Share

Chapter 14

Gabi na nang maisipan naming pumasok sa bar. Gustuhin ko mang sabihin sa mga kaibigan ko na lumipat muna sa ibang bar dahil baka makita ko lang ulit si Kyle dito pero nakapagreserved na sila. Atsaka ayoko namang isipin nila na umiiwas ako kay Kyle. Naguguluhan din ako kung bakit ganito ako ngayon gayong alam ko naman na gusto ko lang siya kasi hot siya sa paningin ko at sa kanya ko lang nararamdaman ang thrill.

“Hello, Ma’am.” bati sa amin ng bouncer sa pinto.

Tinanguan at nginitian na lang namin siya.

“We’re here again,” banggit ni Aika nang makaupo kami sa table namin. Agad naman dumating ang waiter at saka binigay ang mga nakareserved naming drinks.

“Okay, let’s begin our party! CHEERS!” Sigaw ni Sofia nang masalinan isa-isa ang mga baso namin ng alak.

“Cheers!” Ani Aika.

“Congrats!” sabay naman naming sabi ni Shona. Nagtawanan pa kami. Tumayo kami at sabay-sabay naming ininom ang mga alak.

“You guys are having some fun, huh

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status