Share

Chapter 4

Tuliro at taranta akong palakad-lakad pabalik-balik sa magkabilang side ng opisina ni Dr. Armstrong. Hindi ko maiwasang hindi kabahan at mag-isip ng kung ano-ano.

"W-What should I do? Baka nga may alam na siya o nakakaramdam," nanginginig kong tanong kay Dr. Armstrong. I'd told him what happened between Damon and I, but he was calm while feeding his fish, never glancing at me. "Nasaan si Rafaela? Call her. I need to talk to her."

Damon's words seemed like he noticed I wasn't the real Ellena, and it was my fault. I become careless and hasty. But I won't let my plan go to ruins because of him—I won't let it happen, but how could I do that? Mukhang nakakaramdam na siya.

"Rafaela's busy, may kailangan siya asikasuhin. Calm down, Gracia. He will never know unless you admit it." Humarap na sa akin si Dr. Armstrong at nag-reflect pa ang suot niyang salamin mula sa ilaw, kaya hindi ko gaano natanaw ang singkit niyang mga mata.

He was a plastic and cosmetic surgeon who gave me a new face with the help of another surgeon. Malala iyong naging damage sa akin kaya kailangan ng dalawang doctor bago maiayos ang mukha ko, and luckily, they succeeded.

Nakaplano na sa akin—sa amin ang lahat, kaya hindi ako papayag na masira ang lahat. Naguguluhan ako kung bakit ba kasi 'pag kaharap ko na si Damon ay bigla akong nawawala sa sarili, nakakalimutan ko na ako dapat si Ellena. May kakaiba sa kanya na tila kaya niyang basahin iyong bawat kilos ko.

Kinakabahan ako sa mga tingin niya, at iyong boses niya, nakakapanindig balahibo, but all those things felt good at the same time.

"Wala ka na bang ibang alam na impormasyon tungkol kay Damon?" hindi ko matiis na magtanong. I couldn't hold him by his neck if I didn't know anything about him. Masyadong kaunti ang impormasyong mayro'n ako laban kay Damon.

Nagsalin ng tsaa si Dr. Armstrong at inabot pa nito sa akin ang isa. Iniabot niya rin sa akin ang gamot ko. Kapag masyado akong nagpa-panic, binibigyan niya ako ng gamot para kumalma. May ilang vitamins din siyang pinapainom na makatutulong para hindi magkaroon ng problema ang pagkakaretoke sa akin.

"Ako, wala. Ang alam ko lang ay galing siya sa pamilya ng mga Wade kaya confidential ang mga background nila," diretsong sagot niya. "Pero sa tingin ko ay maraming alam si Rafaela. Hayaan mo at tatanungin ko siya pagbalik niya."

Tumango-tango kong nilagok ang gamot at ginawa kong tubig ang tsaa. "So, what should I do? Hindi pa ako nakakapagumpisa. Kailangan babalik si Rafaela? Ayoko na matapos na lang ito na walang nakakamit na hustisya," sabi ko rito at unti-unting natigil ang panginginig ng kamay ko. Mukhang tumalab na ang gamot.

Bahagya niyang inangat ang salamin at tila nag-iisip. May kinuha pa siyang folder at inabot sa akin. Napatitig ako rito bago sinilip ang laman.

"Queen Valeria, Ellena's best friend since she left for college. Why don't you try to visit her? Sigurado ako na sa kanya, marami kang makukuhang impormasyon tungkol kay Damon. Malaki ang tiwala sa kanya ng totoong Elena."

Napatingin ako sa background ni Queen bago binalik ang tingin ko kay Dr. Armstrong na umiinom ng tsaa, "You think it will be safe? She's a trusted friend of Ellena, baka magkaroon tayo ng problema."

Walang pagbabago ang ekspresyon sa mukha niya habang marahan na ibinababa ang tasa ng tsaa sa lamesa. "Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan."

Napatango ako sa kanya. He had a point. Wala akong ibang choice ngayon kung hindi puntahan ang matalik na kaibigan ni Ellena. Ang totoo, marami siyang kaibigan, pero kilala lang siya ng mga ito 'pag may kailangan o sa mga kalokohan.

Ellena was a usable friend, and she had them because of her bitchy attitude. But once you blocked her way, she'd do everything to sue you. Masama ang ugali, sa madaling salita. Malayong-malayo sa totoong ako. Hindi ko naman sinasabi na santa ako sa kabaitan, but I couldn't deal with Ellena's life. Hindi ko kayang gawin ang mga nagawa niya, but sometimes, I think that was better than being nice. Kapag masyado ka kasing mabait at maunawain, sinasamantala 'yon ng marami hanggang sa magmukha ka nang tanga at katawa-tawa sa paningin nila.

Agad akong nakipagkita kay Queen sa isang tea shop kung saan ay paborito nilang tagpuan ni Ellena.

"Ellena?" mulagat na bungad sa akin ng isang magandang babae. "Ikaw nga!" Kulang na lang ay gumulong siya papunta sa akin, at patalon-talon niya akong niyakap. Nakipagbeso-beso pa siya at tuwang-tuwa na umupo sa tapat ko.

I forced a smile.

"You're still stunning, how to be pretty as you?" malambing niyang puri sa akin pero napairap ako kay Queen as if I were the real Ellena.

"Simple lang, maging tao ka muna," seryoso kong sagot sa kanya. Uminom ako ng kape.

Naglaho ang matamis na ngiti sa labi ni Queen, at gano'n din ang kinang sa mata niyang bumagsak sa lungkot at pinilit na ngumiti. "Wala ka pa rin talagang pinagbago. Palabiro ka pa rin!" Pabiro niyang hinampas ang braso ko.

Kuhang-kuha ko ang tono at akto ni Ellena kaya naman gano'n na lang ang pagtataka ko sa tuwing kaharap si Damon. Sa kanya lang talaga ako palpak sa pagpapanggap bilang Ellena. Ewan ko ba kung anong mayro'n sa lalaking iyon at parang may anting-anting na pangontra sa kademonyohan ni Ellena.

"By the way, why are you here? Akala ko ba nag-e-enjoy ka mag-around the world?" Pilit siyang ngumiti at tila naghahanap ng inumin. Napatingin pa siya sa akin.

"Here, buy yourself a drink." Inabot ko ang pera sa kanya at nakangiti niyang tinawag ang waiter.

"Isang Okinawa at pa-add na rin ako ng pearl. Thank you," she said sweetly before she turned to me with a huge smile. "So? Any plans? Do you wanna hang out? Bar hopping? Let's hunt some boys." She giggled in excitement.

I smiled as she was the one who initiated what I wanted to happen. Mukhang hindi ako mahihirapan na makakuha ng impormasyon kay Queen.

"Sure, but before that, you should change your clothes— ah! Change everything para hindi ka magmukhang hampaslupa." I smiled as if I already won this game.

Great job, Gracia! Pwede ka na talagang mag-artista sa galing mong mapanggap. Huwag lang talaga susulpot iyong lalaking iyon at baka masira lahat ng mga plano ko.

We went to one of the most popular bars in this country. Ellena used to be here whenever she was in the Philippines, and as Gracia, it was my hated place. Ayoko talaga sa mga usok ng sigarilyo o sa amoy ng alak, lalo na ang maingay na lugar, but I needed to conquer everything for the justice I was seeking.

"OMG! So hot! Ang daming gwapo ngayong gabi!" tili ni Queen at walang gana akong nanlulumo sa sobrang ingay. Magkaka-headache yata ako pagkatapos ng gabing ito.

"Pwede bang umupo muna tayo?" I asked, feeling a little dizzy from this place. Hindi ko talaga nakalakihan ang ganitong lugar. Taong-bahay, eskwela, at trabaho lang ako noon. Kung gusto ko man maglibang ay mas pinili ko pang pumunta sa mall para makapag-grocery ng kailangan o ng mga bagay na gusto kong bilhin.

"No! We should dance like strippers! Come on, Ellena! This is your night to catch a big cock," sigaw niya pero wala akong interes sa ibang lalaki. Isang lalaki lang ang gusto ko at iyon ay si Henry, ang asawa ko. Childhood sweethearts kami n'on kaya nga sa kanya na rin ako nagpakasal after ng matagal naming relationship as girlfriend-boyfriend. Siya lahat ang first ko at never akong nagloko tulad ng mga kabataan dito na mukhang uhaw na uhaw sa halik.

Nagulat na lang ako nang bigla akong hilain ni Queen sa gitna ng dance floor, and in just a blink of an eye, she was gone, and I was surrounded by a man who was grinding his hips on me. There was also a guy with a curly hair who grabbed my waist and pushed me harder to him as he slithered his hands down on my butt. Biglang nanlaki ang mga mata ko.

"Nice ass," paos niyang bulong nang yumuko siya, at bago pa niya ako mahalikan ay buong lakas ko na siyang tinulak.

"Bastos!" I said angrily and slapped him. Mukhang hindi siya nagulat at napatili ako nang hilain ako ng lalaki palapit sa kanya. Everyone seemed busy with their own monkey business, and it looked like no one would care if someone was being harassed.

"Huwag kang maarte, Ellena. I already fucked you in the toilet room. Wanna have fun with me again?" mapang-akit niyang sabi at nagtangka ulit siyang hawakan ang pwet ko nang tuhurin ko iyong ahas niyang malandi.

"Fuck you!" sigaw niya sa 'kin at nagmamadali akong kumaripas ng takbo.

Hinihingal akong napahawak sa dibdib. Nagwawala ang puso ko sa sobrang kaba at gusto kong umiyak, humingi ng tulong, pero wala akong kilala ni isa. Mali yata ang plano kong lasingin si Queen dahil mukhang ako itong mapapahamak. Saan ba kasi siya pumunta? Bakit ba iniwan niya ako mag-isa? I mean, I couldn't always be always Ellena—fierce and brave, because I was still Gracia—the total opposite of this face.

Gusto kong umiyak na para bang nawawala akong bata sa isang lugar na hindi ako pamilyar. Nagpaling-linga ako sa paligid at higit akong nahihilo mula sa mga ingay at liwanag na sumisilaw sa mga mata ko.

Gosh! I hate this feeling!

"Long time no see, Ellena?"

Natigilan ako sa paglalakad nang bigla na lang akong harangin ng tatlong lalaki. Hindi sila pamilyar sa akin, pero pansin ko ang malaking tattoo sa braso ng isa, samantalang ang nasa gitna at gawing kanan ay may isang maliit na tattoo sa leeg. Hindi ko sila kilala pero mukhang kilala nila si Ellena.

Okay, calm down, Gracia. Act as her, you need to conquer the fear inside your heart. Be brave! Kailangan mong maging matapang.

Huminga ako nang malalim. Taas kilay akong namaywang sa kanilang tatlo at kumakabog ang dibdib ko sa sobrang takot. Pinilit kong hugutin lahat ng lakas ko.

"And what the hell do you want from me?" mataray kong tanong sa kanila.

Itinago ko ang nanginginig kong mga kamay, pero nagkatinginan sila at mas lumapad ang ngisi sa mga labi. Lumapit iyong isa sa akin at umakbay pa siya habang pasimpleng hinihimas ang braso ko.

Literal na nagtayuan ang balahibo ko sa kilabot, pero mas kinilabutan ako sa ibiulong nito sa akin. "We want a foursome with you again."

My heart ripped at what I heard. I couldn't imagine that Ellena slept with these not-so-good-looking men and what? A foursome?

Kinilabutan kong inalis ang pagkakaakbay niya sa akin, pero hindi ako nagpahalatang kabado.

"D-Do you brush your teeth? I don't fuck... with people with bad breath, so learn how to brush your teeth first," m*****a kong sagot pero malaki ang hakbang ko palayo sa kanya.

Gusto ko nang tumakas sa lugar na 'to, pero wrong move dahil bumangga lang ako sa isang lalaki at kotang-kota na ang pwet ko nang pisilin pa niya iyon. Gusto ko nang umiyak dahil pakiramdam ko naapakan ang pagkababae ko sa lugar na 'to. Hindi ko nagawang pahawakan ang katawan ko sa ibang lalaki maliban sa asawa ko. At kung magloloko man siguro ako ay hindi sa ganitong klase ng mga lalaki, na para bang pwede ko na isangla ang ginintuan niyang mga ngipin.

Mabilis kong tinapik ang kamay ng lalaki, pero bago ako makahakbang ay tuwang-tuwa ako nitong itinulak sa kasama niya. "Sige na, Ellena. Isang gabi lang ulit. We have new toys for you," natatawang sabi ng isa.

Parang adik nitong sininghot ang leeg ko. Mas nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan at konti na lang, papatak na talaga ang mga luha ko.

Sobrang init ng gilid ng mga mata ko at hindi ako sanay na pinagpapasa-pasahan nang ganito. Para akong laruang bola na salitan nilang sinasalo.

"Yeah, we bought more toys, good fucking toys for your pussy."

"And for your big tits." Sabay halakhakan nilang tatlo.

Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko sa mga sinasabi nila habang pinagpapasahan nila akong tatlo at animo'y demonyo pa silang humahalakhak. Alam kong hindi ako ang tinutukoy nila dahil hindi ako ang tunay na Ellena, pero hindi ko ma-imagine ang mga sinasabi nila o kung paano iyon nagawa ni Ellwna. Kung siya nagawa niya, ako hindi ko magagawa.

"Let her go."

Bago pa ako makapagsalita at bumuhos ang mga luha ay narinig ko na ang pamilyar at baritonong boses ng lalaki. Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino siya dahil kahit ilang linggo ko pa lang siya nakakasama, kabisado ko na ang bawat detalye ng boses at mukha niya.

"Damon..." usal ko sa pangalan niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status