoon classes passed like any other. A long ringing sound of a bell marked the end of all our classes for today.

I still wasn't able to see Vee the whole day. It was odd because ever since, she has been an academically consistent student and cutting classes is the least thing that I would expect from her. 

Kensi minutos lamang ang layo ng bahay namin mula sa paaralan kaya nilakad ko na lang ito dahil hindi naman ako pinapayagan ni mama na magdala ng sasakyan.

Medyo maulan pa rin ang panahon kaya mababakas ang ilan sa mga namumuong tubig sa mga maliliit na lubak sa kalsada. 

Tulad ko may iilan ding mga estudyanteng naglalakad pauwi patungo sa kani-kanilang tahanan. Nababalot ang araw ng ulap kaya malilim ang paligid.   

"Bye, loser!" I was shocked when a bentley car passed by on my left side. Before I knew it, a splashed of water splattered on my green skirt. It wasn't hard to assume that it came from a puddle of water where the bentley's tire just ran over. 

Katrina and her friends, who were on the car, drove away laughing at my situation. Katrina also didn't missed the opportunity to raise her middle finger on me before they were finally gone from my sight. 

I curled my fist.

I decided to just shrugged my frustration and anger. There wasn't much that I could do. 

The beef between me and Katrina traced back when her boyfriend dumped her to court me. I didn't want anything with her perverted ex-boyfriend but she kept insisting that I seduced him so I could get into his pants. Just a thought of it, makes me gag.  

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa pagkakataong ito mas mabilis at mahahaba na ang aking mga hakbang dahil nagbabadya na naman ang langit na magpakawala ng ulan. 

"Ouch!" Sa aking pagmamadali may nakabanggaan akong isang babaeng nakayuko at nakauniporme ng katulad sa suot ko. Tinaas niya ang kanyang mukha at doon ko lang napansin kung sino ito. 

"Vee? Saan ka galing?" 

"Sorry, Bella. Bye." Nagmadali siyang umalis sa aking harapan pero hinablot ko ang kamay niya upang pigilan siya. 

"No, wait. What happened to you? You look—stressed." Her clothes were wrinkled and some strands of her hair were sticking out of her head. She seemed like someone who just woken up from a long sleep or joined on some long-distanced running marathon. She looks very different from how she looks just this morning. 

"No, it's nothing. I was just running, hoping that I won't get caught by the rain. Getting soaked in the rain is the least thing that I would want." She smiled from ear to ear.

I wanted to ask her where she'd been or why I didn't see her in class the whole day, but I figured that it was none of my business. I don't want her to think that I was too nosy. 

Binitawan ko ang kamay niya at nagpaalam na sa kanya. Her odd behavior was new to me but I just shrugged it off. 

Sa wakas at nakarating na rin ako sa bahay. Binati ako ni Nana ng kanyang mahigpit na yakap at isang halik sa pisngi. 

"Kumusta unang araw ng pasukan? Marami ka bang mga bagong nakilala?" 

"Opo, marami. Ang saya nga po nila kasama kahit isang araw pa lamang kaming nagkakilala," I lied while forcing a smile.

"Mabuti naman kung gano'n. Senior high school ka na, iba na ang sistema roon, kaya kailangan mo na talagang magsikap. Teka…anong nangyari sa palda mo? Bakit may putik?"

"Ah-eh, wala po yan. Natalsikan lang po kanina nang may dumaan na bus. Sige po, aakyat na ako para magbihis. " Dali-dali aking umakyat sa kuwarto, naligo at nagpalit ng damit. 

Matapos kong asikasuhin ang sarili, kumuha ako ng isang panulat. Sinigurado ko munang nakalock ang pinto bago ako nagsimula sa aking gagawin.

 

Hinugot ko ang isang parihabang bulletin board mula sa ilalim ng aking kama. Sinadya ko talaga itong itago sapagkat kapag nagkataon na makita ito ni mama tiyak na mapapagalitan ako. Medyo may kalakihan ito kaya hindi naging ganoon kadali ang pagsabit ko nito sa ding-ding. 

Nakapaskil sa bulletin board ang iba't ibang uri ng larawan, pati na rin ang mga artikulo mula sa ilang pahayagan.

 Isang pulang tali ang nagkokonek-konekta sa mga larawan at mga artikulo. Nagmistula itong sapot ng gagamba sa kung paano ito nakaayos. 

Sa gitna ng lahat ay ang larawan ng isang babaeng suot-suot ang isang malawak na ngiti habang sa tabi nito ay ang kanyang bunsong kapatid na nahihiyang tumingin sa camera 

"Soon…I will finally get the answer, Ate. "

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status