Share

Chapter 68

BUONG araw kong pinagmasdan si André at Sky na naglalaro. Panay ang tingin ni Sky sa akin, nagbabakasakaling sumali ako sa kanilang dalawa pero hindi ko ginawa. Malamig ang trato ni André sa akin at pakiramdam ko ay may malaking utang ako sa kanya. Hinayaan ko siyang makipaglaro sa anak namin.

"Mommy! Look!" sigaw ni Sky habang tinuturo sa akin ang mga nakahilerang mga sasakyan niya sa mat,

Ngumiti lamang ako at pinagpatuloy ang panunuod sa kanila.

Nang gumabi na ay pareho silang pagod. Humikab si André ngunit sinikap niya paring makipaglaro kay Sky. Humikab din si Sky at ngumingiwi na.

'Mommy!" sigaw niya sabay bitiw sa mga Iaruan.

Alas otso pa lang ng gabi. Madalas ay masigla pa siya ng ganitong mga oras pero iba yata ang araw na ito.

Nilingon ako ni André, hindi alam ang gagawin. Nilapitan ko si Sky at kinarga. Nakanguso siya habang tinitingnan ako.

Kinukusot niya ang kanyang mga matang may kaonting Iuha.

"Are you sleepy?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Niyakap niya Iamang ako. Hi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
maraming salamat sa pg update author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status