Share

Chapter III

Hindi madali ang kanyang ginawang pagsisinungaling sa mga taong malapit sa kanya.

Her Council was shocked at di makapaniwala na nag resign siya sa kanyang position.

All were asking ano ang kanyang rason sa kanyang biglang pagresign. All she said is mag aabroad na siya and she couldn’t say no to the the opportunity.

Everyone congratulates her specially ang kanyang youth counselor na excited yatang mapalitan siya.

Napailing nalang siya.

After her council, she called up her two besfriends, Ashton and Cheska.

Nakipagkita siya sa mga ito. She set up her date with her two bestfriends and pormal na nagpaalam sa mga ito. At first di makapaniwala ang dalawa, Cheska thinks she’s joking and Ashton was just shocked of her sudden news.

“Sis, why do I feel that this is not good for you? Why do I feel na parang may mali?” Cheska blurted.

Napakunot nalang ang noo niya and all she could do is plaster her most convincing and sweet smile.

“Stop smiling you idiot, tell us the truth?!” Sabad ni Ashton.

Di pa siya reading sabihin sa mga ito ang tunay na dahilan ng kanyang pag alis.

“Guys, just trust me okay. I swear, I got accepted and it’s urgent. All my requirements, okay na. All I have to do now is to tell you guys na aalis na ako.”she’s not even sure of what she’s saying.

“Wag nga kayong OA. May social media halerrr! We can call from time to time. Promise, once na makarating na ako sa Italy. I will call the both of you.” Pag aalo niya sa dalawang kaibigan.

Napaiyak na ang dalawa. Di niya mapigilan na maiyak na din. She hugged her two sisters. If only they knew.

After her date, she was heading home when her phone rang.

It’s an unknown number and she knew already kung sino.

Isa naman siguro sa mga galamay ni Dimitri Guidotti or ni Benecito Lorenzo.

“Who’s this?” Agad niyang sagot sa tawag.

The other line chuckled. Napakunot ang noo niya.

“Goodevening Ms. Quiava. This is Manuel Medichellí. I have forwarded a sum of money in your bank account. I hope it’s enough for you to buy your personal things. Just to inform you Miss Quiava, you will be staying in Italy for a long time and I am very pleased to know that you’ve been cooperating to all of this. See you soon.”

And he ended the call.

Di makapaniwala si Rosalia sa narinig. Napatingala siya sa langit at di mapigilang mapaiyak. Sabay ng pagtulo ng kanyang luha ay ang kanyang piping dalangin na sana ay magkaroon siya ng lakas at tibay ng loob na makayanan niya ang naghihintay niyang kapalaran sa mga kamay ni Dimitri Guidotti.

“Sarap mong ipabarang Dimitri” bulong niya sa sarili.

Bago siya umuwi, dumaan muna siya sa isang mall at tumungo sa isang kilalang bangko at dumiretso sa ATM machine. She checked her Bank balance and holy crap!

Di nga nagsisinungaling si Miguel! May laman ang account niya at di niya mapigilang mapalatak.

“Tangina! Ang laking pera nito?! Aanhin ko ito?! She whispered amusingly.

If it’s for buying her personal stuffs, sobra sobra ito.

Tama na sa kanya ang mga gamit na mayroon siya. Ano lang ba ang kailangan niya? Cellphone niya, important documents, mga damit at kung ano ano pang abubot.

Ang perang nasa kanya ngayon ay pwede nang makapagpatayo ng fully furnished na bahay!

Wait? Ipatayo nalang kaya niya ito ng bahay? Doon sa pinakamalayong bundok ng South Cotabato. Doon sa kung saan di siya ma lo-locate ng mga tao ni Dimitri. Tama! Magtatago nalang siya!

“Edi napahamak ang pamilya ko pag ganoon. Sigurado naman akong halang ang kaluluwa ng mga taong yun.” She thought to herself.

“I can’t accept this. Sabihin na ng lahat ng diyos na napaka hypocrite ko pero di ko ito matatanggap!”

Kinusot niya ang reciept na galing sa ATM machine at ineject niya ang kanyang ATM Card.

Sa sobrang stress niya napatungo siya sa kanyang paboritong fast food chain at nag take out.

Pagka uwi niya sa bahay, sayang-saya ang mga nakababata niyang kapatid dahil may pa jollibee siya. Pero ang mga magulang niya mukhang takang-taka.

She gathered her strength at tinignan ng pagmamahal ang kanyang pamilya.

“Lovies, I got accepted in New Zealand.”

Walang warning niyang pahayag.

Kitangkita ang pagka gulat ng kanyang mga kapatid at magulang.

Unang nakapag salita si Camille.

“No way?! NO EFFIIING WAY?!” Masayang sambit nito. Napaiyak na si Dianne at napasinghap ang kanyang ina.

Nayakap niya tuloy ang mga kapatid niya.

Napaiyak na siya.

Napaiyak siya sa kanyang ginagawang kasinungalingan. Napaiyak siya dahil pinaniwala niya ang mga taong malapit sa kanya na isang magandang oportunidad ang kanyang natanggap. Isang blessing. Na kaya siya aalis ay dahil isang pangarap niya ang natupad.

Napaiyak siya dahil di niya alam ang kanyang kahahantungan at wala ang mga taong ito sa kanyang tabi para alagaan at ipagtanggol siya.

Sinulyapan niya ang kanyang mga magulang. Napa ngiti ang kanyang mama at papa.

“Totoo anak? Na natanggap ka na doon sa New Zealand?” Tanong ng kanyang mama.

“Magpapaka baka ka na talaga doon ate?” Pag jojoke pa ng bunso nila.

Napangiti siya. “Opo, at aalis na akong this coming October 4. Urgent ho kasi” imporma niya.

Nagulat ng husto ang mga magulang niya.

“Ay ganoon ka bilis? Isang linggo ka nlang mag eestay dito? Grabe naman anak.”

She nodded her head. “Ganun ho talaga Mama, eh sa yun po ang natanggap kong email eh. Kaya nga ho, urgent din ang pag resign ko sa trabaho.”

Nagkatinginan lang sila ng papa at mama niya.

Bigla ay napayakap ang mama niya at papa niya hanggang sa nag group hug sila.

Her father asked a lot of questions about her being accepted on a job abroad. All she did was make up stories and conceal the sadness in her eyes.

Sometime she stammers and choked some words because she can’t take anymore lies.

Pero she had no choice. She continued sweet talking her loveones.

In the back of her mind, isang milyong paraan na niya napatay si Dimitri.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status